Alia POV
after naming mag pares ni marcy ay umuwi na kami, sa jeep palang ay ramdam ko na ang antok at pagod sa trabaho,
gusto ko na talagang matulog, mahimlay sa malambot kong kama,
(see picture at the side guys! yan ang kwarto ni alia.)
dahil nag cocommute lang ako araw araw ay kailangan ko manatiling gising para hindi ako lumagpas sa kung saang lupalop ng rizal,
pag baba namin ni marcy ng ever ay sumakay ulit kami ng jeep,
after few minutes ay pumara na ako sa driver na bababa ako, nag paalam na ako kay marcy,
nakita kong walang jeep o sasakyan na dumadaan kaya nag lakas loob na akong tumawid, sa kahabaan ng highway, nasa gitna na ako nang biglang may sumolpot na jaguar sa harap ko, kesa magpatuloy sa pagtawid ay napatigil ako, buti nalang at nakapag preno ito, panay ang busina ng kotse pero para akong tuod na hindi pa rin gumagalaw,
peeeep!!!!!!peeeep!!?!!
dinig ko parin, pero hindi talaga makagalaw ang katawan ko,
"ano ba miss!!! tatawid ka ba o sasagasaan na kita????" narinig kong sabi ng lalaking parang anghel sa harapan ko, sa sobrang gwapo niya ay parang slow motion ang lahat sa akin at
kahit pasigaw ang sinabi ay tila para itong haplos na katagang sinabi sa puso ko..naramdaman kong hinila ako ng lalaki patungo sa kotse niya pero wala parin akong ulirat,
nang makaupo na ako ay siya namang pag balik niya sa manibela at nag drive paalis sa lugar na yun.
maya- maya..
natigil ang kotse sa isang bahay na malaki, entrado palang pang mayaman na, nakakahiya ang suot kong jeans at saka blouse,
"baba!" utos sa akin ng lalaki,
umiling ako, hindi ko alam ang lugar na to kaya hindi ako bababa dito.. baka rapist to, ok lang kung ma rape ako, gwapo naman, hihi! joke!
nang ilang minuto na ang lumipas ay di pa rin ako bumababa ay hinila na ako nito palabas ng kotse nito,
nang makalabas na ako ng kotse nito ay bigla naman bumukas ang yari sa narrang pinto ng bahay at iniluwa ang mestisa at maganda pero may katandaang babae na naka pang bahay, halata dito ang pag aalala sa mukha,
"hijo! bakit ngayon ka lang?" sabi nito saka nabigla nang makita siya, "and who is this lady?" sabi niya ulit,
hinila ako ulit ng lalaki palapit sa babae at humalik ito dito, "im going to sleep ma, im tired." sabi ng lalaki saka ako iniwan sa babae, ako namang natuod na ay kusang nag mano sa babae at ngumiti,
tumango naman ang babae at ngumiti din ng pagkatamis sa akin, "it seems that ikaw ang girlfriend ng unico hijo ko hija, what is your name?" sabi nito saka ako giniya papasok ng bahay,
"im a-alia alonso po," sabi ko naman na panay ang tingin sa loob ng bahay, nag sisigaw kasi ito kung gaano ka yaman ang nakatira dito, "have you eat your breakfast na?" sabi nito ulit sa kanya, umiling siya, " great! come and join me!" sabi nito sa kanya at ngumiti,
pinaupo siya sa tabi nito at isang lalaking kamukha naman ng lalaking nag uwi sa kanya ang nasa kabisera,
"dear, finally, nag uwi na rin ng girlfriend ang anak mo, akala ko hindi na talaga siya mag babago at lahat nalang ng babae ay papatusin niya at hindi iuwi dito," sabi nito,
bigla namang napatiklop ng dyaryo ang lalaki at napatingin sa kanya,
"h-hello po, a-ako po si alia at h-" sabi niya ng biglang nag salita ang lalaki,
"im glad to see you hija! alam kong hindi pa kami napapakilala ng anak namin sa'yo, ako ang daddy ni vin, don elisario ceazar, at siya ang asawa ko si alyana, pasensya ka na sa ugali ng anak namin, please help yourself with the foods." sabi nito sa kanya,
'vin pala ang pangalan ng hinayupak na umuwi sa kanya dito! gago yun! napag kamalan pa akong girlfriend nito!' sabi niya sa utak habang kumakain ng nakahanda sa mesa.
"so, im sure sa convergys ka rin nagttrabaho hija" sabi ng tita alyana, yan kasi ang sabi niya na itawag ko sa kanya,
"uhm, opo tita." sabi ko habang kumakain,
"great! anong posisyon mo dun hija?" tanong naman ni don elsie,
uminom muna ako ng tubig saka sumagot, "naku! customer representative lang po don elsie, bago lang po kasi ako." sabi ko naman,
nakikita ko ang tuwa sa dalawang matanda,
"tita alyana, don elsie, salamat po sa breakfast, pero kailangan ko na rin pong umuwi eh, inaantok na rin po kasi ako," sabi ko sa dalawa saka kinuha ang bag ko na nilapag ko sa sahig kanina,
"ay ganoon ba hija? okay lang, gisingin ko muna si vin, ipapahatid na kita" sabi naman ni tita alyana,
"ay! wag na po! kaya ko pa naman pong mag commute eh, hehe" sabi ko naman,
pumayag naman ang dalawang matanda, lumapit sila sa akin at humalik sa pisngi at hinatid na ako sa labas ng bahay,
"punta ka rito minsan hija ha? mag iingat ka." sabi pa ng tita alyana bago ako umalis.
buti nalang alam ko tong lugar na to, at least hindi ako mawawala, hay!
ang layo pa naman ang sakayan dito..
lakad pa rin ako ng lakad..
whew! pagod na ko, inaantok pa ako, ang layo naman kasi ng bahay nila eh.
"ate, gusto mo mag pahatid?" sabi ng lalaking may dalang motor at may iilang pasahero rin sa loob,
tumango ako at sumakay na, buti nalang may dumaan, kung wala patay talaga ako,
after a few minutes ay nasa bagong palengke na ako, mag lakad ako ng konte at sumakay ng jeep pauwi ng bahay.
maya maya ay nakarating din ako ng bahay, nag paalam na ako kina auntie na nakarating na ako at matutulog,
nang makarating na ako sa sariling silid ay nag bihis na ako at nahiga na, today is a day na hinding hindi ko makakalimutan, hindi ko man kilala ang vin ceazar na yun, pero alam ko, mag ccrus ulit ang landas namin, lalo na at isang mundo lang ang ginagalawan namin.
at hindi na niya napigil ang sarili, nanalo na ang antok sa labanan nila.
BINABASA MO ANG
Probinsyana
Teen FictionHave you ever tried to live to in a city na kahit minsan hindi mo pa napuntahan? lugar na kung saan hindi ka pamilyar man lang at sa panaginip lang nakikita? alia never tried to think twice nang alokan siya ng offer to work in the city na sa pangara...