Chapter 3: Rising Conflicts

28 2 1
                                    

Anya's Pov

"Mama, papa, kayo ba yan?"

Tumakbo ako palapit sa kanila at niyakap sila. 

"Ma, pa, namiss ko kayo. Akala ko po ba patay na kayo?"

Ngumiti si mama sa akin.

"Anak, hindi kami namatay. Isang masamang panaginip lang yun."

"Ano ka bang bata ka, masyado ka nang nadala sa panonood mo ng horror kaya mo nasasasabi! Hahahahaha!"

Sabi ni papa na tumatawa ng sobra. Biglang nag-iba ang mga mukha nila, naging madugo at kagaya ng itsura nila nung naaksidente sila.

"Anak, ba't di ka sumunod sa amin! Bakit! BAKIT!!!"

Nagising ako sa sobrang takot. Nakita ko si  Mr. Tangkad na papasok ng room. 

"Nagising ba kita?" 

Nakangiti nyang sinabi, sabay bigay ng flowers sa akin.

"Di naman. Kagigising ko lang kaganina, bago ka pa pumasok."

Nginitian ko din sya. Ambastos naman kung hindi, di ba? 

"Alam mo ba may kasama ako kaganinang pumasok? Isa syang babae, mahaba buhok..."

Kinilabutan ako. Tas biglang nilakasan nya yung boses nya. 

"BOO! ANDYAN NA SYA!"

"Ay lesheng gatas ng kalabaw!" 

Napasigaw ako. Shucks, kukunin na ba nya ako? 

"Hahaha! Nakakatuwa ka! Madali ka palang matakot? Kasi kaganina kasi, para kang nakakita ng multo."

Napailing na lang ako. Buti na lang kami lang ang tao sa loob ng room. 

"Kamusta ka na? Pwede ka na bang pumasok?"

Tanong nya, habang umupo sya sa may couch dun sa tabi ng tv.

"Hindi pa, mga three days pa bago ako pwede pumasok."

Nawala yung ngiti nya.

"Sorry kung hindi kita natulungan ng gaano nung binato ka nila ng eraser. Di ko kasi alam na allergic ka dun. Akala ko, pinagtritripan ka lang nung una. Malala na pala. Ano bang nangyari bakit ganyan sila sa iyo?"

Napabuntong-hininga na lang ako.

"Mahabang istorya."

Tumingin sya sa relos nya. 

"May alis pa pala ako. Sige, sa susunod na lang ako pupunta. Bye.... Teka, anong pangalan mo?"

Nakahawak na sya nun sa doorknob ng pintuan.

"Anya, Anya Fortenio. Salamat sa pagbisita mo. Ikaw?"

Nginitian ko sya.

"Joseph Alcantara Delos Santos. Pleased to make your acquaintance."

At lumabas na sya ng kwarto. Mga ilang seconds, bumukas ulit yung pinto. Sumilip sya. 

"Bago ko pa makalimutan, your smile is so beautiful. You should keep on smiling."

Tas tuluyan na syang umalis.

"Hindi pwede yun, Joseph."

Sabi ko nang pabulong.

"Matagal nang patay ang Anyang palangiti."


Joseph's POV

"Sir? Yes sir, binisita ko po sya. Okay naman po sya, tumigil na po ang atake ng hika nya. Opo. Ayaw nya pong sabihin sa akin sir eh. Ah, sige po, babalitaan ko na lang po kayo." 

At namatay na yung linya ng telepono. Binuksan ko ang itim kong sedan at nagdrive pauwi.

"Bakit hanggang ngayon Anya, di mo pa rin ako matandaan... Ganoon ba ka tindi ang epekto ng aksidente sa iyo, na pati ako, nakalimutan mo?"


Lance's POV

Three days after nung batuhan incident ay napauwi ng lecheng babaeng yun ang tatay-tatayan ko, si Dr. Revero Olivera.

"Lance, sinigawan mo daw mommy mo. Ano ba to? Wala namang rason para magrebelde ka ah? Di ka naman ganyan dati."

Di ko sya pinansin. Nilakasan ko yung kanta sa phone. 

"Lance."

Sabay tanggal ng earphones ko.

"Ano ba yan, ha? Ano bang problema?"

Tinignan ko sya ng masama.

"Gusto mong malaman anong mali? Yung asawa mo yung mali! Sinusubukan nyang palitan sa buhay ko ang nanay ko. Walang makakapalit sa kanya!"

"Lance!"

Medyo tumataas na rin ang boses nya, pero wala akong paki. Ilang years ko ring tiniis ang paglalampungan nila, habang ako, nagluluksa para sa nanay ko. Akala nila, hindi ko alam, akala nila wala lang sa akin at tanggap ko ang lahat. 

"Magsama kayo ng asawa mo! Di ko kayo kailangan!"

Sabay tulak palabas sa kanya at sinarado ko yung pinto. Hinarangan ko para hindi sya makapasok sa loob.

"Lance! Pag-usapan natin to! Lance!"

Ilang ulit na kumatok sya. Palakas ng palakas.

"Sige! Ayaw mong buksan! Wala kang allowance for 1 month. That's it young man, I'm through with reaching out to you!"

"Wala akong paki!"

"And by the way, I am confiscating your car. Simula bukas, magcocommute ka na."

B*LLSH*T! Di pwede yun! Pero di ko pa rin sya pinagbuksan. Hinayaan ko syang makaalis sa harap ng pintuan ko. Binuksan ko yung phone ko.

"Ariza? May party ba dyan? Andyan ba yung mga nagtitinda? Sige, sama mo ako. Aasahan ko yun ah? Oo ako bahala. Sige kita tayo mamaya."

Binuksan ko yung bintana. Walang makakapigil sa akin, kahit na Diyos pa yan. Wala naman talagang Diyos eh. Tumalon ako at bumagsak sa medyo malabot na lupa. Ayos. Dire-diretso akong pumunta sa bahay ni Ariza.


Author's Note: Hala! Anong gagawin mo dun Lance! Anya! Alalahanin mo yung past! Yes, yung past! Huhu, nakecarried away ako XD Dalawang chapters ang inupload ko, to make up for the time na hindi ako nag upload! :) See you on the next chapter! 







The Rivalry of You and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon