(11)

24 1 0
                                    

ALEX'S POV

Nakita ko ang interest sa mukha nila ng sabihin ko ang mga nakita ko sa visions ko. Except dun sa last part na nakinig ako sa pag uusap nina Honey at nung isang babae.

"That was what actually happened ng araw na iyon.." bulalas pa nito.

"Pero may tanong lang ako.., nakita ko din siya sa visions ko, yet I don't seem to like her." Mataman silang nakinig sakin.

"Sino si Salvacion?, I mean.., may nasasagap kasi akong bad vibes sa isang yun eh.." bigla namang nagpalitan ng makahulugang tingin ang tatlo.

"She's the villain Alex.., the reason behind all this troubles and the one who killed Raquel. She's the cursians leader." Sagot naman ni Eylv na nagpalinaw sakin kung bakit parang mabigat ang pakiramdam ko sa babaeng yun.

"Isa din siyang Babaylan na kasamahan ni Nanang Raquel noon, at itinuring na niyang matalik na kaibigan. Pero trinaydor lang siya ng walang hiyang yun dahil sa matinding inggit niya sa kapatid ko."dagdag na paliwanag naman ni Honey.

"She's that desperate?,to the point na pinatay pa talaga niya si Raquel." Hindi makapaniwalang sabi ko.

"Hindi lang din naman kasi inggit ang dahilan.., kungdi matanding selos na din. Malakas din kasi ang tama niya kay Eylv noon or Ysmael rather."

Saka ko palang naintindihan lahat,. Sa totoo lang ay hindi ko pa naman talaga naranasan ang umibig or may minamahal. Kaya hindi ko alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ng mga taong umiibig at kung pa'no naaapektuhan ang matinong pag iisip nila. Pero base na lang din sa mga nababasa ko sa mga novels at mga nakikita ko sa T.V., mostly sa mga taong umiibig na hindi natutugunan ang pagmamahal nila ay nababaliw o di kaya ay nakagagawa ng mga masamang bagay.

"Hay.., mas lalong sumasakit ang ulo ko sa inyu. Magpapahinga na muna ako sa kwarto ko., excuse me." Iniwan ko na muna sila sa sala na malalim na ang mga iniisip, gusto ko munang ipahinga ang utak ko. Masyado na kasing occupied sa maraming bagay, at sa maraming revelations.

HONEY'S POV

"Ano na ba ang plano mo ngayon Eylv? Kailangan na nating mag isip ng mga pwedeng gawin kung papano natin matatalo si Salve habang hindi pa totally nakakabalik si Nanang sa katauhan ni Alex." Tanong ko kay Eylv na nakatanaw sa labas.

"Truth is.. I don't really know. The only thing we can do for now is wait. Salve is a powerful b!tch, she holds the book of spell."

Ang tinutukoy niyang book of spell ay ang librong hawak ni Salve na pag aari noon ng punong babaylan na papalitan sana ni Nanang Raquel, ang libro na puno ng mga makapangyarihang sumpa at iba pa. Ninikaw iyon ni Salve sa araw ng kasal nina Nanang at Ysmael. At ng matapos ang seremonya ng kasal na iyon ay saka siya sumugod para patayin ang nakatatanda kong kapatid.

At kusang bumalik sa alaala ko ang mga nangyari..

"Inagaw mo na ang lahat sa'kin... ang pagiging punong babaylan pati na din ang lalaking pinakamamahal ko.. kaya ito ang bagay sa'yo... " winasiwas ni Salve ang kanyang isang kamay habang ibinubulong ang mga katagang binabasa niya sa librong hawak..

Humangin ng malakas at parang naistatwa sila sa kinatatayuan. Gustohin man nilang gumalaw ay hindi nila magawa.. maging sina Ysmael at Greg ay hindi din magawang matinag sa kinatatayuan.

"What the hell is happening.., Gregory.., do something.." sigaw ni Ysmael.

"D@mn man.., I can't move.. I can't even lift a finger.." sagot ng nahihirapan ding si Gregory.

Tumawa na parang nababaliw si Salve..

"Ganito pala.., ganito pala ang pakiramdam na maging isang makapangyarihang babaylan, ito ang gusto ninyong ipagkait sa'kin... ito ay para sa akin... hindi ito nababagay sa'yo Raquel.. mabuti nalang at tanga ka para mapaniwala kitang tunay akong kaibigan." sabi pa ng baliw.

"Salve.., tigilan mo na ito.. h'wag mong hayaan na lamunin ka ng kasamaan at mabalot sa kadiliman ang puso mo.." Pinipilit ni Raquel na gumalaw habang nag iisip ng paraan kung papano mapipigilan ang kaibigang itinuring na din niyang kapatid.

Tumawa lang ang baliw na si Salve...

"Sayang lang ang laway mo Raquel.., hinding hindi ako makikinig sayo. Hindi ako tanga para hayaan kang maging masaya at makuha ang dapat ay para sa akin.. Akin ang lahat ng ito.. Para sa akin ang kapangyarihang ito at ang lalaking yan..." Itinutok nyah ang nakataas na kamay kay Ysmael at parang itinulak ng hangin na dahan dahang hinila nyah ito palapit sa kanya.

"Mahal ko..." Hindi napigilan ni Nanang na mapahikbi..

"You b!tch.. don't you even lay a finger on me.." pilit iniiwas ni Ysmael ang mukha niya sa hawak ni Salve.

"Kausapin mo ako sa lengwaheng alam ko.. alam kong marunong ka nang managalog kaya magtagalog ka.." sinampal niya si Manong.

"Huwag mo siyang sasaktan Salve... Hindi kita mapapatawad...." Biglang nagdilim ang paligid. Dahan dahang itinaas ni Nanang ang kanyang kamay at may mahinang binubulong. Umilaw ang katawan ni Nanang at humangin ng malakas.

"Nanang Raquel... anong nangyayari sayo..?" Nag aalalang tanong ko kahit na ba mahirap para sa akin ang makagalaw.

"Hindi ko hahayaan na masaktan ang mga taong mahal ko... walang kahit sino man ang makakapanakit sa inyo.."

"Talaga lang ha? ano naman ang laban mo sa hawak ko..? akala mo siguro kaya akong matalo sa kakapiranggot na baybayin na saulo mo... pinaghandaan ko ito at alam ko na kung papano ka papatayin.."

Kumuha siya ng isang manikang pambarang at isang balisong.. habang bumubulong ng baybayin ay itinaas nyah ang manika at itinutok ang kutsilyo sa tapat ng dibdib nito.

"Hindi...... Huwag Nanang Salve maawa ka huwag..." "No...." sabay kaming nagsisisigaw pero para walang narinig na itinarak niya ang kutsilyo sa dibdib ng manika at sabay nun ay ang pagdaloy ng dugo sa tapat ng puso ni Nanang Raquel.

"Aaaghhhhh...." Daing ng kapatid ko.

"Nanang..." hindi ko pa rin magalaw ang katawan ko... wala akong magawa kung hindi ang umiyak nalang.

Napaluhod si Nanang sa sakit...

"No....." sa hindi maipaliwanag na dahilan ay biglang nakagalaw si Manong Ysmael at sinugod si Salve. Sobrang malakas na pwersa ang lumabas sa katawan niya at nang itinulak niya si Salve ay lumipad ito sa malayo at tumama sa pader.

Bigla namang nawala ang pwersang pumipigil sa aming gumalaw. Tumakbo ako agad sa kapatid ko.

"Nang... Nanang ko...." iyak ako ng iyak. Si Mamang naman ay nahimatay at ang Papang ay nakaalaay sa kanya.

"Jua-Juanita.. sina Papang at Mamang... ilayo mo sila dito.. iligtas mo sila.." kahit na hirap na siyang magsalita ay pinilit niyang sabihin yun at inabot ang kamay ko.

"Hindi kita iiwan dito.. hinding hindi kita iiwan.."

"Mahal ko......" lumapit si Manong sa amin..

"Mahal ko.. kumapit ka lang ililigtas kita.." pilit tinatakpan ni Manong ang sugat ni Nanang at para bang pinipigilan niya ang pag agos ng dugo.

"H-hindi pa tayo tapos....."napalingon kaming lahat sa nagsalita.

Biglang lumindol na naging dahilan para bumalik sa kasalukuyan ang huwesyo ko.

"What the heck is happening...?" mahigpit akong kumapit sa inuupuan ko.

"D@mn.. they are trying to break the barrier...."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 25, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE STORY OF ME AND MY VAMPIRE BOYFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon