Author's Note:
Actually isa ako sa mga milyun-milyong kinikilig sa AlDub love team. Kaya na-inspire ako. Sana magustuhan po ninyo. :)
* * * * *
They say love is blind. Love doesn't measure. Gap doesn't matter on true love. Money is not a basis for two people to be apart.
Magkaibang mundo ang tinatahak namin. Kumbaga langit siya, lupa ako. Hanggang tanaw na lang ba kami?
Teka. Linya 'yun sa koreanovela di ba? (Credits to Ms. Faith Cuneta for the song. harhar.)
Alam ko namang imposible. Pero bawal bang mangarap? Pano kung maabot ko naman 'di ba? Ay, baka nga hindi ko maabot dahil may pilit na humihila sa akin palayo sa kanya. Ang hard. Hanggang titig lang talaga ako.
"Yaya!" ayan na naman ang matandang Donya Nidora. Bukam-bibig ang "yaya". Kaya nga minsan iniisip ko na may crush sa akin 'to eh. Lagi na lang ako ang tinatawag. Ako. Ako. Ak--
"Yaya Dub!" hays. See?
"Yes, Donya?" Kung may magagawa lang ako, matagal ko na 'tong binanatan eh.
"Pakihanda ang mga gamit ko. May pupuntahan tayo." Di na ko mabibigla sa kanyang utos. Araw-araw ganyan ang ginagawa namin. Kina-career niya talagaang apelyidong The Explorer. Kung saan-saan kami nagpupunta habang ako'y paypay nang paypay sa kanya. Mayaman naman, bakit di na lang bumili ng electric fan? Yun na lang ang isama niya tuwing aalis siya.
Nagmadali ako sa pag-aayos ng gamit. Ayaw na ayaw nitong si Donya ang mabagal. Kala mo naman di siya makupad.
"Yaya, bilis. Naghihintay ang amiga ko."
Hays. Kung maka-utos naman. Nakakatamad pa naman lumabas ngayon dahil umuulan.
"Yaya! Ang payong dalhin mo dito. Baka mabasa ako."
Ibinigay ko sa kanya ang bagong biling Dora payong. May print pa ng mukha ni Donya.
"Yaya! Bakit ito? Mababasa ang payong." Sabi niya pagkabigay ko ng payong sa kanya.
"Ay, Donya. Wag po kayong mag-alala, waterproof daw po yan."
* * * * *
Nandito kami ngayon sa bahay ng kanyang amiga. As usual, nagku-kwentuhan lang naman sila. Nagpapalamangan sa yaman, sa lalaki at kung anu-ano pa. Misan nga ay muntik na silang magsabunutan sa sobrang pikon. Wala talagang kadala-dala. Tss.
"Kumare, natatandaan mo pa ba nung dalaga pa tayo, noong natalo kita sa beauty contest?" Pwe. So Donya Nidora? Nanalo? Sa beaucon? Parang gusto ko atang matawa.
"Oo. Kumare. Sobrang galing mo nga 'nun eh. Pero hindi naman ibig sabihin noon na mas maganda ka na kesa sa akin. Hihi." Hirit naman ni Donya Barbiena.
"Kumare, at least ako ang kinoronahan.E ikaw? First runner-up. Haha. Sinabi ko naman kasi sa iyo noon na huwag mo akong kalabanin. Makulit ka kasi kaya ayun, natalo ka tuloy." Sabi ni Donya Nidora na GGSS.
"Pero nakakabilib ka kumare. Effortless ang pagkapanalo mo. Bagay nga sa'yo ang title. Ms. Halloween 1970."
* * * * *
"Yaya. Kunin mo ang tomato ketchup."
Nandito na kami sa mansion. Pagkatapos kasi ng paglolokohan, este pagku-kwentuhan nilang mag-amiga ay umuwi na kami. At kasalukuyan ngang kuakain ang aking amo ng kanyang paboritong fried chicken.
Kinuha ko na dali-dali ang ketchup sa kusina at pabalik na sana ako sa dining room nang mapatigil ako pagkabasa ng instructions na nakalagay sa bote.
Shake well before use.
Shake?
Bumalik ako sa kusina at hinanda ang blender. Kumuha na din ako ng yelo, asukal at gatas. Inihanda ko na din ang cocktail glass at straw.
Ilang sandali pa'y tapos na.
Pero teka, parang may kulang. Hihi, tama.
Kumuha ako ng maliit na umbrella at nilagay sa tabi ng straw. Tamang-tama. Bumabagyo pa naman.
* * * * *
Short. Vote. Comment. Be a fan.

BINABASA MO ANG
My Unreachable Bae
HumorTwo different worlds apart. Love against all odds. Yaya Dub and Alden's story.