AUTHOR'S POV.
"Did you find them..?" tanong niya sa mga tauhang inatasan niyang tumapos sa Yawe na reincarnation ng mortal niyang kaawaay na si Raquel.
Matagal na panahon din naman niyang hinintay ang sinabi nito noong pagbabalik para wakasan ang kasamaan niya. Napangisi siya ng maalala ang tagpong iyon. Yung panahon na naghihingalo na ito dahil sa ginawa niya dito.
You can never win against me Raquel..., you're nothing compared to me...
"Pasensya na po, pero natakasan po nila kami.. hindi din naman kami makapasok sa isang particular na lupain doon kung saan sa tingin po namin ay kinaroroonan nila." Sabi ng leader ng grupong inutusan niya.
"Matalino talaga ang mga bwesit na iyon.., sa tingin ko ay nilagyan ng harang ng babaylan ang lupaing pag aari ng Aking Minamahal para hindi natin sila basta masusugod..., Mga duwag...., para silang mga dagang takot na takot na mahuli ng pusa kaya wagas kung magtago sa mga lungga nila... huh." Ibinaba niya ang kopita ng dugong ininuman niya.
"But that won't take long..., we'll make them get out from their safe havens...." She added a devilish grin after saying that.
ALEX'S POV.
"Teka.., nasan na naman ba ako...?" nasabi ko sa sarili ko ng magising ako sa isang silid na hindi pamilyar sa akin.
Siguro isa na naman ito sa mga visions na sinabi nila ni Eylv sakin....
Bumangon na ako sa kamang kinahihigaan ko at naglakad papalapit sa bintanang nakabukas na ang yari ay yung parang sa mga sinaunang bahay noong panahon ng mga kastila. Para akong nasa bahay na katulad nung mga nakikita sa Vigan.
Hinawi ko ang puting kurtina na nakatabing sa bintana at doon ay nakita ko ang maaliwalas at magandang kapaligiran na kailan man ay hindi ko nakita sa magulong ka-maynilaang kinalakhan ko.
Dumungaw naman ako sa ibaba at doon ay may naaninaw akong babaeng nakaupo sa ilalim ng puno habang nagbabasa ng libro. And I felt goose bumps ng makilala ko kung sino ang babaeng yun.
It must be Raquel.., dahil kamukhang kamukha ko siya., ang kaibihan lang ay ang mga kasuotan namin..
"Nanang Raquel.., nandirito na ang mga panauhing dayuhan nina Mamang at Papang na mula sa ibang bansa... Tawag ka ni Papang dahil hindi sila masyadong magkaintindihan nung mga panauhin niya. Iba kasi ang lengwaheng sinasabi nila, parang Ingles yata yun." Sabi ng babaeng lumapit kay Raquel na kamukhang kamukha naman ni Honey.
Napangiti ako.., si Honey kasi talaga yun na naka Maria Clara costume.
Kahit na malayo sila sa akin ay dinig na dinig ko ang mga sinabi ni Honey.., hindi ko din naman maipaliwanag kung bakit.
"Sige.., tayo na at puntahan natin sila..." tumayo na si Raquel at nagsimula ng pumasok sa loob ng bahay kasabay si Honey.
Nagmadali naman akong nagtungo sa pinto para bumaba. May idea na ako kung sino ang sinasabi ni Honey na mga dayuhing panauhin ng mga ito.
Pagkababa ko mula sa hagdan ay bumungad sa akin ang isang may kaluwangang sala. Napakaluma na ng bahay pero nakakatuwang isipin na ang gaan ng pakiramdam ko habang nililibot ng tingin ang buong lugar.
"Nandito na pala ang aking si Raquel.." narinig ko ang mga salitang iyon mula sa labas kaya agad akong lumapit sa kinaroroonan niyon.
Sa labas nga ay nandoon nakaupo sa Lanai ang dalawang Lalaking kilalang kilala ko. Sina Eylv at Greg.
Kaharap ng mga ito ang may katandaan na ding sa tingin ko ay mga magulang nina Raquel at Honey.
Lumipad naman ang tingin ko sa papalapit na mga babae, pero nagtaka ako dahil tatlo na sila.
"Anak.., ikaw na ang magpakilala sa sarili mo at sa amin na din.., hindi kasi kami magkaintindihan ng mga panauhin natin." Sabi pa ng Ama niya.
"Sige po.," magalang na ngumiti si Raquel sa ama niya. At hindi nakaligtas sa akin ang humahangang tingin ni Eylv Kay Raquel.
"Welcome to our home Sirs., I'm Raquelia Santiago, And these are my parents. Julianna and Mannuel." Sabay turo pa niya sa mga magulang.
"My Sister, Juanita and my friend Salvacion.." turo naman niya kay Honey at sa katabi nitong babae.
Napangiti siya ng malaman ang totoong pangalan ni Honey., Juanita pala ang pangalan nito noon. Siguro ay binago niya dahil medyo pang oldies na nga ang pangalang iyon.
"Nice to meet all of you.., especially you my Lady. And I'm glad that you can fluently speak on the language I only know." Sabi naman ni Eylv na hinawakan pa ang kamay ni Raquel at hinalikan ang likod niyon.
Namula naman ang mukha ng babae na naging dahilan ng pagngiti ni Eylv.
"By the way.., I'm Ysmael Montreal and my cousin here., Gregory." Pakilala pa nito. "We're here to do business with your Father."
"Nandito daw sila para sa negosyo Papang..."sabi niya sa Ama.
"Ay Oo.., nasabi na nga iyan ng Kumpare kong si Nikanor.." at nagsimula na ngang mag usap ang mga ito tungkol sa negosyong sinasabi ni Eylv. Si Raquel ang nagsilbing translator ng mga ito.
Ako naman ay para lang nanonood ng pelikula sa mga tagpong nasasaksihan ko.
Napabaling ang pansin ko sa dalawang babaeng nakaupo sa di kalayuan sa kanila ni Raquel. Si Honey at yung babaeng Salvacion ang pangalan ay nag uusap at hindi sinasadyang narinig niya ang mga ito.
"Ang kikisig naman ng panauhin ng iyong mga magulang Juaning.., Lalo na yaong nagngangalang Ysmael."sabi pa nung Salvacion saka nag aktong kinikilig.
"Hindi ko naman alam kung ano ba talaga ang dipenisyon ng makisig Nanang Salve, pero masasabi ko naman talagang kakaiba ang itsura nila. Lalo na ang kanilang mga mata na hindi naman karaniwan ang kulay." Sagot ni Honey.
"Ahh basta.., susubukan kong mapasaakin yang si Ysmael. Tinamaan kasi talaga ang abang puso ko sa kanya."
"Tumigil ka nga diyan Nanang.., hindi ka tunay na dalagang pilipina kapag nagpakita ka ng interes sa isang lalaki., at saka isa pa., hindi mo pa nakikita na mukhang nabighani na ng ganda ni Nanang Raquel ang kursonada mong binata." Nakaharap si Honey sa mga pinag uusapan nila ni Salvacion kaya hindi tuloy niya nakita ang biglang pagtagis ng bagang ng huli. Pero ako ay kitang kita ko iyon. At bigla na lang ay parang sumikip ang paghinga ko. Bigla akong kinabahan.
"Lagi naman talagang siya ang nauuna.., maging sa pagiging hahalili sa punong Babaylan ay siya ang napupusuan." Nahimigan ko ng galit at panibugho ang pagkakasabi ng babae nun pero sa tingin ko ay hindi naman iyon nahalata ni Honey.
"Matalino kasi talaga ang Nanang Raquel ko kaya ganun., at napakabait pa." proud na proud naman na bigkas ni Honey kaya mas lalo tuloy dumilim ang anyo ni Salvacion.
Bigla na lang itong tumayo at bumira ng alis.
"O., uuwi ka na Nanang Salve..? hindi mo na hihintaying matapos ang pag uusap nina Nanang Raquel.?" Inosente paring tanong ni Honey na ni hindi man lang nahalata ang pagka bad-trip ng kausap.
"Hindi na.., baka hinahanap na kasi ako ni Tatay Nikanor.., mauna na ako sa'yo.." saka tuluyang umalis ito.
Bigla naman akong nahilo at napaupo sa sahig habang sapo ang dibdib ko. Kinakapusan kasi talaga ako ng hininga...
Pumikit nalang ako ng mariin at ni relax ang sarili ko.. pero the moment na minulat ko ang mata ko ay iba na ang lugar na kinaroroonan ko.
Nasa mansion na ulit ako, sa sala at nakaupo sa sofa.
"Okay ka lang ba, Alex,,?" narinig kong may nagsalita sa likuran ko at doon ay nakatayo ang tatlong tao or rather bampira na present sa vision na nakita ko kanina lang.
"Okay lang.., I just had a vision again..." sabi ko at umupo sila sa tabi ko.
"So.., what did you saw.?" Tanong ni Eylv.
"The day.., you and Raquel first meet.."
A/N: happy... shalalalaaaa
BINABASA MO ANG
THE STORY OF ME AND MY VAMPIRE BOYFRIEND
FantasyThis is a vampire story.. obvious naman sa title eh... hehe... What would happened if a mortal falls inlove with A Vampire..? and that Vampire falls inlove with that mortal too... would they live a happy ever after..? or they would end up forgettin...