Part 2

214 3 0
                                    

Nais naming makita kung ano ang naroon,

upang malaman kung anong bagay na narinig

naming, kahit ano pa man ang mangyari. Nais naming

malaman kung ano ang nasa loob ng Basement.

Ngunit malamlamig at madilim sa ibaba at kami ay natatakot.

Sinubukan naming bumaba rito at sa bawat

pagkakataon ay nadadala kami ng takot.

Kaya bumalik ulit kami sa itaas bago pa man

mangahalati sa hagdanan pababa.

Ngunit isang gabi,

isa sa amin ay naglakas loob para bumaba sa Basement na iyon.

Kami naman ay sumunod na lamang sa kanya.

Walang mga sigaw o ingay hanggang siya ay makaabot

sa ibaba at nawala sa kadiliman. Lalo kaming naging matapang.

Lumakad kami sa kadiliman habang malalakas kaba sa aming dibdib.

Bumubulong kami sa bawat isa na kami ay naroon pa rin

at maayos ang lahat

Magkakadikit kami sa isang sukot at bahagyang huminga.

Sa isang sulok ay naaninag namin ang isang bagay.

Ito ay malaki at gumagalaw nang masyadong mablis,

nanginginig, at pabulong bulong.

Lumapit kami nang lumapit. Halos hindi na kami maka hinga.

Ang aming nakita..

Ang aming ina na naka tayo sa tabi ng washing machine!

Nagpipiga siya ng mga kumot at inihagis ang mga ito sa drier.

"SANA AY PUMAYAG NA ANG INYONG AMA NA AYUSIN NATIN ANG BASEMENT NA ITO.

MASYADONG MADILIM DITO!"

Noon namin nalaman na walang anong kababalaghan sa Basement na yun.

---------------

Authors Note :

Salamat po sa mga bumasa nito!

Abangan ang nakalokang istorya ng aking pag-ibig.

BuKo (Buhay Ko) < - Ayan ang Title :))

Salamat po ulit!

VOTE

and

COMMENT

-Alice

Ang madilim na Basement (OneShot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon