AWS CHAPTER 6

607K 8.8K 928
                                    

SKY's POV

"You love me? How can you be so sure about your feelings for me when aside from my name, my family. You don't know anything about me. Don't make me laugh, I don't need your pity. Save it for someone else," marahas niyang inalis ang pagkakayakap ko sa kanya at tinalikuran ako.

"Maybe you're right, I don't know anything about you. I just knew you as Cloud Rendrex, brother of my best friend. Anak nang itinuturing kong magulang. Kababatang kasabay lumaki pero hindi kailanman naging close sa akin. Pero alam ko na ayaw mo sa carrots, takot ka sa mga maliliit na insekto. Hindi mo hilig magpa-picture. Handa mong gawin ang lahat para sa pamilya mo at pati na rin para sa taong mahal mo. Iilan lang 'yon sa mga alam ko tungkol sa 'yo. Siguro nga hindi 'yon sapat para masabi ko na mahal kita. Pero bakit ang sakit-sakit ng puso ko ngayon nang makita kitang nagmamakaawa sa kanya—"

"—Enough!" sigaw niya pero nagpatuloy pa rin ako sa pagsasalita.

"Bakit sa tuwing nakikita kita ang lakas ng tibok ng puso ko? Bakit sa tuwing ngumingiti ka, pakiramdam ko buo na ang araw ko? Bakit kahit paulit-ulit kong sabihin sa isip at maging sa puso ko na kalimutan na ang lintik na pakiramdam na 'to, hindi ko pa rin magawa. Now tell me, sa tingin mo hindi pa rin 'to pagmamahal? Sa tingin mo ba awa lang 'to? No! Kasi bago ko pa makita ang nangyari kanina, mahal na kita!"

"Fine! I believe you! Then are you willing to do anything for me?" saad niya pagharap sa akin kasabay ng paghinto ng ulan. Tumango ako.

"Kahit ano gagawin ko para sa 'yo."

"Then... come with me." 

Lumapit siya sa akin at hinila niya ako papasok sa kotse.

Nakabibinging katahimikan ang namayani sa loob ng sasakyan. Pasimple ko siyang tiningnan at hindi ko mabasa kung ano ngayon ang iniisip niya. Blangko lang ang ekspresyon niya. Walang makikitang kahit anong emosyon.

Namula ako nang maalala ang mga sinabi ko kanina. Ngayon ko naramdaman ang hiya sa mga binitawan kong salita. Nayakap ko ang sarili ko nang makaramdam ako ng lamig.

Kumusta naman sa suot-suot kong pantulog, hindi ba?

"Ouch!" Napaaray ako nang maramdaman ko ang kirot sa kamay ko. Doon ko naalala na may sugat pala ako dulot ng pagtulak kanina sa akin ni Cloud. Nagtaka ako nang ihimpil niya ang sasakyan sa tapat ng isang drugstore.

"Stay here." 

Napatango na lang ako sa sinabi niya. Makalipas lang ang ilang sandali narinig ko ang pagbukas ng pinto sa driver's seat.

"Give me your right hand," hindi nakatinging saad niya sa akin. Nag-aalinlangan pa ako nang iabot ko sa kanya ang kamay ko.

Kumabog ang puso ko nang hawakan niya ang may sugat kong kamay. Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko.

'My gosh, Sky, umayos ka nga. Kinikilig ka sa simpleng paghawak niya lang sa 'yo.'

Epal ng isang parte ng utak ko. Paano akong hindi kikiligin kung heto ang first time na hinawakan niya ang kamay ko? And I can't help but feel a tingling sensation. Napatigil lang ako sa kalandian ko nang buhusan niya ng alcohol ang kamay ko. Hindi ko napigilan ang mapasigaw. Napahawak siya sa tenga niya dahil sa pagtili ko.

"Will you shut up?!" Napapitlag ako nang sumigaw siya.

"Sorry, sino ba kasing nagsabi sa'yo na buhusan ang sugat ko ng alcohol? Ang hapdi kaya!" umiiyak kong sabi sa kanya. 

Mababaw lang ang luha ko, pero kung ikaw ang nasa posisyon ko at binuhusan ang kamay mong may sariwang sugat ng alcohol, tingnan ko na lang kung hindi ka mapaiyak.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 29, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Wife's Secret PUBLISHED UNDER PSICOM.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon