(9)

98 4 0
                                    

HONEY's POV.

"WHAAAATTT..?" gulat at nanlalaki pa ang mata na sigaw ng gulat na gulat na si Alex sa amin.

Naiintidihan naman namin nina Eylv at Greg na sa una ay hindi talaga kami papaniwalaan ng babaeng ito. Kahit sino naman sigurong normal na tao ay pagtatawanan lang ang sinabi namin na mga bampira kami.

"Uuwi na ako.., naglolokuhan nalang tayo dito eh.."bigla ay tumayo na siya at akmang papunta na sa pintuan ng harangan siya ni Eylv..

"It may sounds funny but it's true..." sabi pa niya bago ipinakita kay Alex kung ano ang itsura niya pag nagiging bampira siya.

At halos lumuwa na talaga ang mga mata ng reincarnation ng kapatid ko sa pagkakakita sa itsura ni Eylv pagkatapos ng transformation.

"So..., do you think this fangs are fake..? you can touch them if you want..." may halo pang amusement ang pagkakabigkas ni Eylv nun.

"Ohh my..., I can't believe this is happening..., sa pagkakaalam ko, aswang lang ang meron sa Pilipinas.., at ni hindi ko inaasahan na may nag e-exist pala talagang mga supernatural beings sa mundo... woah.... Nananaginip na naman siguro ako.., I need to wake..., come on I have to wake myself up.."tinampal tampal pa niya ang pisngi niya na para bang ginigising ang sarili.... Naaliw naman ako sa itsura niya. Mukha na kasi siyang tanga na kinakausap ang sarili.

"Hindi ka nananaginip..., kung gusto mo.., pwede kang kagatin ni Eylv para mapatunayan sayo na gising ka.." biro ko sa kanya na mas lalong kinatigalgal niya.

"No way.., teka.., hindi ko na keri lahat ng mga sinasabi niyong revelations eh.., pwede bang paki-explain niyo pa sa akin ang lahat..., mas lalo lang akong naguluhan eh... ano ba talagang nangyayari..? at kung mga bampira nga kayo.. anong ginagawa ko dito kasama ninyo? Wait..., lalapain niyo ba ako kaya ako nandito..?" napangiti nalang kami sa sinabi niya....Kahit kasi medyo takot pa din ang boses niya ay naririnig naman namin ang pagpayapa ng tibok ng puso niya na ang ibig sabihin ay narerelax na siya.

"Kung gusto ka naming lapain ay kahapon pa sana naming ginawa yun.., pero hindi namin yun gagawin kahit kailan dahil hindi naman kami umiinom ng dugo na directly sa tao kinukuha."paliwanag namin ni Greg.

"You mean.., umiinom kayo ng dugo from humans but not directly drinking from their necks..? pa'no yun..?"

"Simple lang.., bumibili kami sa blood bank..., yung mga nakahelerang mga bandera sa labas na akala mo ay winery ay hindi mga alak ang nandoon.., but preserved blood na supply para sa amin."dugtong ko pa.

"Okay.., convince na ako na Vampires kayo.., now.., what is it to do with me? Ba't niyo ako dinala dito...?"

"As what I have said.., you are my sister.., at para malinawan ka.., reincarnation ka ng kapatid kong si Raquel.." hindi ko hiniwalayan ng tingin ang mukha niya na walang ibang nagiging ekspresyon kungdi pagkalito at pagkatigalgal.

"P-pa'no niyo naman nalaman na ako nga ang reincarnation niya..?"

"I felt it..., ever since the first time you stepped on my building.., I knew it was you...,not to mention you definitely look just like her.  and now that you had the visions and also based on your reaction when you saw the falls.., it is then proved that you're the choosen." Si Eylv na ang sumagot.

"Kung ako nga ang sinasabi niyo.., then ano ang papel na gagampanan ko sa mga buhay niyo? Magiging katulad niyo din ba ako...?"

"Hindi.., isa ka talagang tao Alex..., pero ang Ate Raquel ko ay isang makapangyarihang babaylan noon..., at ang sabi niya sa amin bago siya mamatay ay magbabalik siya sa katauhan mo at unti-unti ay magbabalik din ang kakayahang meron ka, kasabay ng pagbabalik tanaw mo sa buhay mo noon ng ikaw pa siya."

THE STORY OF ME AND MY VAMPIRE BOYFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon