TUD 2

24 2 0
                                    

Chapter 2

Alexene's POV

"Tanggapin mo na. Forever broken hearted ka na. Kahit sabihin mo pang love goddesses tayo, nabobroken parin tayo. Kinaibahan ko or namin lang sayo, masyado kang assuming. Ayan pinili mo pang mag-hallucinate para sa future nyo ni Cupid—na pinakamataas sa god of love, na never naman talaga mangyayare sa inyo. Get it?" mahabang pagsesermon ni Faith.

Napasipa ako sa ilalim ng lamesa.

"Napakabuti mong kaibigan, Faith. Grabe. Bow na ko sa'yo. Ang talino mo. Ikaw na magaling. Tama na lahat ng sinabi mo. Dahil lahat yun makakabuti kamo sa'kin. I love you na talaga. Salamat sa suporta. Go lang. Ituloy mo pa at isampal sa'kin ang katotohanang never na magkakaron ng kami dahil hindi kami magka-level. Tama ka talaga. Kaya dapat makinig ako sa henyong tulad mo." sarcastic ko namang pag sang-ayon sa kanya at napalakas pa nga ang pagsabi non.

Ang expect nating sasabihin ng kausap mo sa ganitong sitwasyon ay "Sorry na. Hindi naman sa ganon eh.", di ba? Aminin mo?

Pero hindi! At dahil isa syang napakalupit na diwatang kaibigan...

"Tama. Nadali mo." yan ang sagot nya.

Natampal ko nalang talaga ang noo ko.

Hindi sya tinatablan ng sarcastic tone. Grabe lang. Susme. Ang sarap manakal.

"Jan ka na nga. Ewan ko sa'yo." inis na singhal ko saka lumabas ng kwarto naming mga mas nakakababa na love goddesses.

"Kung bakit ba kasi hindi nalang ako naging mortal. Ede sana malaya akong makakapagmahal. Kahit hindi man yung taong mamahalin ko ang nakatadhana talaga sa'kin, atleast hindi masama di ba? Kahit saglit lang mararanasan mo magmahal at mahalin. Peste ka Zeus. Bakit pati ako nilalang mo? Ayan tuloy, forever alipin ako. At for the next 90 years mo pa ko ipapakasal." mangiyak-ngiyak na bulong ko habang naglalakad.

Yeah. That's reality. Ako at ang mga katulad ko, pinapayagan rin mag-settle down. 90 years pa nga lang after mo mag-eighteen. Ang haba ng buhay namin. But you know what? Under Cupid's power kung bakit mamahalin namin yung makakatuluyan namin. Cliché right? But we have no choice.

"90 years nalang talaga na pagseserve sa mga mortal. Tiis lang." bulong ko pa.

Agad naman akong napahinto sa paglalakad dahil sa kaakit-akit at kumikinang na pinto ng kwarto kung saan walang maaaring pumasok maliban kay Aphrodite at Cupid.

Ngayon lang ako nakarating sa bahaging ito ng kaharian.

Hindi ko alam eh. Dito kaya ako dinala ng paa ko kakalakad-lakad.

Napakaganda ng pinto iyon. Masstock nalang talaga yung mata mo kapag napatingin ka doon.

Kulay gold at white na pinagsama ang kulay ng pinto. Napakataas at malawak.

Anong meron dito at bakit bawal pumasok ang karamihan dito sa kaharian?

Gusto kong pumasok.

I want to know what I could see behind this door.

It's really attracting me.

No. Hindi dapat.

Agad akong tumalikod at humakbang palayo.

Pero agad ko rin nakita ang sarili kong bumalik para buksan ang pinto at pumasok ng tuluyan sa loob.

Wala namang makakaalam.

Wala talaga. Kaya okay lang. Tama naman di ba?

But the thing is...

Biglang nagliwanag ang paligid sa unang hakbang ko palang — hanggang sa wala na kong makita at mukhang pagsisisihan ko ang pagpasok ko rito.

-End of chapter 2.


-Alexene on the Multimedia. :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 26, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Goddesses Saga: The Untamed Devil (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon