Dungaw

65 6 0
                                    

This story happened noong college pa rin ako. It was lunch time at dalawa lang kaming naiwan sa apartment. Naggugutom na kami pero wala pa kaming ulam. Yung set up naman ng apartment is pagpasok mu sa apartment makikita mo yung telephone stand kaagad na may plastic chairs at above it ay munting window na nagbibigay passage way ng light sa may hagdanan. Nasa second floor ang room namin.

"K, tara na nagugutom na ako. Bili na tayo ng ulam," sabi ko kay K noong nasa kwarto pa kami.

Nasa bed pa rin sya parang ayaw bumangon.

"Sige, saglit lang babangon na ako. Hintayin mo na  lang ako sa baba."

Bumaba na lang muna ako kasi parang hindi pa sya nahimasmasan. Baka maghihilamos pa sya.

Umupo ako sa plastic chair na pinaka malapit sa may phone. Sa kinauupuan ko naman makikita ko kung may bumababa sa hagdan.

Until narinig kong parang may bumaba ng deck. Unang naisip ko baka si K na. Narinig ko rin na may bumaba talaga ng hagdan. Hanggang sa nakita ko na may bumaba talaga but instead na dumeretso dumungaw sya sa may munting window just right above me so napatingala ako.

"K? Tara na," sabi ko. Ngunit walang sumagot. Tinawag kong ulit at hindi ito sumagot. Nakadungaw lang.

So nilakasan ko ang pagtawag at may sumagot sa second floor. Yes, nasa room pa run namin si K.

Pagtingin ko ulit. Nawala na ito. Tinawag ko ulit si K.

"K nasa kwarto ka pa rin ba?"

"Oo, dito pa ako," sagot nya.

"Akala ko ikaw yung bumaba kanina dumungaw nga sakin."

Nang masabi ko yun. Nagmamadali syang bumaba at ngayon sya na talaga yung dumungaw. Ive told her na ka profile nya yung dumungaw, mahaba ang buhok na straight na nakaputi ng tshirt. Yung kaibahan nga lang nakablue shirt si K.

Marami na ang nakakita sa babaeng dumudungaw hindi lang ako. Pero akala lang nila na housemate lang namin ito.

Ingkwentro Continued (2nd book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon