Chapter Wan

10 0 0
                                    

 (A/N)> Hello po! Eto nga po pala yung aking unang istory na maisusulat :D Sana magustuhan niyo po...(sana lang.. xD)

Salamay sa pagbabasa!

========================*chuu~!*===================

      Naglalakad ako sa playground nang may makita akong isang batang lalake na mag-isang nakaupo sa swing.

Nilapitan ko siya kasi parang bago lang siya dito at malungkot din siya.

“Hello bata!”, masigla kong bati. ^_________^

“Ay!”, napatalon yung bata sa gulat. O___O

Hala ka.. Nasobrahan yata ang pagka-lakas ng boses ko... ahehehe...peace ^3^V

“Ah... Eh... Bata, sorry ha...  di ko sinasadyang magulat ka.“

“H-hindi, o-ok lang a-ako”,mahina niyang sabi

“Sigurado kang okay ka lang? Eh bakit ba na-uutal ka diyan?”,

“W-wala nga kase.”

Hala? Ano kaya yun? nauutal tapos wala lang? Bahala na nga siya, gusto niya yan eh... hehe :D

“Ah... bata , ako nga pala si Philomena Angela Mateo, pero Pam nalang ang itawag mo sa akin.” , sabi ko sabay ngiti sa kanya . ^____^

“Eh ikaw bata, ano pangalan mo?”, tanong ko.

“A-ako si Lance”,nahihiya niyang sagot.

“Bago ka dito no? Ngayon lang kasi kita nakita dito eh”, sabi ko habang paupo sa swing na katabi nung kay Lance.

“Oo, dito kasi ako dinala nung mga kumupkop sa akin, hindi na daw nila ako kayang buhayin.” sagot niya at umupo na rin sa swing na inupuan niya.

“Kumupkop? Eh di, hindi ka nila anak? Ganun?”, mahina kong tanong habang nakatingin sa kanya.

“Oo, noong 4 years old palang ako, namatay yung daddy ko dahil may diabetes siya, kaya ang mommy ko nalang ang nagtatrabaho para may panggastos kami sa araw-araw.”, kwento niya.

“Ano trabaho ng nanay mo?”

“Isa siyang pulis... Isang matapang na pulis...”

Maya maya may narinig akong pag-hikbi.

“Oh Lance, bakit ka umiiyak?” nag-aalalang tanong ko

“N-namimiss ko na k-kasi si m-mommy eh”, pautal-utal na sabi niya habang umiiyak

“Anong nangyari sa mommy mo?”

“Nabaril daw siya ng isang magnanakaw, tapos nalaman ko nalang sa kaibigan ni mama na patay na daw siya.” sabi niya habang naka-yuko

Hindi na muna ako nagsalita... Hindi ko alam ang sasabihin ko...

Iniisip ko pa lang na pano kung nabaril din ang nanay ko, ano kaya mararamdaman ko...

Nalungkot ako bigla  L

Ang sakit pala talaga nun...

Tumingin siya sa akin at pinagpatuloy niya yung kwento niya...

“Bago mamatay si mommy, nagmakaawa daw siya sa kaibigan niya na kupkupin muna ako, dahil wala na akong ibang kakilala o kamag-anak na mag-aalaga sa akin. Mabait naman ang mga nag-alaga sa akin, maayos akong pinalaki at inaruga... Ang problema lang ay hindi na nila ako kayang alagaan pa. May dalawa silang anak na nag-aaral sa kolehiyo kaya’t gipit na gipit na sila, wala na silang ibang naisip pa kundi dalhin ako dito.”, sabi niya

Kitang kita ko sa mga mata niya ang kalungkutan at pag-iisa...

“Ilang taon ka tumira sa kanila?” tanong ko

“Hmm... 4 na taon ako nung kinupkop nila ako... tapos 7 years old na ako ngayon... bali 3 taon din. ” sabi niya.

Katahimikan... *krooo* *krooo* *krooo* <A/N~yan ang tunog ng kuwago, or owl sa Ingles.> 

Bigla nalang niyang pinahiran yung mga mata niya, ngumiti at nagsalita.

“Haaaaaay!! Ano ba yan! Dapat hindi na ako umiiyak eh, kasama ko naman parati si mama at si papa eh. Yun yung sabi sa akin sa simbahan pag namatay ng mabuti ang isang tao, pupunta siya ng langit at gagabayan daw ako.” sabi niya

Tumingala siya sa ulap.

“Mommy! Daddy! Kahit di ko kayo nakikita sana parati nyo akong gagabayan at aalagaan ha! Mahal na mahal ko po kayo at miss na miss ko na rin kayo!”, sigaw niya sa ulap

Naluha ako sa sinabi niya, pero pinunasan ko agad luha ko kasi ayaw kong makita niya ako na umiiyak, dapat maging masaya rin ako para sa kanya...

....at  para na rin sa sarili ko...

“Ma, Pa, namimiss ko na rin po kayo.”, bulong ko sa sarili ko.

Bigla siyang tumayo at nagsimulang maglakad..

Ako naman, tumayo na din at naglakad katabi niya... syempre dapat tabi parin kame... bakit ba? xD

“Ikaw Pam, matagal ka na ba dito?”, tanong niya

“Hindi naman... Siguro mag dadalawang linggo palang..”

Ay hindi ko pa pala naikukuwento sa inyo kung nasaan kami nuh?

Nakatira kami sa isang pribadong bahay ampunan. Dito nila dinadala ang mga batang nawawala, palaboy-laboy o walang matutuluyan. Hindi ito isang ordinaryong ampunan. Isang grupo ng mga mayayamang kababaihan ang namamahala nito. Iba sa kanila gusto talagang tumulong sa mga batang katulad namin ang iba naman ay mga nanay na namatayan ng anak at hindi na muli magkakaanak, para bang kami na yung itinuring nilang mga anak.

Maswerte talaga kami at hindi sa kung sinu-sino lang kami napadpad. Sa unang tingin mo palang sa lugar na ito, para lang itong malaking school na maraming bata, yung parang makikita mo lang sa ibang bansa...  Di mo talaga aakalain na bahay ampunan ito. May playground, classroom, chapel, dining area, living area, garden at library. Meron din mga kwarto para sa amin at sa mga bisita.

Kung tutuusin, ano pa nga ba ang hahanapin dito? Masaya naman dito eh...

 noong una...

Kaso nakakamiss lang talaga ang mga magulang ko... Miss na miss ko na sila...

“Uy...pam...”

“...”

“Uy Pam!” , sigaw ni Lance habang kumakaway sa mukha ko.

“Ay puso ng saging! Ah! O-oo.. ano yun?” , gulat ko.    O_____O

“Kanina pa kita diyan kinakausap, di mo naman yata pinapakinggap sinasabi ko eh..”  sabi niya   =3=

“Oo...este h-hindi pala.. kanina pa ako nakikinig dito, nag-iisip nga ako ng isasagot ko eh...”

“A-ano nga ulit yung sinabi mo?”      ahehehe sorry naman >.<

Nagkukwento kasi ako sa inyo eh, ayan tuloy nakalimutan ko si Lance. (><,)

Tumigil si Lance sa paglalakad at umupo naman sa damuhan.

Syempre ako umupo na rin. At katabi niya pa rin.. ahihihi ^_____^

“Ang sabi ko, bakit ka napunta dito?”, sagot niya

“Ganito kasi yun...”, pasimula ko

 <A/N~Yan may part 1 na... ipopost ko nalang yung part 2 sa susunod na pag-online ko :D

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 15, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Ngiti Ng Isang Adik (ANNIA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon