Chapter 4.1:
(Jae's POV)
"Mag nine na! Nakauwi na kaya yon si Kulot?" bulong ko sa sarili ko habang nagddrive.
Siguro kilala nyo naman na si Kulot noh? Si Thina! Yung stalker/maid ko! Pano nalaman kong fan ko pala sya. Dami nya pang picture ko sa may gamit nya. Kaya ayun nabuko ko sya!!
Ay ewan ko ba bat mabigat loob ko sakanya. Di ko din alam basta alam ko na masyado syang madaldal. Daldal na nakakainis na!!
Galing lang ako saglit sa isang..
Ah basta sa isang importanteng lugar.
Kaya di ko sya sinama pauwi eh.
2 blocks away from my home. Dapat andun na si Kulot at nakaluto na sya ng dinner! Ay nakooo!!
"BITAWAN MO KO PANGIT KAAAA!!" rinig kong sigaw ng isang babae.
Tinanaw ko kung san galing ang sigaw. Binuksan ko ang bintana ng kotse sa may bandang driver's seat. Isang babae ang nagpupumiglas sa isang lalaki.
"Wag ka nang pakipot!!" sabi nung lalaki
Teka! Kelangan akong tumulong sa babae. Tinanggal ko ang seatbelt ko at akmang bubuksan ang pinto ng kotse ko nang..
Teka! Si Kulot toh ah!!
"Ayaw mo ko bitawan ah!" *boogsh*
"Aaaaah!!!" sigaw nung lalaki. Tas napahawak yung lalaki sa may lam nyo na sa yaman nya. Sinipa kasi ni Kulot.
Aba matapang!
"Ano hah!! Badtrip na ko iinisin mo pa ko?! Ano hah!!!" sabay suntok at tadyak nya sa lalaki.
"Oh ano?!!? Gusto mo ba hindi na makalakad?!" banta ni Kulot.
Napaatras ang lalaki habang nakahiga sa kalsada sabay karipas ng takbo.
Aba tapang netong babaeng to! Tomboy ata to eh! Ang lakas!
Pagkatakbo ng lalaki.
"HAH SIGE SUBUKAN MO PA KONG BALIKAN SISIPAIN KO YANG MUKA MO!!" sigaw nya in a languange na di ko maintindihan. Siguro Filipino languange yun.
---------***
“Aish! Patay! Andyan na si Pakto!” bulong ko sa sarili ko. Pano nakita ko kasi bukas na yung mga ilaw sa loob ng bahay nya. Pano yan. Mamaya bulyawan na naman ako nung imfaktong yun.
Aish bahala na nga. Byerna -__________-
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto para di ako marinig, mag 10 na din kasi baka tulog na yun. SANA nga!! >.>
Unti-unti, dahan-dahan kong binuksan, sinara, at naglakad. Slow and Silent.
One step, Two step.
“Bat ngayon ka lang?!”
AY PATAY.
Unti-unti kong inangat ang ulo ko.
“Ah. Sir, kasi… natraffic ako.. ehehe” sabay kamot sa ulo at paamo-effect. Baka Tumalab. HEHE.
Nagsinungaling pa ko ng wala sa oras. Tsk. Sorry po Lord!! T---T
Pero kahit na. HUHUHU Sigurado ako sisigawan nya ko. Magreready na nga ko.
……
PERO laking gulat ko!!!! Tumalikod lang sya at naglakad papa-akyat.
“Ah. Eh? Sir? Di nyo po ba ko papagalitan?” NGA-NGA ako sakanya. O.O
Pero tuloy tuloy padin ang paglalakad nya. WHOA. Bat ang weird nya?
Oh well, hayaan mo na nga! Baka pagod. Yessssh!! Ang mahalaga eh, nakaligtas ako sa POOT nya! HAHAHAHA. ^^--------^^
BINABASA MO ANG
Muchacha ni Bias
Teen FictionMUCHACHA- aliping saguiguilid, utusan, alila, atsay, yaya, chimay, katulong. Pano kung naging dakilang muchacha ka ni bias nang di mo inaasahan na dati mong loves na loves na hate mo na ngayon?! MUCHACHA, AKO???? WEH, SA GANDA KONG 'TO...