Chapter 4-The New Constituent

26 2 0
                                    


MAX' POV

Nandito kami ngayon sa Underground Crypt ng bahay ni Ste. Sa pagkakaalam namin ni Zean, dito nakatago lahat ng mga deadly weapons ni Ste kapag sumasabit siya sa mga sarili niyang pinaggagagawa sa buhay. Hindi namin ito kadalasang nagagamit.

Hindi kami mamatay tao.

Nagagamit lang namin ang mga ito kapag kailangang- kailangan lang talaga at napapalapit kami sa kapahamakan o yung mga delikadong sitwasyon.

"Gotcha!" sigaw ni Zean habang tuwang- tuwang kinuha ang baril na favorite niya, ang F. N. Five Seven na nakasabit sa wall ng crypt.

Agad ko namang hinanap ang favorite kong si 45 Caliber, hindi naman siya gaano kalakas. Madaling i-assemble pero hindi naman gaano kadali kalabitin ang trigger nito ng isang mahinang makakagamit.

Madaming iba't- ibang klasi ng baril ang nakasabit sa isang side ng wall ng basement dito sa bahay ni Ste.

Nakita ko naman siya na kinuha niya ang madalas naming ginagamit tuwing sasabak, ang Browning Model 1903. Ito na ata ang pinaka simpleng baril sa kanya. Napakasolid na baril ang napili ni Ste simula pa lang kapag napapasabak kami. Isang well- traveled pistol ang favorite niyang gamitin.

Hindi mo talaga ikakaila ang pagiging matalino ni Ste, kilos pa lang niya.

"Tandaan niyo, hindi niyo kailangang magpakita sa harapan nila. Ang kailangan ko lang mamaya ay ang resbak ko kung baka sakaling may isang kumalabit ng gatilyo sa kanila." bilin sa amin ni Ste.

HIndi namin kailangang magpakita sa kanila habang kinakausap si Ste ng mga hinayupak. Nag aalala rin naman kasi kami para kay Ste at baka mamayang 1:00, anytime, todasin nila ang kaibigan namin.

"Ste, wag mong hahayaang todasin ka ng mga yun ha!?" bilin naman ni Zean kay Ste.

"Tss..no way, tsaka kaya ko nga hiningi ang mga tulong niyo di ba?" Ano? No way? tapos kaya hiningi ang tulong? parang iba ata ang pinaparating nitong babaeng ito?

"Bale ganito ang mangyayari" sabay tingin ni Ste sa wrist watch niya. "Tutal, 11:48 palang naman ngayon, kailangan na nating pumunta kaagad sa Barden." napatingin din naman kami sa mga orasan namin ni Zean.

"Alam ko na ang plano, wag ka ng mag-alala, ako ng bahala doon" sabi naman ni Zean.

"Tsk. Baka naman mamaya, matagpuan na lang kita mamayang nakahandusay dyan sa tabi at nagrerequest ka na ng kulay ng kabaong mo?" sabi ko kay Zean.

"O baka naman mamaya ikaw ang nagsasalita diyan ng mga katagang''<Mahal na mahal kita Zean,,,aa,,a,,tan,,da,,,an mo yan,,,>''" sambit naman nitong gagong ito sa akin habang naarte- arte pa at nakahawak sa dibdib niya na parang aatakihin.

Isiningit ko na lang si 45 Caliber sa likod ng pantalon ko at ibinaling ko na lang ang atensyon ko kay Ste na may idinrodrawing sa isang malaking white paper.

Ganoon din si Zean habang nanguya- nguya pa ng bubble gum sa bibig niya.

"Dito sa part nato" sabay turo ni Ste sa isang box na iginuhit niya. "Dito ka lang Max muna mag sstay hanggang walang nangyayaring kakaiba" sabi sa akin ni Ste. Haysst. Mukang magiging boring ata sa akin ang event mamaya. Pagiging guard lang ata ang purpose ko dito.

"Kung hindi ba ako nagkakamali Ste, iyan ba ang pinaka mapa ng rooftop ng Barden?" Paminsan talaga, napapaisip na lang ako kung matalino ba talaga tong si Zean o sadyang ipinagkaloob lang talaga siya sa akin para may taga- gawa ako ng assignments sa Math nung high school kami?

The Troubled HackerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon