Chapter 01

33 2 0
                                    

Stranger at my brother's wedding 


It was my brother's wedding day. It was one of the happiest days of my life at ako na siguro ang isa sa pinakamasayang tao para sakaniya.

Isa ako sa mga bridesmaids na nakahilera sa isang gilid. Nakangiti kong pinipigilan ang aking luhang magbadya sapagkat ayaw kong masira ang makeup kong napakaganda ang pagkaayos.

He looked so happy and I couldn't help but be envious about it. It's so nice to find that one person that could change your entire life forever.

Dalawang pu't isang taon na ako at fresh graduate pa lamang ng kolehiyo subalit sa twenty one years of existence ko ay ni isang nilalang man lamang ay walang nagtangkang manligaw o magkagusto sakin.

Siguro pangit ako. Wala na namang makatwirang dahilan bukod doon diba? I mean, sanay na naman akong pinpaliguan ng aking pamilya ng matatamis na salita ngunit kayhirap paniwalaan ng mga ito. Kung maganda nga ako tulad ng mga sinsabi nila, edi matagal na akong nagkaroon ng jowa!

They soon exchanged their I do's at tila parang nasa isang fairytale ako kung saan ikinakasal ang isang prinsepe sa prinsesa. Everything feels all so magical.

Pagkatapos ng kasal, agad na kaming dumiretso sa reception na gaganapin sa isang napakalaking hotel.

Pagpasok ko sa loob, hinuli agad ng aking mga mata ang agaw pansing crystal chandelier na nakasabit sa mataas na kisame.

Excited kong ikinuwit ang aking braso sa braso ng nanay ko. Sabay kaming pumunta dito at hindi ko mapigilan ang aking tuwa na nadarama.

"oh my gosh, ma! Angganda dito!" bahagya kong tili sakaniya.

"jukso, Amelia! Kumalma ka nga." Saway niya sakin. "para kang hindi babae eh."

Ngumuso ako sa sinabi niya at hinila ko pataas sa aking long gown upang hindi ko ito maapakan.

"OA mo ma." Halakhak ko sakaniyang reksyon. " sa palagay mo, may gwapo kaya dito?" pabiro kong untag sakaniya habang marahan siyang sinisiko.

Tumawa na rin naman siya dahil sa sinabi ko at tumigil ng saglit para ayusin ang buhok kong hula ko'y nagulo sa kakulitan ko kanina.

"nako anak. Mahahanap mo din yan. I'm sure he's out there." Tingin niya sa malayo ng parang may inaalala. "hindi pa siguro tamang oras kaya hindi mo pa din siya nakikita." Ngiti niya sakin. "kaya tara na. Mismong nanay at kapatid ng groom late pa." aniya at pihit patungong garden sa labas.

Ipinag kibit balikat ko nalang ang kaniyang sinabi at sumunod na din. Paano ko siya makikita kung hindi naman talaga siya nageexist? What if destined nga akong maging matandang dalaga?

Umupo ako sa table ng mga bride's maids kung saan nadatnan ko silang nagtatawanan at pinipigilan ang kanilang mga bungisngis.

"anong meron?" tanong ko habang umuupo sa bakanteng upuan katabi ni Nikki, kapatid ng bride.

"shet lang gurl!" hagikhik ni Jane, kapatid din ng bride.

Taka kong tinignan ang mukha niyang tila sasabog na sa pula.

"OHWEMGEE! Tignan mo yun beh." Turo niya sa isang banda ng garden kung nasaan kami ngunit di ko matiyak kung ano ba ang tinutukoy nila.

"ano ba yun?" taas ko ng aking ulo ng parang giraffe upang matignan ng mas mabuti ang tinuturo niya.

"grabe ah, ngayon ka pa nabulag." Kawit niya sa leeg ko at pilit na hinaharap sa direksyon ng kaniyang sinasabi. "ayun gurl!" tili niya muli.

Sa malayo, kita ko ang isang lalaking nakaitim na button down shirt at itim din na slacks. Hindi ko masyadong makita ang kaniyang mukha subalit sigurado akong gwapo ito. Sa layo niya, hindi ko tiyak kung saakin ba siya nakatingin o sa aking likuran pero pakiramdam ko ako talaga. Hindi ko pinutol ang aming tinginan habang kinakausap ako ng aking mga kaibigan.

The Fangs of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon