Chapter 8

850 45 4
                                    

Baekhyun~

"Daehyun. Jung Daehyun" sabi niya. Wait parang familiar. Jung Daehyun..Jung Daehyun..Jung Dae-- teka paulit ulit? Wait parang familiar talaga ehh. Daehyun..Dae Dae? Ahhh kilala ko na.

"Dae Dae?" tanong ko. Nag-nod siya at ngumiti saakin. Si Daehyun yung childhood bestfriend ko kaso umalis siya nung 9 years old kami nag-migrate sila sa Canada dahil sa trabaho ng parents niya. "Ako nga hyunnie" sabi niya

Niyakap ko siya pero bumitaw agad ako "Kelan ka pa dumating? Na-miss kita" sabi ko.

"Kahapon lang. Di ko nga akalain na makikita kita dito. Atsaka parang ang lalim ng iniisip mo" sabi niya. Naalala ko nanaman yung sabi ng anak ko. "Ahh wala yun"

"May ginagawa ka ba?" tanong niya. "Wala naman bakit?" sagot ko

"Aayain sana kita, diyan sa malapit na starbucks para naman mag-kwentuhan tayo. Na miss kita ehh" sabi niya. "Sige halika, basta libre mo ahh" sabi ko at hinablot yung kamay niya at hinila siya. Napatawa siya ng mahina at sinabing "Sige sige"
"Dae, alam mo di kita nakikilala kanina, ang laki ng pinagbago mo. From panget to pogi" sabi ko. "Lul. Ako panget nung bata tayo? Di ahh. Andami nga nagkakagusto saakin nun ehh" pagmamayabang niya.
"Weh? Kaya pala binusted ka ehh" sabi ko.

"Tss wag mo na nga ipaalala yun. Atsaka past is past wala na iyun" sabi niya.

Nakarating na kami at humanap ng pwesto. "Anong gusto mo? Ako na oorder" sabi niya.
"Ahhmm isang Vanilla frappe lang, yung pinakamalaki" sabi ko. Tumango na lang siya umorder. Habang umoorder siya ay tumingin ako sa bintana. Sa may bintana kasi kami nakapwesto.

May nakakuha ng attention ko. Si Jongin ba iyun? Nakaupo sa may bench.Bakit may kasamang babae magka-holding hands pa. Aba'y pag ito niloloko lang si Kyung ahh puputulan ko toh ng ano xD. Pero baka naman pinsan lang. Tumayo yung babae. Hmm matwagan nga

Dialing Jongin Negro..

Nakita kong sinagot niya.

"Hello, Baekhyun hyung? Bakit?" tanong niya

"Nasaan ka? Nasa bahay ka ba? Kasama mo ba si Kyungsoo? May sasabihin lang ako"

"U-uhmm wala nasa opisina ako ehh"

Nakita ko malapit na yung babae.

"Babe! Sino iyan?"

"A-Ahh B-Baekhyun hyung bye na ahh." Binabaan ako at ano daw babe? Tinignan ko ulit yung dalawa. Aba'y sa public pa talaga nag-halikan. Masabi nga ito kay kyungsoo. Pagtapos nung "make-out-session" nila ay umalis na sila sakto naman dumating si Daehyun.

"Ohh ito na po" sabi niya at nilapag yung frappe sa harap ko. "Galit ka na nyan?" tanong ko at sinimulan inumin yung frappe. "Di ahh" sabi niya
"Good kasi kung Oo, nakikita mo tong eyeliner na to? Tutusok ko ito sa mata mo. Ikaw na nag-aya kaya dapat lang libre mo. G*go" sabi ko habang hawak yung eyeliner na galumg sa bulsa ko bagong tsa pa.

"Ahh hehehe di naman talaga" sabi niya at hinawakan yung kamay ko at dahan dahan binaba. Tinago ko na yung eyeliner sa bulsa ko. "Musta life sa Canada?" tanong ko

Napa-sigh siya "Ayun malungkot nung una dahil wala pang masyadong kilala pero di nagtagal nagkaroon rin ng mga kaibigan. Eh ikaw musta?" ani niya. "Eto nagkalove life pero pinaglaruan lang pala ako. Sa kalandian kong taglay. Ayun najontis aker" sabi ko habang natatawa pero tinignan ko yung mukha niya seryoso. "May anak ka na?" tanong niya.

Nag-nod ako. "Eto naman masyadong seryoso. Oo meron na. Kambal pa nga ehh. Gusto mo makilala?" tanong ko. At ininum yung frappe ko.

S.I.L.E.N.C.E

Napatahimik kami pero binasag rin naman ni Dae. "Uhmm Baek single ka ba?" tanong niya. "Oo. Why?" Tanong ko.

"Kasi ano.." pabitin niyang sabi. "Ano?" tanong ko

"Pwede bang manligaw?" tanong niya na ikinagulat ko. "Dae..di ko alam" sabi ko at napa-yuko. Hinawakan niya yung baba ko at inangat.

"Baek. Ok lang kung may anak ka na tatanggapin ko" sabi niya. Napa-iling ako "Hindi, hindi iyun ang problema" sabi ko. "Ano? Please sabihin mo" sabi niya na parang sabik na sabik malaman.

"Di pa ako nakaka-move on sa past relationship ko" sabi ko. "Ok lang Hyunnie. Papayag akong maging rebound mo" sabi niya at nag sad smile.

Sasagot na sana ako ng biglang nag-ring yung phone ko. Si Kyungsoo. Nag sign ako kay Daehyun na wait lang. Tumango na lang siya. Sinagot ko na iyung tawag.

"Hello, kyungsoo?"

"*sniff* Baek.. Baek..*sniff*"
"Ano? Huy bakit ka umiiyak? Wait lang puntahan kita diyan. Nasaan ka ba?"

"*sniff* n-nasa b-bahay k-kauwi lang namin ni k-kyungin m-mula sa m-mall *sniff*"

"Sige sige pupuntahan kita diyan" at binaba yung tawag. Napatingin ako kay Daehyun.

"Dae kailangan ko na umalis" sabi ko at tumayo pero hinigit niya yung kamay ko. "Sama ako" sabi niya at tumayo. "Sige sige halika na bilisan mo" sabi ko.

Umalis na kami at pumunta sa bahay ni Kyungsoo ginajit namin yung kotse ni Daehyun. Nang makarating kami sa harap ng bahay nila kyungsoo ay agad agad nagpark si Dae at bumaba kami. Nakita ako ng guards kaya binuksan agad yung gate.

Pumasok ako sa bahay nila at nakita ko si Kyungsoo nasa sala andaming tissue sa paligid. Nilapitan ko siy agad at tinanong "Kyungsoo. Bakit?" Tinignan ako ni Kyung "Baek nakita ko si K-Kai sa mall kanina may kasamang b-babae. Naghahalikan pa" sabi niya habang umiiyak. Sabi na ehh nanloloko tong si Kai di pa rin nag babago.

"Kyung tahan na tahan" sabi ko habang hinihimas yung likod niya para kumalma. Sinenyasan ko rin ang isang katulong na kumuha ng tubig kaya kumuha siya ng tubig at pinainum namin kay Kyungsoo. Maya maya kumalma na siya.

"Baek, // le tingin sa kasama ni baek// at kung sino ka man tulungan niyo ko, kami ng anak ko ilayo niyo kami kay Jongin habang wala pa siya" sabi ni Kyungsoo at nagmamakaawa.

Nagbuntong hininga ako "Pero kyung pwedeng malaman ni Jongin kung nasaan kayo kung sakaling saakin ka makitira" sabi ko pero sumingit si Daehyun.

"Sa condo ko na lang" sabi ni Dae. Napatingin ako sa kanya.
"Ok lang ba?" tanong ni Kyung

"Oo ok lang basta ikaw Soo" sabi ni Daehyun. Kalimutan ko kaming tatlo ang magkakaibigan noon. "Teka Dae?" tanong ni Kyung. Tumango na lang si Dae pero sumingit ako.

"Kyung mamaya na kayo mag chikahan at baka dumating na yung Negrong asawa mo" sabi ko. "Ayy Oo nga pala" sabi niya at umakyat..sinundan ko naman siya at sabi ko kay Daehyun na i-start na yung kotse. Sumagot na lang siya ng 'Ok' at lumabas.

Umakyat kami ni Kyung at naglabas siya ng 2 maleta isa sa kanya at isa para kay Kyung. Mabilisan kami nag lagay ng gamit wala pang 10 minutes tapos agad kami. Binaba ko ang 2 maleta habang si Kyung buhat buhat ang tulog na Kyungin. Lumabas kami at nilagay ang gamit sa trunk ng kotse. Pinasok naman ni Kyung ang bata sa kotse. Bago kami umalis sinabihan niya yung dalawang guard at yung dalawan katulong na bumisita lang sila kyung sa busan sa grandparents ni Kyungin at binilinan niya rin na wag sabihin na kasama niya kami.

Pagkatapos non ay umalis na kami.

______________________________

Ohh no! May problema ang Kaisoo. Tsk. Tsk. Kim jongin lagot ka! xD
Kawawa naman si Kyungsoo.

Kay Baekhyun naman tayo. Papayag kaya si Baekhyun sa tanong ni Daehyun? Haha.

Payag ba kayo na magkatuluyan si Baek at Dae? xD

Vomment please :)

Thanks :*

-MissMoonlight18

Single Parent (ChanBaek)|| (DISCONTINUE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon