chapter~ 1.0

40 1 0
                                    

~Hazel's Point of View~

Hindi ko alam kung bakit nagawa ni andrew sa akin yun.Nagawa niya akong lokohin na mulat ang aking mga mata,sa ginawa niyang yun para na rin niyang sinabi sa akin na wala akong kwentang girlfriend dahil nagawa pa niyang maghanap ng iba,nagawa pa niya akong dagdagan.Bakit hindi ba sapat yung binibigay kung pagmamahal sa kanya?

"Uy..Hazel tulala ka na naman.alam mo huwag mo ng isipin yung ugok na yun..kumain ka na lang ..ok?"sabi ni ashley sakin.

"eh kasi ashley hindi ko kayang hindi siya isipin....kasi mahal ko siya"

"Hay..ayan ka nanaman eh..dahil sa pagmamahal na yan magpapakatanga ka na lang ganun?!"

"Hindi naman sa ganun--"

"So..pinagtatanggol mo pa yung unggoy na yun?!ayan na oh Hazel harapharapan na nga siyang nakikipag landian sa iba...sa pagkakaalam ko di pa kayo break..di na nahiya!"

Sa sinabi ni ashley agad akong napalingon sa mesa na malipit lang sa pintuan ng canteen.At kitang kita ng dalawa kong mata na si Andrew ay nakikipaghalikan sa ibang bababe...para akong nanghina sa nakita ko.

"Hiwalayan mo na kasi siya bestie...siya na mismo yung nagpapakita,siya na mismo yung nagsasabi na hindi siya ang karapatdapat na lalaki na para sayo..di man niya literal na sabihin..ayan na nga hazel oh"sabi ni ashley sa akin..

"Uhmm ashley pwede bang bumalik na tayo sa room"pakiusap ko kay ashley..

"Sige"

Tumayo na kami sa kinauupan namin,,mapaglaro naman ang tadhana ano?..at sa tabi ng table lang nila yung pwedeng daanan palabas..habang dumadaan kami napansin siguro ni Andrew na tumitingin ako sa kanila kaya bigla niyang naitulak yung babaeng malanding kahalikan niya.

"uhmm.h-honeybunch a-anong gingawa mo dito?"gulat na tanong niya sa akin.

"WoW ah!!...pang-ilan na tong pangloloko mo sa bestfriend ko Andrew?!.....Bakit kung di ba kami dumaan dito sa table niyo di kayo titigil sa paghahalikan..oops sorry ah naistorbo namin kayo ah.."inis na sani ni ashley kay Andrew.

"Uhmm Ash,pwede bang ako naman yung magsalita"malumanay na sabi ko kay Ashley..suwerte ako kasi naging bestfriend ko siya,nangdiyan siya palagi para damayan ako at syempre para ipagtanggol ako.

"A-andrew pwede bang tayong magusap?.....yung tayo lang?"nagulat siguro siya kasi hindi ko siya tinawag ng 'honeybunch' instead tinawag ko siya sa pangalan niya.

"...o-oo naman..s-sige"sagot niya..

Nandito kami ngayon sa likod ng school nakaupo sa isa sa mga benches dito.

"U-Uhm....A-andrew"basag ko sa nakaririnding katahimikan na bumabalot sa amin ngayon.

Hindi siya umimik...ni lumingon nga lang hindi eh.

"Pwede mo namang sabihin nang deretsahan sa akin kung ayaw mo na,kung hindi mo na ako mahal...hindi yung bigla ka na lang nangiiwan,alam mo sa ginagawa mo ngayon Andrew pinagmumukha mo akong tanga..ok naman sa akin kung sabihin mo na 'Hazel..ayoko na break na tayo' kesa sa tinotwotime mo ko."hindi ko na namalayan na umiiyak na naman pala ako.

" Kung sasabihin ko kasi sayo ng deretsahan masasaktan ka ng sobra......... kaya ko na nagawa yun kasi akala ko sa paraan na yun hindi ka masyadong masasaktan--"paliwanag niya.

"AKALA MO LANG YUN!!alam mo ba sa ginawa mong yun sobra akong nasaktan?!na halos mabaliw na ako sa sakit..na halos mabaliw na ako sa kaiisip kung anong dahilan..... kung bakit mo nagawa sa akin yun"napahagulgol na ako ng tuluyan.

"S-sorry"

"Andrew...ayoko na.*huk*..pagod na ko.*huk*..pagod na akong masaktan..pagod na rin akong umiyak."

"S-sorry Hazel kung nasaktan kita...kung pinaiyak kita..sorry.....pinapalaya na kita dahil alam ko kung patatagalin pa natin tong relasyon nato baka lalo lang kitang masaktan...pagkatapos nitong paguusap natin ipinapangako ko na hindi ko na gugulihin pa ang buhay..and kalimutan mo na nagin tayo...."pagkatapos niyang sabihin yun yinakap niya ako ng mahigpit sa huling pagkakataon..

Sa mga sinabi niya...ang pinakamasakit na sinabi niya sakin ay kalimutan ko na daw na naging kami...paano ko siya makakalimutan??...siya yung first love ko.....at pati na rin na siya yung unang bumasag ng puso ko...hindi man niya sinabi sa akin ng deretsahan na break na kami......dahil kahit pagbalibaliktarin ko pa lahat ng mga sinbi niya yun at yun parin yung lalabas na mga salita na......

BREAK NA KAMI........

~neko_Chan98~

BUCKET OF LIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon