Madison POV
Hindi nako pumasok pagkatapos kung umalis sa classroom dumiretso na ako sa bahay para makapagpahinga.
Oo nga pala magkasama kami sa iisang bahay ni Abi at Reid.
Binili talaga to nang parents namin kasi malapit sa school. Sya nga pala si Reid ay nag-aaral parin nag bulakbol kasi yan noon kaya same year kami ngayon. Culinary nga lang course nya magaling mag luto yun eh.
Nang nagutom ako bumaba ako para kumain naabutan ko sila Inday na may mga dalang bagahe.
"Inday kanino po yan?" tanong ko sa kanila na busy sa pag bitbit nang mga maleta.
"Hende ko po alam maam, pinadala lang po eto deto ne senyor maam, sabe nya gist daw deto raw titira." sabi nya.
Nagtataka kayo kung bakit ganyan magsalita si Inday tubong bisaya yan, at mahilig sa mga sosyal jusko kung kausap ko yan di ko masyado naiintindihan.
"Huh, anong gist?" tanong ko sa kanya.
"Ayy si maam, para pong vesetor maam, deba po meron tayong gist room ganon po ang may ari nitong maleta maam, gist po sya."
"Guest, Inday hindi gist, o sya ihatid mo na yan at sumasakit ulo ko sayo."
"Roger Maam" sabi nya sabay saludo pa talaga.
Napailing nalang ako sa kalokohan ni Inday alam mo yun pag may problema ka kausapin mo si Inday, at madadagdagan problema mo. hahahahaha
Abigail's POV
Nandito ako sa mall ngayon.
Sa mall nang mga Park, tss. Gusto kasi makipagkita nang magaling kung kapatid. Dito kasi sya nag pa-part-time. Trip nya lang daw. Sa restaurant ni Madi, to be exact.
Talagang sa mall pa pwede naman sana na sa bahay nalang -_- . Minsan talaga tanga ang kapatid ko.