Chapter 4: Collision

30 3 2
                                    

Anya's POV:
"Anya..." Napalingon ako.
"Mom?"
"Anya..." Napalingon ako ulit.
"Dad?"
Ang dalawang taong pinakamamahal ko, nawala ng isang iglap. Nawala dahil sa isang aksidenteng kaya kong maagapan kung hindi ako nagpumilit na pumunta sa amusement park na bagong tayo pa lang.
"Anak, tulungan mo kami," pagapang na sila papunta sa akin.
"Anak, anak... ANAK!!!"

"Aaaaaaaaaaaaaaaaaah!!!" Napasigaw ako. Nanginginig buong katawan ko. Nanlalamig ang mga kamay ko
"Iha, ayos ka lang ba?" Tanong sa akin ni tita.
"Opo, ayos lang po ako."
"May masakit ba?" Tanong naman ni tito. Ayoko ko na sanang magsalita pa kaso baka lalong mag alala sila.
"Wala po tito. Masamang panaginip lang." Nagkatinginan silang dalawa. Alam ko kung anong nasa isip nila. Ang trahedya noon. Nakakaramdam ako na gusto kong sumuka.
"Iha, kung gusto mo pag usapan natin..."
Bigla na lang na nasuka ako sa kama.
"Nurse! Nurse!" Sigaw ni tito habang sinasalo nya yung suka ko gamit yung handkerchief nya. Si tita naman pinunasan yung covers ng higaan at naghanap ng pwedeng paglagyan ng suka ko.

Alexander's POV

Kawawa naman yung pamangkin ko. Kung sana di ako umalis ng bansa ng araw na yun, hindi sana mangyayari ito.

"Tito, kailangan nyo po ba talagang umalis?" Tanong sa akin ni Anya, na nanliligid na ang mga luha.
"Oo eh, sorry ah? Di ko magagawa yung promise ko. Di kita madadala dun sa amusement park. Yung papa mo na lang magdadala sa iyo okay?"
Pinunasan nya yung mga luha nya.
"Opo tito, ingat po kayo ah? Balik po kayo, kung hindi magtatampo ako."
Napatawa ako sa kanya.
"Hahaha ano ka ba Anya--"
"Giselle!" Singit nya, kinorekta pa ako ng batang to o.
"Act your age, 17 ka na. Ikaw talaga... O sya, baka malate pa ako sa flight ko. Mag iingat kayo ah?"
Niyakap ako ni kuya.
"Gawin mo yung tama at iwan mo na yang babae mo. Maging faithful at committed ka kay Allison. Mahal ka nya, pinili ka nya at pinagtanggol ka nya sa magulang nya." Bumitaw sya sa akin.
"Kuya, alam ko. Aayusin ko na lahat ng gulo, para maging maayos na kami ni Allison."
Nginitian nya ako.
"Yan tama yan. Dapat nga matagal ka nang graduate sa pambabae eh." At ginulo nya ang buhok ko.
"Kuya naman! 30 na kaya ako! Para naman akong bata eh." At tinalikuran ko na sya at tuluyan nang umalis papuntang US upang tapusin ang kung ano mang namamagitan sa amin ng aking kabit.
Kahit ano, gagawin ko maibalik ko lang ang oras, maibalik ko lang yung panahon na sana buhay pa yung magulang ni Anya, na buhay pa ang kapatid ko. Kahit ano ibabayad ko, mayakap nya lang ako ulit, magulo nya yung buhok ko o kahit makita ko lang ang ngiti nya, sapat na yun sa akin. Dapat ako yun eh. Ako dapat ang mamatay. Tutal g*go naman ako. Nakatulog sa sobrang pagod si Anya. Inayos ko yung buhok nyang malagkit dahil sa suka.
"Pasensya na Anya, kasalanan ko yun. Dapat ako yung mamatay, hindi ang papa at mama mo. Mabubuti silang tao, di kagaya ko. Bigla akong niyakap ng asawa ko.
"Allison?"
"Tama na, wag mo nang sisihin ang sarili mo. Sinubukan mo namang agapan, bumalik agad ng Pilipinas. Di mo na kasalanan yun." Narararamdaman kong basa na ang likod ko. Pinaiyak ko nanaman sya. Hinarap ko sya at pinunasan ang luha nya.
"Sorry sa lahat, ikaw ang sumasalo sa lahat ng problema ko. Alam kong hindi ito ang dapat mangyari, pero tinanggap mo ng walang alinlangan. Pasensya na kung naging walang kwenta akong asawa."
"Hindi yan totoo, nagbago ka naman eh. Ang mahalaga yung ngayon at di yung nakaraan." Napakatamis nya pa ring ngumiti. Kahit mas bata sya sa akin ng 2 years ay mas mature pa sya sa aking mag isip.
"Wag ka mag alala, Alex, andito ako para sa iyo, para kay Anya. Kayo na ang buhay ko. Eto ang pinili ko nung umoo ako sa iyo sa altar di ba?"
Hinalikan ko sya sa noo.
"Salamat talaga, salamat."

Joseph's POV

Nakarating na ako sa room ni Anya. Palihim kong dinadasal, na sana, sana naman maalala na nya ako. Binuksan ko yung pinto.
"Hi Anya! Kamusta ka na?" Nginitian ko sya. Medyo namumutla na sya.
"Okay ka lang ba?" Tumango sya.
"Sorry, mukha lang akong bangkay, napabisita ka."
Napapikit ako ng panandalian sa sinabi nya. Bangkay. Gustong-gusto na nyang sumunod sa magulang nya. Wag muna Anya, wag muna.
"Tatawagin ko na ba yung nurse?"
Umiling sya.
"Wag na, di ko lang talaga gusto yung nakakulong sa loob ng ospital. Ramdam ko na mamatay na ako eh."
"Wala akong magagawa dyan, kailangan mong manatili dito ng isa pang araw. Konting tiis, makakalabas ka na rin." Napangiti sya.
"Paglabas mo ng ospital, okay lang ba kung samahan kita?"
Nagbago ang expression ng mukha nya.
"Si tito at tita na ang bahala sa akin. Pasensya na, salamat sa concern mo."
Pabulong kong nasabi,
"Giselle, di ka naman ganyan dati..."
Napalingon sya sa akin, halatang gulat na gulat.
"Ano?"
Tumawa na lang ako.
"Hahaha, wala, may katext kasi ako, Giselle din pangalan, parang nagbabago na kasi sya eh. Nakakagulat lang."
Napabuntong hininga sya.
"Hayy, akala ko kung sino. Magpapahinga na ako eh. Sa susunod ka na lang bumisita."
Tumayo na rin ako. Di ko na kaya, baka may masabi pa ako sa kanya.
"Sige, kita na lang tayo sa school ah?"

"Magkikita na lang tayo sa amusement park ah? Hihintayin kita dun Giselle."
Nginitian nya ako.
"Sige ba! Kaso kasama ko si papa at si mama."
Nagbigay ako sa kanya ng thumbs up.
"Okay lang yun! Cool kaya parents mo! Basta hihintayin kita dito. Matagal-tagal na rin tayong di nagkakausap, nakakamiss pala yung best friend mo no?"
Tinawanan nya ako.
"Talaga! Mamimiss mo talaga ang taong kagaya ko, wala nang makakagaya sa akin no! Hahahaha! Sige una na ako!"

Di ko inakala na dun mismo sa harap ng amusement park sila maaaksidente.

"Giselle!" Hinila ko yung pintuan ng sasakyan. Nagkasugat-sugat na ang mga kamay ko, pero hindi ko pinansin. Nagsisimula nang umapoy ang makina ng sasakyan. Nahila ko si Anya palabas. Hihilain ko na sana ang mga magulang nya ngunit biglang nagliyab ang sasakyan. Hindi ko sila naisalba.

"Sorry Anya, ako talaga ang may kasalanan." At naglakad na ako palayo ng kwarto nya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 01, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Rivalry of You and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon