TUD 1

29 6 0
                                    

Chapter 1

Alexene's POV

"What do you think are you doin' in here, Alexene?"

Oh no. What to do?

Think. Think. Think an excuse.

Dahan-dahan akong napalingon sa nagsalita na animo nag-slow motion pa ang effects ng paligid.

Tumambad ang blangkong mukha ni Cupid.

Oh no talaga! What to do?

Crush ko pa naman si Cupid. Omg. Ang gwapo nya kaya. Sya na yata ang pinakagwapong nilalang na nakita ko for the rest of 18 years that I exist in this world.

"I...I was just...Mali po ako ng napasukan na room. Hindi ko po alam na ito po ang napasok kong room. I'm really sorry." maluha-luha kong pagpapaliwanag.

"ALEXENE! GET UP!"

But then....panaginip lang pala yun.

Nakahinga ako ng maluwag bigla.

Don't think too much. That was just a dream. For Cupid's sake! Wag kabahan, okay.

Breath in.

Breath out.

Breath----

"Ano ba Alexene? Babatukan na kita." nakasimangot na reklamo ng pesteng kanina pa gumigising sa'kin na si Faith.

"Ang epal mo kahit kelan Faith. I hate you."

"Wow ha? Ikaw na ang ginising ikaw pa ang masama loob? Gilitan kaya kitang diwata ka?" sungit as ever.

"Diwata ka rin. Love you too." pilit pinalalaki ko ang ngiti na pang-uuto.

"Just wanna inform you that Cupid is waiting for you outside. May trabaho ka nanaman. I wonder kung sino naman ang imamatch make ngayon."

"SAY WHAT?! SI CUPID MY LOVES NASA LABAS?! SHETE KA FAITH! BA'T NGAYON MO LANG AKO GINISING?!" natataranta kong sigaw.

"Ilakas mo pa para happy." pambabara naman nya.

Hindi ko na pinansin pa yon at halos liparin ko na ang papunta sa shower room.

Well, if you guys are not informed, we live like mortals too. Sila Cupid lang naman ang may powers. Iba ang kakayanan namin. Basta ang hirap iexplain. Alalay kami. Period.

At pagbukas ko nga ng pinto, para akong nasa music video at may ulap na effects pa habang tinititigan ko si Cupid the love of my life.

"Follow me." yun lang at tumalikod na sya para umalis.

Napa-pout nalang ako.

"Wala man lang 'Good day. Are you free? Let's eat.' Asar." bulong ko saka padabog na sumunod kay Cupid.

Natawag-tawag ka pang god of love ni hindi ka marunong makiramdam. Manhid.

Nakarating kami sa kwartong tinatawag na Room of Love.

May parang tulay na itsurang ulap na dadaanan bago makarating dito. At sa ilalim ng tulay na yon, makikita ang nagliliparang stars at heart na kumikinang at umiilaw kapag nakatakda nang makatagpo ang nakatadhana dito. Stars yung dapat lalapit sa heart. So hindi sya pwedeng irepresent sa isang gender lang.

Nakadepende kasi sa tadhana nila kung sino ang dapat na unang magkakagusto. At tama, kapag ikaw ang star, ikaw ang unang mahuhulog para sa partner mo.

Paano naman mag-match make?

Si Cupid lang ang nakakaalam. But doon na papasok ang part ng trabaho naming mga goddess. Kaming mga mas nakakababa na goddess ang may kinalaman naman don.

There's this kind of diamond charms na kapag nakatakda nang magtagpo ang certain na mga mortal, ginagawa namin iyong manipis na parang sinulid na ipagdudugtong namin sa dalawang mortal. Kapag naikabit na yon sa kanila, kahit anong gawin nila, magkikita at magkikita parin sila.

May ikinakabit kaming necklace sa kanila na kami lang din ang nakakakita. Through that love catcher necklace, naikakabit yung manipis na sinulid.

Lalong naging magulo di ba? That's our job.

Paulit-ulit lang.

"Alam mo na kung anong gagawin. Put now the necklace." utos ni Cupid.

"Sige po. I'll do it." sagot ko nalang.

Bababa nanaman ako sa mga mortal. Eto nanaman.

-End of chapter 1.

The Goddesses Saga: The Untamed Devil (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon