Mas madaling panahon
"where where you last night!?" galit na pambungad sakin ni Wendy.
Busy akong nagtitipa sa harap ng aking laptop habang nakaupo sa kama, samantalang siya naman ay hindi mapakali at kanina pa paikot ikot sa harapan ko.
"nauna na akong umuwi. I kinda just left. Sorry." Nagangat ako ng tingin sakaniya ngunit hindi pa din napapawi ang galit na nakapinta sa kaniyang mukha.
"I was worried sick!" paghihisterya ni Wendy. "akala ko kung anong nangyari sayo! Hindi mo lang alam kung ano ano nang inisip ko kagabi." Upo niya sa gilid ng aking kama.
"Pasensya na talaga." Sarado ko sa aking laptop upang maituon ko ang buong atensyon sakaniya. "I just... didn't feel well."
"you should've at least returned my calls. Paano kung na-rape ka pala?"
"but I didn't." ngisi ko.
Tinapunan niya ako ng matalim na tingin bago bumuntog hininga at tumayo.
"you're not staying?" tanong ko nang makitang papaalis na siya.
"hindi. Pinapatawag ako sa office. I still have a major hangover pero mas maayos na ngayon knowing that you're okay." Ngisi niya.
Linggo ngayon at wala akong pasok sa trabaho. Alas otso pa lamang ng umaga ngunit bumangon na ako sa kabila ng sakit ng ulo dulot ng paginom kagabi. Malakas man ang tama ko last night, alalang alala ko pa din ang mga mata ni Mr. Montezco. Ang kulay ng mga ito at kung gaano sila katalim.
Naudlot ako sa malalim kong pagiisip ng biglang tumunog ang aking telepono. My assistant's name flashed on the screen.
"hello?" sagot ko habang sinisimsim ang aking kape.
"Goodmorning po ma'am." Panimula niya. "pasensya na po ah. Alam kong linggo pero po yung kliyente niyo ho kasi... tumawag ho sakin." natigilan ako ng saglit pagkabanggit niya ng salitang kliyente.
"sinong kliyente?" di ko maitago ang panginginig sa aking boses.
"Si Mr. Montezco po." Aniya.
"ano daw sabi?"
"hiningi po sakin number niyo—"
"binigay mo?" bakas na ang inis sa aking tinig.
"opo. Hindi daw ho kasi kayo sumasagot sa e-mail niya." Mahina na ang boses ng aking assistant. Nabigla siguro sa aking sinabi.
"its okay. Just tell him if he calls back, hindi ko lang masagot kasi I'm busy. Iyon lang. Salamat Tina."
"ah ma'am. Sainyo na daw siya tatawag eh." Nagaalinlangan niyang sabi.
"ah sige, sige salamat." Pagbaba ko ng tawag.
Pinatay ko ang aking telepono. I don't want to hear his voice. I want to avoid him as much as possible. Ngunit tila halos bawat salitang naririnig ko ay may nilalamang 'Mr. Montezco'.
Binuksan ko ang aking e-mail. Madaming unread dito mula sa iba ko pang kliyente at sa opisina ngunit ang kay Mr. Montezco na sunod sunod ay ikinakunot ng aking noo.
'Can I set up another appointment?"
Ang makalawa naman ay mas mahaba.
'Ms. Santos are you avoiding me? Please arrange a meeting as soon as possible.'
'Ms. Santos I cannot contact you through your number. Kindly send me your current phone number so I may call.'
Madami pa akong natanggap na mensahe mula sakaniya ngunit lahat ito ay binura ko din.
'Ms. Santos I just had a word with your assistant. You are being unproffesional. Pick up your phone.'
Rest day ko ngayon. I left my unit by 10:30 for a jog around highstreet.
Matirik ang sikat ng araw. Sunday ngayon ngunit madaming kotse padin ang tinatahak ang daan ng BGC patungo sa kanilang destinasyon.
Tanghaling tapat na nang bumalik ako saking condo. Pinasadahan ko ang aking cellphone na nakapatong sa kutson. Kanina pa ito nakaandar bago ko iwan at hula kong hindi na tumatawag si Mr. Montezco.
Numerous missed calls and messages from him flashed on my screen. Subalit ang pangalan ng aking boss ang ikinakaba ko.
Minuto pa lamang ang nakalipas mula ng huling tawag niya. Dalian ko namang idinial ang kanyang number.
"Ms. Santos!" galit na sigaw niya sa kabilang linya.
"Bakit po Sir?" halos manginig ang aking boses.
"Alam kong off day mo ngayon pero that doesn't excuse you from contacting our clients." Unti unting huminahon ang boses niya. "Mr. Montezco is on of our company's biggest client and investor."
"alam ko sir pero—"
"oh. Alam mo naman pala eh. Anong problema?"
"sir, the reason is just too personal. H-hindi ko siya kayang harapin. Can't he just get another financial adviser?" pilit ko.
"anong personal reason? Is he your ex-boyfriend?" halos maginit ang mukha ko sa kaniyang sinabi.
I can't even look at him straight! Let alone date him!
"sir hindi po!" tanggi ko.
"kung hindi naman pala, edi bakit? Give me a valid reason to why not?" inis niyang untag.
"Sir... I..." nangangapa ako sa sasabihin.
"Lia, madali lang naman pumili ng iba pang financial advisor at hindi naman kita kakausapin ng ganito kung hindi talaga ako mismong tinawagan ni Mr. Montezco para sayo." His voice softened at muli ko nang nararamdaman na ang kausap ko ay aking kaibigan, not my boss. "I offered him other FAs pero ikaw lang talaga ang gusto niya. That's why I assumed na may past kayo."
"sir, its not like that." Tawa ko ng marahan. "I just can't work with him... wala itong kinalaman doon."
"But you see Lia, wala akong magawa. I tried really. Ikaw talaga ang gusto niya." He sounded hopeless.
"I-I... Can't you... wala na bang ibang paraan?"
"how about you just get the meeting over with? Para hindi mo na siya kailangan makita. That's the only way."
Pumayag na ako. Wala na din nanaman akong magagawa. Para matapos na din ito sa lalong mas madaling panahon.
BINABASA MO ANG
The Fangs of Fate
RomanceSi Amelia ay isang normal na babae. Everything is just normal. Walang kakaiba sa buhay niya at akala niya hanggang dun lang iyon. Ngunit papaano kung paglaruan siya ng tadhana at pagbalibaligtarin ang mundo niya? Basahin at tuklasin ang istorya ng b...