Noong magti-third year na sana ako nakapagdecide so mama na kailangan Kong magtransfer ng school kasi paulit -ulit at parati akong nagkakasakit. Mama thought it was because of the environment kasi and daming students since my former school is a state university at dahil sa dami ng Tao Hindi na ako nakakalanghap ng matinong hangin at the same time mainit na ang environment. Affordable lang kasi ang school but they provide quality education.
Sa bago ko namang school, napaka nature lover. HINDI mataramdaman na nasa city ka dahil sa environment nito. But what i like the most ay yung fresh air dito, nakakawala ng sakit.
It was my first year sa school ko na iyon, nag-aadjust and trying to make friends. Nagtatanong sa mga higher years kung saan ang room na ito at ang building na ito. Meron din naman akong nakitang mga kakilala kasama na doon ang half cousin ko. Yeah right half cousin. Ang mama nya ay anak ng pangalawang asawa ng grandfather ko father side.
"Hi gang!" Bati nya sa akin.
"Hello....Ate mel?"
"Yes, ako to. Ano ka ba. Kumusta?" Sabi nya sabay hug.
"Okay na parang hindi okay. Haha... Nalilito kasi ako kung saan ako papunta. Hindi ko pa alam pasikot-sikot ng school."
"Yun lang pala. Sige I'll show you around. Sa akin na enrollment form mo." At she really showed me around then she left me outside the room of my next class.
Mabilis ang pagtakbo ng oras.
Kapag lunch break umuuwi talaga ako sa dorm kasi naman 5:15 pa ng hapon next class ko. I intended na magkaroon ako ng malaking vacant time before my major class at least I have all the time to study.
Time flies easily so nagready na ako kasi malapit na next class ko.
Pagkadating ko sa room ng major class ko, I am surprised kasi 12 lang kasi kami sa class. So yun nag-uusap lang kami while waiting sa aming instructor. Late sya dumating. 6PM to be exact. Binigya nya kami ng assignment at book na syang gagamitin namin at uwian na. Bukas pa daw kasi magsisimula normal class namin.
By that time, hinanap ko kaagad room ng ka dorm ko para sabay na kaming uuwi. Pero bago ako makarating ng building nila nakitako na sya sa may garden. Galing pala syang nagpaphotocopy sa labas ng campus.
"Faith, uwi ka na?" Tanong ko.
"Saglit lang isasauli konlangnitong module ky ma'am. Samahan mo muna ako."
"Sige. Maaga pa naman din."
Naglakad kami papuntang room nila sa Filipino. Nasa second floor ito ng College of Education building. Ngunit papalapit pa lang kamiiba na ang nafefeel ko at napansin ko pa na may nakaitim lahat na nakadungaw sa bintana ng room namin sa filipino class. Binalewala ko yun dahil naman madilim ang room so baka shadow lang din nasa second floor din ang room na iyon.
Pumasak na kami ng building. Yung mini lobby nila ay isa lang ang ilaw sa bandang right side na sulok na para lang spot light at hindi rin ganoon ka liwanag. Kalagitnaan ng stairs bigla kong sabi.
"Faith, dito na lang ako maghihintay."
"Sige, saglit lang naman ako isasauli ko lang ito kay ma'am then uwi nantayo." Tumango lang ako at umupo sa pang 7 na step.
May nakita din akong mga students na dumaan galing library.
I've waited but wala pa si faith so nagtitext ako nang biglang may narinig akong gumalaw sa lobby. Walang ibang tao so napatingin talaga ako. At first wala akong nakita. Until isang iglap lang nakita akong babae nakatalikod, kulay itim suot nya at mahaba ang buhok.
Hindi ako maka sigaw. Dali dali akong bumaba kahit na nadudulas na ako sa gulat at takot. Lumabas ako ng building na yun at hindi na tumingin doon banda ulit. Kinakalma ko yung sarili ko nang bigla namang may paniki na paparating na parang ako yung pinunteria. Napaupo ako sabay cover ng ulo ko. Pagkatayo ko nagulat naman ako kasi may humawak ng balikat ko. Paglingon ko...
"Anung nangyari sayo? Parang takot ka ata?" Tanong ni faith.
"Ah, wala lang lecheng paniki napagtripan ba naman ako." Sagot ko sa kanya.
"Tara na. Tumayo kana dyan at uuwi nantayo. Okay?"
Kahit pauwi na nga kami nakikita ko pa rin yung nakaitim na babae nakadungaw sa second floor. Dahil sa curiousity nagtanung-tanong ako sa mga education students kung meron bang kakaibang experience sa kanilang building. Sabi nila noon daw may student before na tumalon mula sa pinakataas na floor dahil sa binagsak sya ng isang teacher nila. They said that girl was talented and smart. Baka dala na rin daw sa kahihiyan at depression kaya naggawa nya yun. Simula noon parati nang may kakaiba sa building like may tumutugtog ng piano sa music studio. Isang clase ng song na nakakatindig balahibo daw.
Tinanong ko rin mama ko kasi alumna sya ng school ko at sabi nya dati pa raw yung story na yan. Nakakaramdam na rin sila noong kapanahunan pa nila sa college.
BINABASA MO ANG
Ingkwentro Continued (2nd book)
ParanormalI'll continue my stories here sa book 2. I dont know bakit ako gumawa na ng book 2. Just continue reading. Promise this time ill update my story every now and then. Yung stories ko hindi magkasunod ang taon o events. Depende lang kung anong na re...