Chapter 5- Let the Flames Begin

22 1 0
                                    

CHAPTER 5

Let the Flames Begin

Stellar's POV

"Finally, the New Constituent is already here." sabi nung Tim.

"Ano bang kelangan niyo sakin? mga nababaliw na ba kayo?" ano ba talaga kasi ang mga pinagsasasabi ng mga ito?

"Ngayong pumunta ka sa takdang oras, no more explanations, you're one of us now."

Wala ni gaanong takot ang nararamdaman ko ngayon. Ang akala ko pa naman, magiging napakadilikado ang gabing ito para sa akin. Pakiramdam ko, naattend lang ako ng isang party. Party for men. Tss.

Nakita ko na lang na may inalis si Dogman na isang malapad na kahoy na nakadikit sa pader ng rooftop na ito. Pagkatanggal niya sa malapad na kahoy na iyon, may isang pinto. Sa tinagal- tagal ko ng tambay dito sa rooftop na ito, ni hindi ko pala alam na may hidden slash/ mysterious door pala dito.

"Follow me" sabi ni ewan, yung huling mangugulat sa gabing ito at wala akong interes na malaman ang pangalan niya, psh.

At saka namin pinasok ang pintuan/hidden/mysterious door dito sa Rooftop ng Barden. Tss.

Zean's POV

Kanina pa ako nandito sa loob ng kotse ni Max, pero wala naman akong napapansing kakaiba. Itinapon ko na ang balat ng pampito o pang limang bubble gum ko para may mangata uli.

Sinubukan ko na ring icheck ang oras sa digital clock ng biglang may nakabaling ng atensyon ko sa isa sa mga monitors dito sa harapan ko.

"Shit!" Sisilip lang sana ako ng oras sa digital clock na nasa itaas ng dashboard ng sasakyan ng may mapansin na ako sa monitor. "Dover?" Zinoom ko pa ang screen ng isang monitor para makasigurado ako. Hindi nga ako nagkakamali. Si Dover nga iyon. Papasok sa loob ng Barden. "Anong ginagawa niya dito ng ganitong oras?"

"Tsk. tsk." napakunot na lang ang noo ko.

Lumabas ako ng sasakyan at sinubukang sundan si Dover. "Ano ba naman kasi ang ginagawa niya dito?, Parang hindi ata maganda to."

Kinasa ko si F. N. FIve Seven.

Nagtago ako sa isa sa mga post lights malapit sa pool area ng Barden. "Kailangan kong malaman kung ano ba ang ginagawa nung Dover na yun dito." bulong ko sa sarili ko sabay lipat sa kabilang post light.

"Sino ka? Anong ginagawa mo diyan? " Biglang nanlaki ang mata ko sa gulat.

"Anong ginagawa mo? Ba't may dala kang baril?" sabi ni ewan.

No choice.

Kaya bininyagan ko na si F. N. Five Seven. Pinaputukan ko si ewan sa binti na dahilan para mapadaing siya sa sakit at mapaluhod. Kinuha ko ang sinturon ko sa pantalon at itinali ang mga kamay niya sa isa sa mga post light. "Babalikan kita! Masyado ka kasing pakialamero!"

Inayos ko muna ang sarili ko bago muli mag lakad.

Pero may nakalimutan pa pala akong sabihin. "O!" sabay bato ko ng isang bubble gum kay ewan. "Ngatain mo! Baka mauhaw ka na at naubusan ka ng dugo diyan! hehe" sabay kindat kay ewan."Tss. Ano ba yung ginawa ko? Ambading nun ah!"

Tinahak ko na talaga ang daan papunta kay Dover at para hanapin siya. "Nasaan na kaya yung lalaking yun?"

Nasa harapan ko na ngayon ang hagdanan papunta sa Rooftop ng Barden.

Umakyat ako hanggang sa makapunta na ako sa taas.

"Shit!" Ano bang binabalak nitong lalaking to? Nakatago ako ngayon dito sa likod ng isang box na gawa sa kahoy. Kitang- kita ko si Ste, sa tingin ko, kinakausap siya ng apat na lalaki. At kitang- kita ko din si Dover. Nasa isang sulok siya at sa tingin ko ay nagtatago. May hawak siyang baril at nakatutok ito kay Ste. "Leche naman Dover! ano bang gagawin mo? bulong ko sa sarili ko. Hanggang sa nakikita ko na ang daliri niya na kakalabit na sa gatilyo ng baril niya.

''''

Inunahan ko na siya bago pa niya matuloy kung anong balak niya. Sa pangalawang pagkakataon, nagamit ko si F. N. Five Seven .

MAX' POV

Kanina pa ako nandidito sa likod ng isang sirang aparador at pinagmamasdan ang mga tarantadong lalaking nakapaligid kay Ste. "Subukan niyo lang na may gawing kakaiba, matotodas ko kayo mamaya." bulong ko sa sarili ko.

Nakita ko din na parang dadalhin nila si Ste doon sa isang pintuan na noong una ay may nakataklob na malapad na kahoy. Parang hindi ko na matiis ang sarili ko sa mga tarantadong iyon. Kinasa ko na si 45 Caliber para isa- isang pitikin ang mga tarantadong nakapaligid kay Ste.

Pero may narinig akong putok ng baril na ikinagulat din ng mga tarantadong nakapaligid kay Ste.

Tim's POV

"What the fuck?" hindi lang ako maski sina Oren, Adam at Rein pati na rin si Verbana, napalingon sa gawing likuran namin dahil sa narinig naming putok ng baril.

"Who's that? ikinagulat din ni Rein habang hawak- hawak niya sa braso si Verbana.

Sumenyas na lang ng ulo si Oren at Adam para alamin at puntahan ang pinanggalingan ng putok na iyon.

Sabay- sabay naming nailabas ang mga baril namin. Baka mamaya matodas ako nito ng wala sa oras. "Pre, titignan ko din ang pinanggalingan ng putok." sabi ko kay Rein na hindi talaga mapabitaw sa hawak niya sa braso ni Verbana.

"Hindi mo ba ako bibitawan? Wala ka bang sariling braso ha!?" reklamo ni Verbana kay Rein.

Paalis na sana ako ng biglang bumaling ng sakit itong si Rein na naging dahilan para mapabitaw siya sa pagkakahawak kay Verbana. Natamaan ng bala si Rein sa may parting binti. Hinuli ko naman ang braso ni Verbana para hindi siya makaalis. "Isa ka pa, wala ka bang sariling braso at ang hilig niyong manghila ng braso?" reklamo muli ni Verbana.

"Hindi mo ba siya bibitawan o ikaw ang isusunod ko?" sigaw nung lalaking bumaril sa binti ni Rein habang nakatapak ang paa niya sa dalawang kamay ni Rein sa sahig para hindi niya magamit ang kaniyang baril.

"Who the fuck are you?" tanong ko sa lalaking iyon. "At sino ka para sundin ko ang utos mo?" dagdag ko pa.

"Hindi mo ba siya bibitawan o gusto mo bang paputukin ko ang ulo mong tarantado ka ha!?" sabi naman nitong lalaking ito sa akin.

"Max? Ano bang ginagawa mo? Kaya ko na to!?" so, magkakilala pala sila nitong Verbana na to? Hmm, parang alam ko na ang mangyayaring sadyang maasahan pala ngayong gabi.

"Kaya pala ha!?" without any hesitations, inunahan ko na itong lalaking nasa harapan ko ngayon at tinamaan ko ang kaliwang braso niya.

"MAX!" sigaw ni Verbana sa lalaki.

For the second time, kakalabitin ko na sana ang trigger ng baril na hawak ko para paputukan naman sa ulo itong lalaking nasa harapan ko.

"Keep him alive Tim." pigil sakin ni Rein. Tss. Napasinghal na lang ako.

"Fine. Tss" sagot ko kay Rein. Pwersa kong kinuha ang baril nitong lalaking ito sa mga kamay niya. "Fuck!" shit! tinamaan ako ng bala sa balikat. Si Verbana ang nakatama sa akin. "Fuck!"

"What the?" sigaw naman ni Rein.

Rein's POV

"What the?" Kita ng dalawang mata ko ang pagbaril ni Verbana kay Tim. Pilit kong kinukuha ang baril ni Verbana sa kamay niya. "A!" shit, sinipa niya ako sa ano ko.

Sabay- sabay kaming napataas ng aming baril ng biglang may lumabas na isang lalaki habang nakatutok ang baril niya at nalakad papunta sa amin.

"Ano bang balak mo? kayo?" Letse tong gagong to. Sino ba ito? "Ano bang gusto niyong mangyari kay Ste?" pahabol pa niya.

"ZEAN!" sigaw ni Verbana doon sa lalaki. At magkakilala din pala sila? Ibig sabihin talaga, may plano na talaga itong sina Verbana bago pa man makapunta dito. Hinahayop nila ang mga plano ko.

"Tss. Sino ka bang tarantado ka?" sabi ko sa tarantadong lalaking iyon.

"Kasama siya ni Verbana." sabi ni Oren na kakagaling sa likod ng Barden.

"Hayaan mo lang siya Rein" sabi naman sa akin ni Adam.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 04, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Troubled HackerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon