Napagpasiyahan kong lumiban pansamantala sa klase. Ayaw ko munang makita ang pagmumukha ng nga tao roon. Lalo na si Drupe at ang Sansa na 'yon.
"Gaga, ba't ka lumiban?"
"Hoy, nasaan ka na?"
"Ba't absent ka?"
"Wala na akong kasama rito!"
"Pumasok ka na Quera, naiiwanan ka na sa tsismis dito!"
Ito lang naman ang mga mensahe na nanggagaling kay Kyela.
Pero mas pinili kong huwag itong bigyang-pansin. Tiyak marami na naman itong itatanong sa akin at tiyak na tungkol lang sa babaeng hindi ko maintindihan ang pag-tsi-tsismisan namin.
"Hi, good evening, this is the book you requested." Kuha ng kahera sa atensiyon ko.
Inabot ko naman kaagad ang bayad at ngumiti sa kahera.
Ginawaran ko ng maiging tingin ang libro na ibinigay nito na hinihiling kong makakapagbigay ng mahalagang impormasyon kung bakit ako narito at ba't nagbago ang takbo ng mundo.
"This is the latest book we can recommend to you, Ms.Trinado." Linya nito bago ko makuha ang libro.
Umalis ako sa Deep-knows Bookstore na ipinakilala ng kapatid ko sakin.
Dito lang naman ako tumatambay imbes na pumasok sa unibersidad simula noong nakaraang araw.
I wanted to freshen up.
Kagabi rin kasi ay napag-usapan ng pamilya ko ang AI Enlistment ni Ross. Ang di ko rin maintindihan ay ang sinabi ni papa. "Make us proud, Ross. The Mayhem is coming."
Kung ganon ay may giyera na mangyayari?
Nakakainis! Hindi ko na alam anong nangyari ng tadhana at inilagay ako sa nakakawindang na sitwasyon.
Irita kong ginulo ang aking buhok at sumalampak sa metal na lamesa dito sa labas ng bookstore.
Nababaliw na'ko!
But then, a chuckled brings back my sanity.
I checked who it is.
Pero nawindang na naman ako sa puntong muntikan na akong mahulog mula sa pagkaka-upo nang mapagtantong ang nasa harapan ko at ang umalik-ik ay ang lalaking hinahangaan ko sa lahat.
"Dale?"
Upon hearing with how I called him, his brows furrowed.
"Dale?" Pabalang nitong tanong din.
My heart thumps irregularly.
Fuck talaga, ba't sa dinami-daming tao, ba't ito pang pinaka-crush ko sa lahat? Si Dale John Ferin!Tumalikod ako ng kaunti sa kanya.
"What's wrong, miss?"
Puta! Tatlong salita lang pero grabe, lalo akong nahuhulog sa kanya.
"If I offended you for chuckling, then, I apologize," he added.
Hala!! Ba't napaka-gentleman niya? Si Dale ba talaga ito? Eh, hindi nga ito namamansin ni kahit sino eh?
"Kalma Quera, hindi siya si Dale na crush na crush mo sa taong 2023." Paalala ko sa sarili. Kailangan kong kontrolin ang nararamdaman ko.
Ewan ko ba't patay na patay ako sa lalaking hindi namamansin at pati ba naman sa taong ito? Makikita ko pa rin siya? At hinahangaan ko pa rin? Grabeng tadhana! Mapanukso!
I cleared my throat before speaking. "Okay lang."
Pagkatapos ay binuksan ko ang libro at umaktong taimtim na nagbabasa kahit sa kaloob-looban ay para na akong mahimatay sa kilig.

BINABASA MO ANG
2085: Navigating the Horizon of Wonders
Ciencia FicciónA captivating journey unfolds as Quera Trinado awakens to a surreal world-a symphony of muted skies, silverscapes, geese, aluminum, and platinum forming the palette of all things. Wondering about her unexpected arrival in this extraordinary place be...