Aswang Encountered

80 4 0
                                    

Nangyari ito summer ng 2007. Kakagraduate ko lang ng high school noon at busy ang lahat dahil sa election. During that time, yung tita ko kumandidato bilang boardmember ng probinsya. So that time full force kaming mga pamangkin. Everyday pumupunta kami sa eesort niya kung saan din sya nakatira to help sa pagpeprepare ng sample na balota. But as the elections came nearer she said na dapat sa resort na kaming lahat magsestay for safety na rin. We all agreed naman so yung ginagawa namin kung hindi masyadong busy sa election matters tumutulonh kami sa kitchen naman like hugas hugas ng pinggan o di kaya nagluluto ng simple orders.

Here comes the time na umalis sina tita, papa, mama at iba pang tumutulong sa eleksyon at sa pagkandidato ng aking tita para sa isang eleksyon rally ng partido na kinakasakupan ng tita. We are left alone sa resort together with some staff on duty that night.

"Ate Linda, anong maaari naming itulong?"tanong ng kapatid ko.

"Wala na namang nagpapaluto na guest, tulungan mo na lang akong magligpit ng pinagkainan sa ibang table at hugasan nyo na lang,"sagot ni Ate Linda.

Lumabas na kami agad ng restaurant hanggang sa tinawag ako ng isang guest.

"Miss 1 bottle of beer please."

"Right away sir."

Sinabihan ko kaagad sila upang ma serve agad yung beer. At nang na serve na ito nagtanong ang guest kung dito ba daw kami nagtatrabaho. Inexplain naman ng isa sa mga staff na tumutulong lang kami.

Iksaktong pagkatapos namin kumuha ng mga pinagkainan, iniihi ang kapatid ko.

"Ate samahan mo naman akong mag cr nawiwiwi na ako."

"Okay, sige. Tara na naiihi din ako."

Separate ang CR sa main restaurant. Isa lang toilet kaya naghintay ako. Pinauna ko pa kasi kapatid ko.

Sa loob ng CR....

"ATE napopoopoo ako." She was still a little girl kaya hayaan nyo na.

"Sige dito na lang ako sa labas iihi."

Suddenly narinig ko nalang na may kumaluskos at humagaspas. Akala ko lang malaking ibon ito but nang palapit ito palaki ng palaki ang hugis ng pakpak na nakita ko. I dare not see the figure kasi umupo na ako parang naka squat sa may floor sa labas ng cr. Buti nga lang napakibutan ng matataas na halan ang cr so hindi ako inabot ng pakpak. Malakas ang hangin na nagmumula sa pakpak. Lumipad ito patungog beach side at naglaho.

"Ate ano yung parang malaking ibon na dumaan?"tanong ng kapatid ko.

"Aswang yata yun. Napakalaki niya. Bilisan mo dyan balik na tayo sa restaurant." Natatakot na talaga ako. Isipin mo kumakain yun ng tao mas mabuti pa ang multo nagpaparamdam lang.

"Okay...saan ka nagtago?"

"Nakaupo ako ngayon. Bilisan mo kasi baka bumalik yun. Wala pa naman akong dalang pangontra."

Hindi nagtagal lumabas na ng CR kapatid ko napatakbo kami papunta sa restaurant. Sunabi namin ang nangyari at natakot na ang lahat. Ngunit mas nakakakilabot yung nangyari kasi yung isa na naghouse keeping sa cottage sa may beach side na abutan nya na may maraming dugo sa isang vacant cottage. Sinundan nya ito at nakita ang patay na pusa may sugat at duguan sa ibabaw ng bed. Grupo silang pumunta doon upang tingnan ang nagyari at upang linisin na rinbang cottage. Naiwan lang kami at ang iba pa sa restaurant at wala nang lumabas hanggang sa dumating na sina tita.

Hindi ako sure kung connected yung nangyari sa amin doon sa nakita nila sa cittage sa may beach side.

Ingkwentro Continued (2nd book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon