"Hmm, hmm. I got a new friend. His name is Cedric. My special friend..." Pagkatapos n'yang ibulong 'yon, humagikhik pa sya at sinubukan pang takpan ito sa pamamagitan ng kanyang kamay.
Kahit naman anong gawin ni Olivia para itago ang nadarama, mapapansin at mapapansin ito sa pamamagitan ng mga mata nya. Mas naging kaaya-aya ito dahil sa kakaibang liwanag na makikita dito.
Subalit, hindi rin naman agad 'yon nagtagal. Napatigil saglit sa paglalakad ang dalaga, "Wala sya sa tabi ko ngayon...okay lang. Nasa condo ko lang sya. Nadoon lang sya, hindi sya aalis..."
She mumbles it to herself repeatedly. She's trying her best to tell herself that Cedric won't leave. Yes, yes. Hindi 'yon aalis dahil sinabihan nya na ito. Wala syang balak paalisin ang lalaking 'yon.
Papasok lang naman sya sa school at mabilis lang din syang makakauwi agad. Atsaka, ni-lock naman nya ang pintuan ng condo nya mula sa labas. She won't be abandoned by Cedric. No matter what, he would not go without Olivia.
Ngumiti na si Olivia sa pagkakataong ito. Lalo na't naalala nya kung paano sya hawakan sa ulo ni Cedric, sinabihan pa nga syang mag-ingat papuntang school eh. She will trust him...for now.
Kampanteng naglakad na ang dalaga nang may pamilyar na mamataan. Kumpara sa dati n'yang nararamdaman, tila nabawasan na ito sapagkat may pumalit na para dito.
Those feelings are exclusively for Cedric. Hehehehe. I know it will reach an endless limit. To the point, I'll do everything for that man, my Cedric.
"Olivia?"
"Maria!" She exclaimed in delightful tone.
Napansin nya ang biglang pagngasim ng mukha nito. "What are you doing here? Hindi dito ang school mo ah? Don't tell me..."
She chuckled at her reaction. She won't go to Maria's school only to be with her. Hindi na nya ito kailangan. At baka mauna pa nga sya masaksak kesa makapagtransfer sa school nito eh.
"No. May gusto lang akong sabihin sa'yo." Buong ngiti n'yang sambit sa babae.
Mukhang naintriga naman ito sa kanyang sinabi. Palagi nalang kasi n'yang bukang bibig kung gaano nya kagustuhang makausap at makilala ito. Ngunit iba ang ihip ng hangin simula ngayon.
"Oh? Papakinggan ko 'yan kung hindi 'yan tungkol sa'kin."
Tumango naman sya, "Actually...I have someone I like." Her cheeks was flushed crimson, but she smiled heartily.
Yet the woman standing in front of her is in utter shock. Kung hindi lang makikita ang ekspresyon ngayon ni Olivia, iisipan agad ni Maria na nabingi ang sarili saglit.
"Ikaw? May gusto?"
"Hmm!" With excitement, she nodded her head.
Napahawak pa ito sa sariling panga, halatang sinusuportahan ito upang hindi ulit bumuka ng kusa. "How did you met that person?"
Pumasok sa ala-ala ni Olivia ang matulis at malamig na mga mata ni Cedric nang unang beses na magtama ang kanilang mga mata.
Napahawak sya sa sariling pisngi na hindi mawala-wala ang pamumula. "Nakita ko lang sya bigla. Hulog ata sya ng langit sa'kin. Don't you think so, Maria?"
"Oh...yeah?" Tumabingi ang ulo nito saglit, pansin nya lang na wala ang atensyon nito sa kanya.
"Anong tinitingnan mo?" Lumingon din sya sa kanyang likuran, wala namang ibang tao dito. Oras nadin kasi ng klase ngayon. "I'm asking you." Bumalik ang paningin nya dito, naging seryoso na ang tono nya para dito.
She is unwilling to do this. However, Maria is only her friend. Since she is finally experiencing this type of emotion, she wants her own friend to be excited for her.
BINABASA MO ANG
Olivia
Cerita PendekLove Me Series #3: Olivia "I love you. I would be happy to offer you anything, even if it meant giving up my life for you." ***** Olivia is an simple high school student. Obedient and simple minded girl. Shy, quiet and introvert type. However if she...
