chappie 1 : "me and my story"

89 3 1
                                    

-me and my story-

So after reading "MY MEMORIES" notebook, i found out that this girl sitting on my bed is actually my bestfriend. nagtataka kayo bat di ko sya kilala? o well, like what i have said, i am aware of what happened...The moment i woke up a while ago having the feeling that i was asleep for a week, i knew that...

I JUST LOST MY MEMORY AGAIN...

Im XYRELLE CASTRO, XY for short... Im 17 years old. Snobish at maldita akong tao. hindi ako nakikihalubilo sa ibang tao kasi the more na napapalapit ako sa iba, the more na masasaktan lang ako... alam ko kasi na darating nanaman ang araw na makakalimutan ko sila, lahat sila,lahat ng memories ko with them.

Bakit? It's because i have MEMORY DISORDER.. Anterograde Amnesia to be precise, oo... yan nga... kilala nyo ba si Doris? sa Finding Nemo? oo parang ganun ako...mas malala lang sya haha.

It all started after i met a car accident when i was 10 years old. But all symptoms just showed up a year after.

Di ko naman nakakalimutan lahat, malinaw parin sa memory ko yung mga nangyari prior to my accident, i still know who i am, who my parents are, at ang pinagpapasalamat ko kay God eh yung sa studies ko, wala akong problema kasi uhmm, panu ba yun, ahmm parang stock knowledge? kasi pag tinatanong ako or nirereview ko mga napag-aralan namin, alam ko naman halos lahat. Yun nga lang di ko na alam kung paano naituro saakin yun. 

Yung mga nakakalimutan ko naman? well, nakakalimutan ko yung mga taong nakilala ko after ng accident... lahat including my memories with them... Si Jhie? nakilala ko sya when i was in first year highschool...i was 12 years old back then.

oh sya, tama na ang story telling... baka di nanaman kayanin ng utak ko at tuluyan ng bumigay...

pero sa tingen ko una munang bibigay ang tenga ko dito kay Jhie... Di ko na nga binasa lahat yung laman ng "My Memories" notebook ko eh... yung totoo, tao ba ito or robot na pinrogram na magsalita ng dire-diretsyo after kong magising??

well di naman ako naiirita kahit nagpapanting na ang tenga ko napaka warm kasi ng personality nya at super cute pa... sino naman ang maiinis dito... parang nagsasalitang manika lang eh...

"San si mommy tas daddy?"  =___= pagpuputol ka sa kwento nya.

"Aww naman...di talaga pinatapos kwento ko?"  sabay pout pa nya ahahahha ang cute lang eh... "Asa baba... Nakaugalian na din kasi na ako ang magkwento sayo ng lahat... magulo pa sa manok magkwento si tita eh, baka di mo maintindihan..." sagot nya habang nakapout padin.. hahah

ano namang connect ng manok?? kainis to...

"oh? may mas gugulo pa sayo mag kwento?? wag ka ngang magpout, baka akalain kong ikaw yung manok hahhaha" ginulo ko buhok nya sabay takbo...

maldita at pang-asar akong tao para layuan ako, pero alam naman yun ni Jhie at naiintindihan nya kaya nga best friend ko sya, sa school sya lang ang may alam ng memory disorder ko... At ayaw ko din ng kinakaawaan kaya ayun parang ordinary event lang yung nangyari lahat yun nakasulat sa notebook ko... 

walang nakasulat duon na fun memories, events etc. well alam ko naman ang rason, syempre mafufrustrate lang ako kasi di ko na maalala ang mga yun, kaya yung "My Memories" notebook ko is just a reminder of who am i, how i act and who to trust... and that is my bestfriend Jhie... ^_______________^

"Mom Dad!!!!!!" sabay yakap kina mommy at daddy...

"Oh gising na pala ang baby namin" sabi ni mommy...

"Oh baka nagugutom ka na Xy? kain ka na muna dito tamang tama at malapit ng matapos tong niluluto ko" sabi naman ni daddy na may ngiting abut tenga !!!haha oo si daddy ang nagluluto sa amin pag sunday... tanda ko pa kasi ganyan naman na ang nakaugalian since nung bata pa ako...

"Oo nga daddy parang namiss ko luto nyo hahha saka kanina ko pa naririnig yung tyan ni Jhie" sabay tingen ko kay Jhie na hiningal pa sa paghabul saakin sa hagdan...

tumingen sya kay daddy "Anu?? tito hindi po ah!!"  saka naman sya tumingen ulit saakin "hindi naman tumunog tyan ko kaninang kinukwentohan kita ah?? kelan mo naman narineg ha aber??" nagtatakang tanong nya...

"Ay nagkukwento ka ba nun?? akala ko tyan mo yung naririnig ko eh! Bunganga mo pala! hahahhaha" hala nagpout nanaman sya!!

"tsk... such a meanie!!" singhal nya

sasagot pa sana ako kaso may biglang yumakap saakin sa may legs ko... sisipain ko sana eh..kaso...

"Yey you're awake!!!" Wahhh such a cutie litle boy... i guess mga 4 years old palang to...Di ko mapigilang pisilin yung pisnge!! >_<

"kapatid mo Jhie??? Such a cutie, di mo kamukha hahahha nung pangalan nya best?" but after i said that....

....................

(silence***)

"Ate naman eh... im Andrew, your baby brother can't you remember me? tampo na ako..." with those words... bigla nalang uminit ang mga mata ko... nangilid ang luha ko... i figured out na with his age he probably don't know my condition yet...

"h-haha e-eto naman d-di na m-mabiro...t-tampo agad?" i laughed bitterly and hug him... then my tears started to fall... akala ko ligtas na ako sa pag atake ng sakit ko, like i can ignore it this time, like nothing happend... pero i just can't help myself...

"Why cry ate? di na ako magtatampo promise, dont cry na... sige ka.. iiyak din ako..." i felt my mom and Jhie patting my back... trying to comfort me... kaya naman inayos ko ang sarili ko at binuhat yung kapatid ko.. ngumite ako sakanila, to let them know that im ok...

 .......

"BE STRONG XYRELLE... NOT FOR YOURSELF, BUT FOR THEM... FOR THOSE PEOPLE THAT WE LOVE" sa lahat ng binasa ko sa "My Memories" notebook ko... yan ang pinakatumatak saakin... I wont let my oldself down... sayang naman ang mga na-endure at pinagdaanan na nya kung di ko makakayanan to... hehheh ang wierd parang kinakausap ako ng sarili ko ^__________^

Sino ka na ulit? (ON-GOING-editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon