"Yaya!" hayy itulog mo lang yan.
"Yaya! Baba na!" pengeng perdible? Isasarado ko lang ang bunganga ng matandang to.
"Yaya! Isa!" dalawa.
"Yaya isang tawag pa pag di ka pa bumaba diyan ipapatapon kita." ha? huhu oo na tatayo na.
Mabilis akong bumangon sa higaan at nagsuklay ng buhok. Ang sarap ng tulog ko eh. Hays. Crush talaga ako netong matandang 'to kaya panay ako ang tinatawag.
"Mabuti naman at lumabas ka na sa lungga mo. Ipagtimpla mo ako ng kape." Sabi sa akin ni Donya na hindi man lang nakatingin sa akin pagkadating ko sa sala.
Teka. Lungga daw? Ibig sabihin hindi ako ang kausap niya. Kasi hindi naman lungga ang pinanggalingan ko eh. Maid's quarter. Siguro daga yung kausap niya. Naku, bumangon pa ko hindi naman pala ako ang kausap niya. Makabalik na nga lang sa kwarto.
Pabalik na ko sa maid's quarter nang magsalita ulit si Donya.
"Saan ka pupunta? Inuutusan kita." Hala yung daga saan pupunta?
"Huy san ka daw pupunta?" Nilakasan ko na ang boses ko dahil hindi ko naman alam kung nasaan ang daga ni Donya. Hindi ko naman kasi makita eh.
"Ikaw ang tinatanong ko? Saan ka pupunta?" Sabi ni Donya na ngayon ay abala na sa pagbabasa ng diyaryo. Hindi siguro nakikinig ang daga sa kanya.
"Hoy saan ka daw pupunta? Kausap ka ni Donya." Mas nilakasan ko ang boses ko dahil baka hindi narinig ng daga ang utos ni Donya.
"Ano ba? Niloloko mo ba ako?" Hala. Mukhang galit na si Donya.
"Hoy 'wag mo ngang pinagloloko si Donya!" sigaw ko. Lokong daga yun ah.
"Ano bang pinagsasabi mo?" Ano daw? Parang di ko naman narinig na nagsalita ang daga.
"Hoy ano daw ang sinasabi mo?" singhal ko kahit na wala naman akong narinig.
"Bakit ba salita ka nang salita diyan? Sundin mo nalang ang utos ko!" ramdam ko talgang galit na 'tong si Donya.
BINABASA MO ANG
My Unreachable Bae
HumorTwo different worlds apart. Love against all odds. Yaya Dub and Alden's story.