MADILIM sa lugay na iyon.
Madalas naming naiisip ang tungkol sa madilim na Basement na iyon.
Hindi kami pinahihitulutan na pumunta roon,
at talaga namang hindi rin namin nais na puntahan
iyon. Basa at madilim doon at ang amoy ay di kanais-
nais.
Ang mga baitang ng hagdanan pababa sa Basement ay mahina
at walang ilaw upang makita kung saan ka pupunta.
Ang mga rehas na katabi ng hagdan ay ganoon din.
Mararamdaman mong umuuga at sira-sira na ito,
kaya makita mong mapanganib ang pagpunta roon.
Kapag sinusubukan naming bumaba, nakakababa
pa lamang kami ng ilang hakbang ay nakakaramdam
na kami ng labis na takot, kaya bumabalik na lamang kami
sa itaas. Palaging may malamig na hangin na
nanggagaling sa ilalim at wala kaming sapat na tapang
upang tuluyan naming tignan kung ano ang nasa madilim na Basement.
Ito ay sadyang madilim at nakaka sindak. Sa dilim
ay may parang ungol pang maririnig.
Isang gabi ay naka rinig na kami ng isang tunog
ng bagay na bumagsak sa Basement.
