Mariing pinagmamasdan ni Olivia si Cedric. Nakaupo sya sa kama habang nag-aayos ang lalaki. Hindi nya nga maintindihan kung bakit pa ito nag-aayos ng maiigi. Ang gwapo naman na nito. Sapat na ito bilang sarili nito.
Gusto n'yang tanungin ito kung bakit pa ito nag-aayos pero naisip nya ang promise nya nito. She needs to be a good girl for Cedric...a good girl.
Pero ayaw nya ang ginagawa nito ngayon!
"C-Cedric..."
"Hm?" He hummed without looking at her, this made her feel scared. He's not looking at her...
Her uncontrollably fear made her eyes fill with tears and she was barely holding back from crying. "B-Balik ka naman, diba?" She pursed her lips together.
Nagtanong ako sa kanya. Magagalit ba sya sa'kin? Iiwan naba talaga nya ako? Ayaw naba nya sa'kin? Naiinis naba sya sa'kin? No...no...
Napansin ng lalaki na may kakaiba sa kanyang boses. Tinapos nito ang pagpapabango sa sarili bago lumapit sa kanyang pwesto. Lumuhod ito sa kanya at pinagtama ang kanilang paningin.
"Ayaw mo parin bang maniwala sa'kin?" Panimula nitong tanong.
She want to deny it however she couldn't. "G-Gusto ko naman pero..." Nauutal n'yang sagot dito.
Bigla nalang itong tumawa na kinatigil ng kalungkutan nya. B-Bakit ito tumawa? Masama ba talaga ang mukha nya?
"You're feeling emotions right now, Olivia. Can you tell me what is it?" He softly asked, rubbing their hands together.
Napatigil sya. Hindi nya kasi alam kung ano ang isasagot. Ang nangungunang emosyon na alam nya ay takot. Takot sya kung ano ang mangyayari kung hindi talaga bumalik sa piling nya si Cedric.
Sinagot nya ito, "I'm... I'm scared." The emotions that building up inside her, burst out.
"I'm here, Olivia." Tumayo ito at niyakap sya habang sya ay nakaupo.
She cried non-stop, her chest moving violently up and down. She cried for a while before hiccupping. Then she gazed at him with her wet lashes up, asking cautiously and softly, "You won't dissapear, right? Cedric..." Mahigpit n'yang hinawakan ang damit nito.
Ang dulo ng bangs na natatakpan ang kanyang mga mata ay nababasa narin dulot ng pag-iyak nya. Sa ilalim nito, habang naghihintay sa isasagot nito, dumilim ang pagtitig nya sa mukha ng lalaki.
Answer me carefully, Cedric. Hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sa'yo. If you run away, I'll come after you wherever you go. And if I catch you, I'll kill you, Cedric. So please... don't make me angry. Don't run away, don't make me chase you...
Gaya ng gawain ng binata, bumagsak ang kamay nito sa ulo ni Olivia. Tila ito pangpakalma sa kanya, nararamdaman nya kasi ang haplos nito.
"I will not go anywhere, silly. Hindi ako mawawala. Walang aalis." Ngumiti ito, parang may pahiwatig ito subalit ang atensyon nya lang ay nasa mga mata nito.
Nakuha naman nya ang salita nito kaya medyo nakampante sya dito. Kahit hindi pa tuluyang naaalis ang duda sa kanyang dibdib, wala pa namang nangyayari. Ayos pa naman ang lahat.
Tumango sya at sinuklian ito ng ngiti. Sumimple pa nga syang punasan ang basa n'yang pisngi. "S-Sige. Mag-ingat ka ah. Baka maligaw ka ulit, Cedric. G-Gusto mo bang tulungan kita?" She offered happily.
Pwede naman nya itong ihatid kung saan man ito pupunta, tapos ay susunduin nya rin ito. O 'di kaya, hiramin nya ang phone nito para ilagay ang direksyon dito pero pasekretong lagyan din ito ng tracker para makita nya kung saan ito pupunta.
BINABASA MO ANG
Olivia
Short StoryLove Me Series #3: Olivia "I love you. I would be happy to offer you anything, even if it meant giving up my life for you." ***** Olivia is an simple high school student. Obedient and simple minded girl. Shy, quiet and introvert type. However if she...
