Author's note:
Waahh I can't believe susuportahan niyo story ko hehe. Thanks! Ang chapter pala nito ay continuation ng nangyari sa Chapter 1. So kung naguguluhan kayu, read the previous chapter first. Enjoy Aldub fans! :) I made this one very long for you guys!Tumigil ang mundo ko. Sabi nga ni Lola ni Dora, bakit di ko na rin isama paghinga ko? Tama, pati ngayon tila wala na rin akong malanghap na hangin. Tinext ba naman ako ni Mr. Alden Richards lang naman na.. "So tayo na?"
Ay, may kulang. May kasamang wink pala yun sa dulo.
Take two:
Tinext lang na ako ni Mr. Alden Richards na, "So tayo na? ;)"Alam niyo ba nireply ko?
Gusto niyo ba malaman?
Ang sabi ko lang naman eh, "Hoy kapal ng mukha mo. Akala mo kung sino kang gwapo. Ganyan ba ugali mo masyado kang mabilis. Wala kang kwenta. Ikaw ang nagpapatunay na walang forever"
Haha. Syempre nagloloko ako noh. Bakit ko naman sasabihin yun. Control Yaya Dub, control~
So, yeah. Hindi na lang ako nagreply.
1 minute na ang nakalipas.
2 minutes na.
3 minutes.
Magrereply pa kaya yun?
Bzzzzzzzzzt.
Ayan nagreply nga.
Alden: Uyyyy! Joke lang Yaya Dub! Sige matutulog na ako. Goodnight!
Haaaaaaaaaaaaay. But nalang nagloloko siya. Ano tingin niya sakin, ganun ka-easy to get? Tyaka tingin niya gusto ko siya? Ang hindi niya lang alam...hindi niya lang alam..pero..
Hay ayoko na magdrama ngayon. Long long story. Medyo complicated.
Sige makatulog na nga rin.
And hindi na ako magrereply para hindi awkward.
CHANGE LOCATION
New location: Eat Bulaga Studio.
Kakaiba ang araw na ito kasi pinatawag ako sa studio ng Eat Bulaga. Sunday ngayon, at hindi ko ngayon kailangang pumunta sa baranggay. Nakapunta na rin ako sa Eat Bulaga studio dati. Pero first time lang ako pinatawag ng Sunday.
Pumasok na ako sa studio pero tila madilim dito. Tanghaling tanghali pero pag hindi pala nakabukas yung mga ilaw eh wala ka talagang makikita. Nagtitipid laya sila ng kuryente?
Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang may nakabangga akong tao. Hindi ko alam kung sino, kasi nga madilim.
Tinaas ko ang kamay ko ang kinapa/pinakiramdaman kung sino yun.
OMG nakakahiya. Nahawakan ko yung abs niya. Ang tigas.
At base sa pag-amoy ko, ang bango niya grabe, at malaki siya.
Hanggang bumukas nalang yung ilaw....
Pagbukas ng ilaw, ang nakita ko ay si Jimmy Santos. Siya pala yung nakabangga ko. Akala ko kung sino.
And yung abs niya? Fake abs yun haha. Nagsuot siya ng parang costume ng abs.
"Maine okay ka lang?", tanong ni Kuya Jimmy.
"Hehe opo" sagot ko.
"Uhm, Kuya Jimmy, alam niyo ba po kung bakit ako pinatawag dito? Asan po yung mga stafd and what's with the fake abs? Hehe" dagdag ko.
"Chill. Dami mong tanong. Come-on, follow me" sagot niya.
Sinundan ko na si Kuya Jimmy..
Naglakad lang kami..hangganh biglang nakita ko na ang ibang staff.
BINABASA MO ANG
AlDub is Love (an Alden Richards and Yaya Dub fanfic)
FanfictionDoes Aldub exist in real life?