"Umamin ka nga, may gusto ka ba sa akin" sabi nya sa akin bago pa man ako makalabas ng room. Kaming dalawa na lang dito sa building na 'to. Kami ang assigned cleaners ngayong araw
Bigla akong nakaramdam ng kuryente na nagpatayo sa mga balahibo ko
Oo, mahal ko sya pero takot akong masaktan. Hindi ko alam na dadating ang araw na malalaman nya ang Hidden Desire ko para sa kanya
Anong gagawin ko ngayon? Aaminin ko na ba?
"Hi-hindi kita--"
"Mahal kita" bigla kong naramdaman ang mga braso nyang nakayakap sa likod ko
Bigla akong nakaramdam ng saya at bumilis ang tibok ng puso ko, eto na ba yung tinatawag nilang butterflies?
"Mahal ri-rin kita" pagkatapos kong sabihin ang mga salitang yun ay dumilim ang paligid ko
"Anak, gising na!" Narinig ko ang boses ni mama kaya napabangon ako bigla
Teka, panaginip lang ba lahat ng yun?
BINABASA MO ANG
Once Upon A Dream
Teen FictionAlam nyo ba yung feeling na, nagising ka na lang isang araw Mahal mo na pala sya? Yan, Iyan ang nangyari kay Rianne Nafall sya sa taong hindi naman sya mahal Tunghayan nyo ang storyang nag-umpisa sa isang panaginip