Ala-una ng madaling araw nang magising ako sa ingay sa labas—kaskas ng mga metal na inakala kong dulot ng mga robots.
Pinilit kong ipikit muli ang aking mga mata at muling matulog, ngunit ang walang humpay na ingay sa labas ay hindi ako tinantanan.
I even heard laughter outside, blending with the hum of vehicles and the harsh screeching of metal friction.
Napagpasyahan kong silipin ang kaganapan sa labas. Pagdungaw ko sa bintana, tumambad sa akin ang isang grupo ng mga kabataan na may kanya-kanyang robots at mga lumulutang na sasakyan.
'Wala bang curfew sa panahon ngayon? Kainis', bulong ko sa sarili.
But as I was about to close the window, a familiar figure caught my eye. He was among the noisy group below. Sumakay siya sa sasakyang may estilong gagamba. Pilit kong pinakikinggan ang kanilang usapan kahit alam kong mahirap—maingay ang mga sasakyan at nasa loob ako ng bahay. Ngunit dala ng matinding kuryosidad, napagdesisyunan kong lumabas at lumapit sa bakuran namin.
Pagdating ko roon, nagulat ako sa aking narinig—pinag-uusapan nila ang AI enlistment at ang nalalapit na pagbabalik ng gobernador.
"What's the plan, Burn?” Tanong ng isa sa mga lalaki.
Iyong nakasakay sa sasakyang may estilong gagamba ay tumawa nang mahina. Ito ang tinatawag na Burn. Bumaba siya sa kanyang sasakyan at lumapit sa nagtanong. Dumikit ang kanyang bibig sa tainga nito. I knew he was whispering something, and whatever it was, it left the man stunned.
Ang iba naman ay natigil sa pagpapabirit ng kanilang mga sasakyan. Bigla na lang bumagsak ang lalaking kinausap ng lalaking tinatawag nilang Burn.
Maririnig ang pagsinghap ng ilan. Tulad nila, nagulat ako sa aking nasaksihan. Walang armas na inilabas si Burn—puro bulong lang—pero kusa lang bumagsak ang lalaki, at mula sa ulo nito ay dumaloy ang likidong hindi ko matukoy.
I covered my mouth, desperately trying to stifle a gasp.
“What the hell are you doing, Burn?” Tanong ng isa pang lalaki, ang tono'y halatang iritado ngunit kalmado pa rin.
“I just told him the plan, but guess what, he’s so shocked he stopped breathing. Why? You wanna know, too?" Sa sagot ng lalaking si Burn, lahat ay napaurong, dahan-dahang umatras mula sa kanya.
Mula sa bakuran namin, kitang-kita ko ang lahat dahil sa liwanag ng mga robots at ng buwan. But the only thing I could clearly see was his familiar back figure.
I felt a chill run down my spine. Parang kilala ko siya.
Burn approached another guy who dared to question him. He whispered again, and just like the first one, that guy collapsed, liquid streaming from his head onto the street.
I gasped before I could stop myself. His head snapped toward my direction. I ducked behind a dead shrub, heart racing, trying to calm my breathing.
A minute passed. Silence returned. They were gone.
Dahan-dahan akong tumayo at bumalik sa loob. Pero bago pa man ako makapasok, isang malamig na boses ang narinig ko sa likuran.
“Hindi ka pa rin nagbabago, Que.”
Fear crept into my bones. I was shivering. I didn’t like how he called me by my nickname— Que. I gulped, trying to steady my erratic heartbeat.
“You’re still beautiful, Que.”. His voice was sickeningly sweet, almost taunting.
Who is he?

BINABASA MO ANG
2085: Navigating the Horizon of Wonders
Science FictionA captivating journey unfolds as Quera Trinado awakens to a surreal world-a symphony of muted skies, silverscapes, geese, aluminum, and platinum forming the palette of all things. Wondering about her unexpected arrival in this extraordinary place be...