Ipopost ko na hanggang epilogue, alam niyo kahit ako napapangitan sa story na to. -.- Shr langs. xD
Ela’s POV
Shetness, ang sakit ng ulo ko. >.<
“Mika? Okay ka na ba?” Acer
“O kuya, oo naman… hehe. Teka… Mika?”
“Oo, ikaw si Mikaela Fealea”
“Kuya… natatandaan ko na… Pero, teka? Ang alam ko patay ka na?” tanong ko sa kanya
“Bossing patay ka na pala ee. Edi ako na ang bossing ah” Thunder
“Sira ulo” Acer
“Sabihin mo na sa kanya” Pink
“Ang alin?” tanong ko
“Yung totoo, nakwento na kasi sa amin ni Acer ee.” Pink
“E-Mika, makinig ka… planado tong lahat ni Pyro, I mean ni Mr. Ryan Gilbert Ocampo…”
“ha?”
“Siya ang pumatay kila mama at papa, siya ang current head ng Diamond Gang, ang pinaka-kinatatakutan na gang, sangkot ang gang nila sa illegal drugs, human trafficking and illegal gun selling”
“Pumatay? Kila mama at papa? Imposible naman ata yun! Inalagaan niya ako… all these years” sagot ko
“a year ago, bumalik na yung alaala ko, and I did some investigations kung nasan ka, napunta ka kay Pyro, pinaiimbestigahan niya ako sayo sa pag-aakalang sasang-ayon ang lahat sa plano niya, ngunit nagkamali siya… dahil nakaka-alala na ako. At nasa akin ang diary ni mama… nakasaad sa diary ni mama na may gustong babae si Pyro, at yun ay si Evelyn Javier, na dati ring member ng Diamond Gang, ngunit tumakas ito sa gang nila kasama si Justin Gomez… inutusan ni Pyro sila mama at papa na hanapin si Justin Gomez at patayin ito, ngunit dahil alam nila mama na mali ito at kaibigan din nila ito, hindi nila iyon ginawa, at dapat pa nga ay babalaan nila sila Evelyn at Justin, ngunit… pinatay na sila ni Pyro…
Binuhay niya tayong dalawa sa kadahilanang, ikaw ang tatapos sa naiwang misyon nila mama at papa, at ako ang susunod na mamamahala sa Diamond gang… he is just manipulating us Mika!”
“Hoy, mamaya na yan ulit… baka gusto mo siyang pakainin diba Acer? Kasi 4 na araw na siyang tulog diyan…” Pink
“APAT NA ARAW?” sigaw ko…
“Oo te.”
*kriiiiiing* *kriiiing*
“Hello?”
“Ela…”
“Ethan?”
“Ela… ayos ka lang ba? We were trying to reach you these past 4 days, pero… hindi ka sumasagot…”
“Sorry, pero kaya ko naman sarili ko. Bakit? May nangyari ba?”
“Alam na nila na assassins tayo… hindi ko alam kung sinong nagsabi sa kanila, at patay na rin ang papa ni Jason, at ikaw ang tinuturo nilang may sala, hindi pa sila nagsusumbong sa pulis, dahil sinabi ng mama ni Jason na wag na daw, pero… ikaw ba talaga?”
BINABASA MO ANG
She is Unique
Teen FictionA beautiful assassin with a really sad past and a hot gangster who cant be move, what happens when their worlds collide and without knowing it... they are starting to fall in love with each other.