AWS CHAPTER 1

1M 13.6K 674
                                    


Cloud

"Ladies and gentlemen, I would like to introduce Skyleigh, my son's best friend."

Nakangiti akong tumayo kahit kinakabahan ako at lumapit sa stage kung nasaan si Mama Rain, ina ng best friend kong si Thunder. Nasanay na akong Mama Rain ang tawag sa kanya, ganoon na din kay Papa Winter, ama naman ni Thunder. Bumeso ako sa kanya at inabot ang mikropono. Nanginginig ang mga tuhod ko sa kaba kaya huminga muna ako nang malalim bago ko hinarap ang mga taong nakatingin sa akin. Parang bulang naglaho ang kaba ko nang makita si Thunder na todo ang ngiti habang nakatingin sa akin.

"Good evening everyone... especially to my best friend, Thunder. I am really lucky to be a part of your life, Thunder. I'll always be here for you... happy, happy birthday, Thunder. This performance is dedicated for you." Ngumiti ako sa kanya at lumapit sa piano. Pumalakpak ang mga tao, at nagsilbing cue iyon para simulan ko ang pagtugtog. Pumikit ako at sinimulang umawit.

(Play "I Will Be Here" - Steven Chapman)

Napahinga ako nang malalim nang matapos ang ginawa ko. Hindi ko talaga hilig mag-perform sa harap ng maraming tao. Tumingin ako sa lamesang kinauupuan nila Thunder at ng mga magulang niya kasama si TitaMoms.

Nakangiti silang lahat, kaya naman napangiti na rin ako. Kaliwa't kanang papuri ang narinig ko habang naglalakad ako pabalik sa lamesang inookupa namin. Malapit na ako nang mapahinto ako sa paglalakad nang makita ang kapapasok lang sa pintuan ng bulwagan. 

At doon ko siya nakita—Cloud Rendrex Monteciara, ang kapatid ng best friend ko at ang lalaking lihim kong minamahal, looking so dashingly handsome in his suit. It's been a while since I last saw him. Kahit halos araw-araw akong nasa bahay nila, bihira ko siyang makita dahil sa pagiging abala niya sa pagma-manage ng entertainment company nila. Sa edad na 25, isa na siyang CEO ng kanilang kumpanya. 

Hindi naman nakakapagtaka dahil masasabi kong napakatalino niya. 

Wala pa ring pagbabago si Cloud; seryoso pa rin ang hitsura nito habang panaka-nakang ngumingiti sa mga bumabati sa kanya. Napaka-gwapo pa rin niya, lalo na ngayon. Hindi ko maialis ang paningin ko sa maamo niyang mukha—his almond-shaped eyes, sharp nose, at 'yung mga labi niya na parang nang-aakit kahit hindi naman niya sinasadya—

"Done checking him out?" Napapitlag ako sa gulat nang may bumulong sa tenga ko, at nabalik ako sa kasalukuyan.

Pagbaling ko ay nakita ko si Thunder Hendrex na may malawak na ngising nakatingin sa akin. Mang-aasar na naman ito, tiyak. Kahit malaki na kami at may kanya-kanya nang pinagkakaabalahan, hilig pa rin nitong asarin at gulatin ako.

Kung ang kuya niya ang nagma-manage ng entertainment business nila, siya naman ang may hawak ng Monteciara Hotel. Isa ang Monteciara sa pinakamayamang pamilya sa Pilipinas. Ako naman ay isang manunulat ng mga nobela. Bata pa lang ako, hilig ko na ang magsulat ng mga kuwento, kaya kahit Business Administration ang tinapos kong kurso, pinursue ko pa rin ang career ko bilang isang writer. Nagbunga naman ito dahil isa na akong ganap na manunulat.

Bagama't sinasabi ni Thunder na corny daw ang mga isinusulat ko, hindi ko ito dinidibdib dahil alam ko namang suportado niya ako sa lahat ng ginagawa ko. Naikuwento pa sa akin ni Mama Rain na kumpleto ni Thunder ang lahat ng nobelang natapos ko at kinokolekta niya ang mga iyon.

"Thunder, ano ba?!" Sa inis ko hinampas ko siya. At ang loko tinawanan lang ako. Alam na alam niya talaga kung paano ko asarin.

"You know what, pulang-pula ang mukha mo." Tawang tawa pa siya habang nagsasalita. Kung nakakamatay lang ang tingin matagal na siyang pinaglalamayan. 

Napahawak ako sa pisngi ko dahil sa sinabi niya at mukhang tama nga siya dahil ramdam ko ang pag-iinit sa pisngi ko. Napahinto lang kami sa pagkukulitan nang may tumikhim sa harap namin. OA mang pakinggan pero nang tinignan ko si Cloud pakiramdam ko huminto ang lahat ng nasa paligid namin at wala kong naririnig kung hindi ang malakas na tibok ng puso ko.

Napabalik ako muli sa kasalukuyan ng may mga kamay na kumaway sa mukha ko.

"Earth to Sky, Kuya is talking to you."

Mas lalo atang namula ang mga pisngi ko sa kahihiyan.

"What did you say again Cloud?" nauutal kong tanong dito.

"I said kung kumusta ka na?"

"Ah yeah, I'm fine." Napapatungo kong sabi sa kanya. Minsan ko na nga lang siyang makausap pinagana ko pa ang kalutangan ko.

"It's good to hear that. Anyway, I'll just greet Mom and Dad. Mauna na ako sa inyo. Happy birthday ulit, bro." Bago siya umalis ay ngumiti pa siya.

Ngumiti siya kaya naman parang nasisiraan ako ng bait sa tuwa. Bihira lang ngumiti si Cloud kaya pakiramdam ko, buo na ang gabi ko dahil sa pagngiti niya. Ibang-iba kasi siya kay Thunder na palangiti at masayahin. Seryoso siya at bihira ko lang siyang makitaan ng emosyon. Taliwas ito sa ikinukwento nina Mama Rain at Thunder sa akin tungkol sa ugali ng lalaki. Hindi ko nga maintindihan kung bakit sa tagal kong kilala si Cloud, hindi kami naging malapit sa isa't isa.

"Really, Sky? Ganyan ka na ba kapatay kay Kuya para masabing buo na ang gabi mo dahil lang sa ngumiti siya?" Napatingin ako kay Thunder nang marinig ang sinabi niya. Talagang nahihibang na nga ako para masabi nang malakas ang nasa isip ko. Hindi na lang ako nagkomento at dumiretso sa buffet table dahil tinamaan na ako ng gutom.

"Just don't love him too much Sky, dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko kung makita kitang masaktan dahil sa kanya."

Napatigil ako sa sinabi ni Thunder. Tinitigan ko siya, iniisip na baka nagbibiro lang katulad ng palagi niyang ginagawa. Pero ang nakita ko ay ibang-iba sa Thunder na kilala ko mula pagkabata. Bihira ko lang siya makitang seryoso. Matagal na kaming magkaibigan—mula pagkabata pa lang. I was 16 years old nang malaman niya na gusto ko ang kuya niya. Since then, pang-aasar lang ang ginagawa niya sa akin. Ngayon lang siya nagsalita nang ganito kaseryoso at kinabahan ako dahil pakiramdam ko may alam siyang hindi niya sinasabi sa akin.

I snapped out of my reverie when he ruffled my hair.

Sumimangot ako nang guluhin nito ang buhok ko pero agad ding naglaho ito nang tumawa na siya. "Mukhang gutom ka na siguro baby Sky. Come, let's grab some food. Don't mind what I said, gutom lang din ako." So I chose to ignore what he said. Sa isip-isip ko baka tinamaan lang ng kalokohan ang best friend ko.

Pero sa gabing ito naintindihan ko ang mga katagang sinabi ni Thunder. Because tonight, I experienced my first heartache.

"Kapag nagmahal ka nang sobra, asahan mong masasaktan ka nang higit pa sa inaasahan mong sakit na pwede mong maranasan—dahil minahal mo siya."

TBC

A Wife's Secret PUBLISHED UNDER PSICOM.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon