III. SHUPERSTAR

36 0 0
                                    

 Chapter 3: SHUPERSTAR

"Oh anak. Mag iingat ka dyan ah! Wag ka masyadong magpapagod. Kung nahihirapan ka 'nak umuwi ka na dito."

"Nay wag po kayong mag alala! Ok po ako dito. Mabaet po yung amo ko. Sobra po."

"Buti naman anak. Miss na miss ka na namin!"

"Miss na miss ko na din po kayo Nay!...*sniff* Sige nay tawag na po ako ni Sir! Magiingat po kayo nila Itay!"

Sabay inend ko yung call. Baka kasi mapansin ni Inay na umiiyak ako eh. Nu ba yan! Kainis naman oh! Miss na miss ko na sila Inay! T-T

Nagsinungaling na ko sakanila na mabaet yung amo ko kahit hindi naman talaga. Baka kasi pag nalaman nila na nahihirapan ako eh pilitin nila ko umuwi. Sana ok lang sila dun! Ako naman kakayanin ko naman kahit papano yung kasungitan ng amo kong akala mo kung sino!

"Thinaaaa!" Ayan na naman sya! Aga aga sisigaw! Hays. Impakto talaga!

"Andyan na po!!" pinunasan ko ang luha ko at inayos ang sarili ko mahirap na baka isipin nyang umiiyak ako dahil sakanya.

Agad akong lumabas sa kwarto ko at pinuntahan sya sa sala.

"Sir bakit po?!"

"Mag ayos ka. Dali! May pupuntahan tayo!" sabi nya ng as usual masungit.

Tumalikod nalang ako bigla kabwisit kasi pag nakikita ko mukha nya. Sarap sipain.

Pagtalikod ko edi ayun. Make face, make face. Yun lang naman kaya kong gawin. Baka kasi sesantehin nya ko.

"Within 5 minutes dapat tapos ka na mag ayos! Aantayin kita sa parking area." pahabol na sabi nya.

"Oo na! Oo na!" bulong ko sa sarili ko. Susmaryosep kala mo makautos!

Agad akong nagbihis at nagsuklay. La na make up make up para mapahiya sya pag nakita sya ng mga fans nya sa labas. Na may kasama syang dugyot. HAHAHAHA.

Pero joke lang pano ko magmumukang dugyot sa Ganda ko db? Haha.

Nagpantalon lang ako at shirt. Simple lang. Kung pwede lang magtsinelas eh. Eh kaso malamig.

Lumabas ako sa kwarto ko at nagpunta sa parking area nya.

Color black ang van nya. Yung van na pang celebs talaga. Nakita ko syang nakasandal sa may kotse nya ng nakafold/cross ang arms nya, naka white polo sya na medyo half open kaya kita ang dibdib nya.

Wow. Pogiiiii!!!

Yummmyyy!

Oo yummy! Sarap ipalapa sa pating!! Grrr...

Maling purihin ko sya dahil galit nga pala ko sakanya!

"Ah sir. Ok na po!" sbi ko habang papalapit skanya.

"Oh ano pang inaantay mo?!" sabay hinagis nya ang susi sakin.

"A-ako pong magddrive?!"

"Baka ako?! Ako ata katulong dito eh!" sarcastic na sabi nya. Oo nga e sana ikaw nalang ang katulong, ako ang amo!

"Sabi ko nga po eh." sabay binuksan ang pinto at lumapit sa may driver's seat.

Si Jae imfakto naman ay sa passengers seat naupo. Eh Amo ko sya eh.

"Dun tayo sa may MCB Broadcasting!"

Aba parang alam ko yun! Taga dito kasi ako sa Korea eh! Dito ko pinanganak. Alam na alam ko yun eh!

Magtatanong pa lang ako kung saan yun eh bastos kong amo nagsalita na. Nakaramdam ata.

"May navigator(map) dyan sa may harap. Tignan mo nalang!" cold na sabi nya.

High tech nga pala dito sa Korea. May screen na maliit sa may harap ng driver's seat para malaman mo san ka kanto or road dadaan.

Inistart ko ang kotse at lumarga na.

Tinignan ko sa mirror sa may unahan si sir. Nakatanaw lang sya sa malayo.

Hay nako kung di ko lang alam yung tunay nyang ugali baka mapagkakamalan ko syang anghel.

Eh ang masaklap eh, kilala ko na sya. Isa syang walang pusong impaktong kala mo.kung makapag utos wagas wagas!!

"Ah Oo nga pala sir? Pano po yun wala akong driver's license? Pano po pag nahuli tayo?" Oo nga at marunong ako magdrive pero wala akong lisensyang valid dito sa Korea.

Tumingin sya sa harap at ngumiti ng isang angelic with pagkamayabang na ngiti.

"Bat sino ba ko?"

"Si Choi Jae po."

"Ano ako dito sa Korea?"

"Kpop Star po."

"not just a star but a SHU-PER-STAR." bingyan nya pa ng diin ang superstar. Edi ikaw na.ikaw na the best ka eh! At ano daw? SHOE-perstar? HAHAHA. Oo pwede! J

"..Isang autograph ko lang solve na lahat! At ang nahuhuli lang ay yung mga mabilis magpatakbo o yung hindi sumusunod sa signals. Unless may balak kang masama?" Aba yabang neto eh kung ibangga ko kaya tong kotse nya sa trak o sa puno o kaya ilaglag ko sa bangin!

"Wala po."

"Then go! Ayusin mo yung pagmamaneho mo!"

Muchacha ni BiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon