8: Jason and Mika

2.4K 33 2
                                    

Bibilisan ko na po ang UD, bibilisan ko na rin ang takbo ng story... wala na kasi akong maisip ee. Tsaka may bago akong story na ginagawa... sa isip ko. HAHAHAH!

Enjoy. =))

Jason’s POV

Gusto niyo ba malaman kung ano yung flower tattoo na yun? Eto kasi yun

=flashback=

6 years ago

“Japoy, gusto mo bang maglaro sa labas” Yaya Arbening

“Pero ya… sabi ni mama baka daw mapahamak ako eh”

“Dearest son, okay lang naman eh. Basta sasamahan ka ng mga bodyguards mo” Mommy

“YEHEY! Yaya! Sa park tayoooooo, daleeee!” sigaw ko kay yaya

Nasa park na kami, naka-upo lang si yaya sa may bench, tapos yung mga bodyguards ko nakapaligid lang, ang weird nga ee.

Tapos, wala pa akong makalaro, walang mga bata ee. =(

“huhuuhuh *sniff* *sob* huhuhuh *sob*”

Ha? Ba’t may umiiyak?

Tapos hinanap ko kung saan nanggagaling, nakita kong may isang batang babaeng nakaupo sa may swing

“psst, psst, bata, okay ka lang?”

“lumayo ka nga sa akin, di kita kilala”

“ako nga pala si Japoy, oh ayan kilala mo na ako ah.” Sabi ko with matching my killer smile

“hmph”

“anong pangalan mo? Siyaka ba’t ka umiiyak?”

“M-mika”

“Mika, nice to meet you” sabi ko tapos sabay shakehands sa kanya “bakit ka nga pala umiiyak?”

“wala na sila mommy… iniwan na nila ako… sabi nila di nila ako iiwan” sabay hagulgol niya, nakakaawa naman pala siya

“okay lang yan… ako ang tatayong kuya mo, ay, mukhang magkaedad lang tayo ee. Edi ako na bestfriend mo ngayon… pwede ba?”

Tumingin siya sa akin tapos sabay ngumiti.

“P-pwede…”

Tapos simula nun, lagi na kaming naglalaro… nagging magbestfriends talaga kami, alam naming lahat sa bawat isa, pati na rin ang secret niya… at yun ay yung tattoo sa batok niya na flower… lahat daw sila sa pamilya niya, meron nun.

Pero isang araw…

Pumunta ako sa bahay nila para bumisita… pero….

“tao po! Tao po! TAOOOOO POOOOOOO!” sigaw ko

“iho, ang ingay mo naman” sabi nung katulong sa katabing bahay

“ay, ate… wala po bang tao dito?”

“wala na iho, umalis sila kaninang madaling araw, ang ingay pa nga ee. Kasi umiiyak si Mika”

“u-umalis n-na p-po sila?” nagsimula na akong umiyak

Sabay takbo ko sa bahay

“YAYAAAAAAAAAAAAAAAA! Wala na daw si mikaaaaaaa”

“sshhh, shhhh, tahan na Jason… makikita mo ulit yun.”

=end of flashback=

At yun na yung huling pagkikita namin… pero bakit, meron si Ela nung tattoo na iyon? Siya ba si Ela… o kamag-anak lang? SHETE! Pahirap sa buhay…

She is UniqueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon