chapter 1

309 8 2
                                    

 February 14, 2013           7:14 am

“Axile, sandali !”

Ano na namang problema niya?

Huminto ako para tapatin ang babaeng to na walang ginawa kundi kulitin ako.

Haist ! Please lang , lubayan mo na ko.

“para sayo. Sana magustuhan mo”

Inabot niya sa akin ang box ng “something” na puro decoration habang nakangiti.

Chocolates? Tsk.

“Happy valentines, Axile!”  (Smile)

Tinalikuran ko siya na walang binitawan ni isang salita.

Kainis! Bakit ba di niya nalang gayahin ang iba? Ituring mo din akong HANGIN, matutuwa pa ko sayo.

That’s Justize. Ang pinakamaingay kong kaklase. Parang di siya babae. Kulang na kulang sa femininity. I really hate her. She annoys me so much !

“Justize, anong ginagawa mo ?”

“Ah, Divine. Bibigyan ko sana ng chocolate si Axile kaya lang hindi niya tinanggap eh”

“pwede ba, bigyan mo na lahat wag lang siya!”

“bakit? Wala namang masama kung bibigyan ko siya ah”

“No, Justize. He’s the kind of people na hindi mo dapat kaibiganin dahil malaki ang galit niya sating mga tao”

“Wow, makapagsalita ka parang ibang nilalang siya ah”

“Listen, simula kasi nung magstart yung middle school, lagi nalang siyang mag-isa. Kapag may lumalapit sa kanya, sinisigawan niya. RAAAWR ! yung parang leon. Kaya simula non, wala ng lumalapit sa kanya hanggang sa ituring nalang siyang parang hangin”

“bakit naman?”

“Nobody knows. Basta, bigla nalang siyang naging ganyan. Haist, saying talaga ang gwapo niya”

Lahat ng sinabi niya ay tama. Simula ng tumuntong ako sa middle school, lagi lang akong mag-isa. Naiinis ako pag may kumakausap sakin hanggang sa dumating yung panahon na parang wala ng nakakakita sakin … parang hangin.

“Divine, gusto ko siyang isama sa “precious memories” ko”

“HA?! Naloloka ka na ba ?”

“Divine, gusto ko siyang pangitiin … hanggang April”

“Justize …”

“hahahaha ! May gagawin pa pala ako. o siya! Mauna na ko sa room, bye!”

“hanggang April … April”

Drip drip (tear drops)

My "PRECIOUS MEMORIES"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon