Powerless
Madilim ang paligid. Steady ang aking paghinga at natatakot pa din akong buksan ang aking mga mata sapagkat baka pagkamulat ko ay makasalubong nanaman ng aking paningin ang kakilakilabot na mapupulang pares ng matang iyon.
"Lia, gising." Dinig ko ang boses ng nanay ko.
Dahan dahan akong mumulat at sinalubong ng masilaw na sikat ng araw kasama ng nagaalalang mukha ni mommy.
Nasa kwarto na ako ngayon. Probably in one of the hotel rooms. I wonder how I got here though. Ang tanging naalala ko lang kagabi pagkatapos ng insedente ay agad akong nawalan ng malay.
Pilit kong itinayo ang sarili ko ngunit agad din naman akong napahiga nang maramdaman kong muli ang pamilyar na sakit sa aking leeg.
So it wasn't a dream. Totoo iyong nangyari kagabi.
"wag mo nang pilitin ang sarili mo." Wika ni kuya sa isang bahagi ng kwarto. "tsk. Hanggang kasal ko ba naman pasaway ka." Patong niya ng isang baso ng tubig sa aking tabi at abot sakin ng isang tableta ng gamot.
"ano to?" tanong ko sakaniya bago ito tanggapin.
"lason. Inumin mo na." pangasar niyang sambit sakin bago siya batukan ni ate Angel, ang kaniyang asawa.
Agad naman itong napasinghap sa sakit at di na umimik.
"pangpatanggal ng sakit diyan sa leeg mo." Maamong ngiti sakin ni ate Angel.
Walang pagaalinlangan kong ininom ito ngunit nagtataka pa din ako na parang wala lang ito sakanila maliban na lamang kay mama na parang takot na takot akong tinitignan.
"uhm," I started, unsure what to say. "anong nangyari kagabi?" tanong ko.
"your stupidity happened." Irap sakin ni kuya kaya naman muli siyang nakatanggap ng isang batok mula sa kaniyang asawa.
"hindi mo ba naalala?" tanong sakin ni ate Angel. Marahan naman akong umiling at naghihintay ng paliwanag. "you were in an accident. Dumulas ka sa hotel garden at di sinasadyang masugatan ang sarili mo." She calmly said.
"pero pano niyo ako nakita?"
"here comes the good part." Bungisngis niya na parang bata. "Do you know Cane Montezco?"
"who?" taka kong tanong.
"siya ang CEO ng hotel na to and lucky you he himself found you brought you here." Ngisi niya sakin ng malapad. "nagulat na nga lang kami na nandito ka na tapos nagpatawag pa siya mismo ng doctor para sayo."
Kunot noo kong sinagap lahat ng inpormasyon na ito bago bumuntog hininga at muling humiga sa kama.
"what did the doctor say?" tingin ko kay mommy.
"he said youll be okay. You didn't lose that much blood for a transfusion pero kailangan magpahinga ka daw muna." Sagot niya sakin.
My head's throbbing. Ngunit hindi ang sugat ko ang dahilan ngunit ang nangyari kagabi. Should I tell anyone? That would be a wonderful idea kung hindi nila ako ipatatapon sa isang mental hospital at tatawaging baliw. Who would believe me anyway? I'd be a laughingstock.
"okay. I'll rest." Takip ko ng aking braso sa mata ko.
"sige po ma, maiwan na po namin kayo." Paalam ni ate Angel bago ko narinig ang pagsarado ng pintuan hudyat na nakaalis na sila ni kuya.
Mom was looking at me intently. Walang salitang lumalabas sa bunganga niya but her eyes say otherwise. She seems like she wants to tell me something pero hindi niya magawa.
BINABASA MO ANG
The Fangs of Fate
RomanceSi Amelia ay isang normal na babae. Everything is just normal. Walang kakaiba sa buhay niya at akala niya hanggang dun lang iyon. Ngunit papaano kung paglaruan siya ng tadhana at pagbalibaligtarin ang mundo niya? Basahin at tuklasin ang istorya ng b...