FARRAH's POV
"Hoy kevin! Bilisan mo na nga diyan! Malelate ako sayo eh!"
Ganito kami palagi. Magkapit-bahay kami ni Kevin. Si tito Mike ang humahatid namin sa school.
"Oo na! Pababa na! Ingay mo!" sabi niya habang pababa
At ako ang naging maiingay ngayon? Buhay talaga oh!
"Sumakay na nga kayo!" sabi ni Tito Mike.
First day ito ng high school ko. At gagawin ko itong perfect. Sana nga maging perfect. Nagsuot kaya ako ng headband na galing Paris. Oh diba sosyal?
KEVIN's POV
"Hoy kevin! Bilisan mo na nga diyan! Malelate ako sayo eh!"
Sabi ni pinsan. Inggay talaga. Kanina pa yan sumisigaw. Parang manok, tuka ng tuka. Maaga pa naman eh. Baba na nga.
"Oo na! Pababa na! Ingay mo!" sabi ko
Tinignan lang niya ako. Mukhang antok na antok pa.
"Sumakay na nga kayo!" sabi ni Tito Mike.
Sumakay naman ako. First day ng high school life ko to. Teka, sino kaya ang mga kaklase ko? Sana yung bestfriends ko. Nakarating na kami sa school. Nagpaalam kami ni Daddy. Pumunta kami ni pinsan sa may bulletin board. Dun kasi nakalagay ang mga sections namin tinignan ko. Hinanap ko ang pangalan ko.
"YES! Classmates kami ni Gino!!" napasigaw ako.
"Tumahimik ka nga." nagtataray naman ang pisan ko ah. Kulitin ko kaya.
" Bakit babe? Hindi ba pwede?"
"Babe mo mukha mo. Makaalis na nga!" sabi nya habang nagwowalk out.
Nakakatawa talaga ang mukha ni pinsan.
"Ano? Babe daw sabi eh? Swerte naman ng girl." sabi nung girl sa may gilid.
Patay na. Naniwala kaagad? Hayaan na nga.
FARRAH's POV
Bumaba na kami sa car ni tito Mike. Pumunta kaagad kami sa may bulletin board upang tignan kung ano ang section ako. Nakita ko kaagad ang pangalan ko. Classmates ko pala sina Maggie at Darlene. Best friend ko sila.
"YES! Classmates kami ni Gino!!" sigaw ni pinsan. Ingay nito ah.
"Tumahimik ka nga." pinagalitan ko siya. Nakakahiya kaya.
" Bakit babe? Hindi ba pwede?" sabi nya.
Ay loko na. Tinawag akong babe? Humanda ka sa akin!
"Babe mo mukha mo. Makaalis na nga!" sabi ko habang papunta sa classroom ko.
Kakainis talaga si pinsan oh! Aga aga pa nga eh
''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''
Hey guys!
PLEASE DO COMMENT AND VOTE :))
Xoxo,
Alexis

BINABASA MO ANG
Ang crush kong pinsan
Roman pour AdolescentsAnong gagawin mo kapag nalaman mo may crush ang pinsan mo sayo? At inakala mong pinsan ay .....