Chapter 3: Tumult in the Midst

35 4 2
                                    

Zean Bartoli's POV

(A little bit of Narration)

Namatay noon ang lola ni Ste sa isang ambush. At ang masaklap pa doon, sa harapan pa niya ito namatay. Ayaw na niyang balikan ang nakaraang iyon. Ang lola na lang niya kasi ang alam niyang pamilya nuong mga panahong iyon kaya't sobrang masakit para sa kanya ang mawalan ng nag iisa-isang pamilya.

Nakikilala namin ni Max si Ste sa Barden University nuong 11th Grade kami. Grade 11 kami nuong malaman namin na mag-isa na lang pala sa buhay itong si Ste. Duon din nag-umpisa ang pagtataka namin sa kanya kung bakit nakakapag- aral pa siya sa isang mataas na paaralan gayong wala na namang natulong sa kanya. Hanggang sa malaman namin ang mga ginagawa niya sa buhay kung bakit pa siya nakakasurvive at kami pa ni Max ang nahawa sa mga ginagawa ng babaeng yun.

Kaya hanggang ngayon, kami parin ang kasama ni Ste kaya't parang kapatid na din ang turing namin sa kanya ni Max.

--

Nandito kami ngayon sa bahay ni Ste nagmomovie marathon na rin , pinatawag niya kasi kami at magkakaroon na naman daw ng adventure time.

Umorder kanina si Ste ng Pizza pero kinanya naman nitong si Max ang buong pizza at ayaw akong bigyan.

"Wengya naman Tol! Tignan mo nga ang ginawa mo?!!..Wala na!!. Wala na!" sabi ni Max na kanina pang nagmamaktol.

"Talaga namang mawawala yan diyan, kita mo namang sinubo ko na lahat." Ayaw mo kasi akong bigyan. Magdusa ka ngayon.

"Ayan!! Hindi ko na tuloy nakita yung pag putol ng paa! Lintsak naman tol oh! Ang gulo mo kasi!" sabi ni Max sabay gulo ng buhok.

"Ikaw ang magulo dyan! Kung kanina mo pa sana ako binigyan ng Pizza, edi sana nakita mo pa yang pagputol ng paa dyan sa biktima ni Jigsaw" Ako pa itong magulo?

Natigilan lang kami nang dumating na si Ste sa harapan namin.

"You TWO! sabay turo ni Ste saming dalawa ni Max "Samahan niyo ako mamayang 1:00 am, sa Barden University"

Nagkatinginan lang kami ni Max sabay ngiting abot tenga.

"Yeah boy! Rakrakan nato!" excited na sagot ni Max.

"Ano? Anong plano?" Ano kayang meron? Parang magkakaron ng magandang event mamaya.

Ngumiti lang sa amin si Stellar ng nakakaloko. Nagkatinginan lang kaming tatlo sabay napangiti.

Parang may magandang binabalak talaga tong babaeng to. Hanep! Excited na ako!

Stellar's POV

Nandito ngayon sina Zean at Max sa bahay ko. Pinatawag ko sila at kailangan ko ngayon ang tulong nila. Hindi naman sa gusto ko silang idamay sa mga posibleng mangyayari, dahil alam ko hindi nila ako papabayaan.

Kailangan kong makita ang mga taong iyon.SILA.

--Flashback--

Kakagaling ko lang sa locker ko kung saan kakakita ko lang kina Max at Zean at papunta na ako ngayon sa First Subject ko.

"Ms. Verbana, why are you late?" ang welcome sakin ni tandang Prof. pagkapasok ko ng Classroom."You're 20 minutes late Ms. Verbana" pahabol pa ni Oldie.

Dire- diretso lang ako papunta sa isang Vacant Seat hanggang sa makaupo ako at ibinaba ang bag ko. "Just continue your discussion Oldie, your just wasting our money."

The Troubled HackerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon