Day 3

17 0 0
                                    

Wednesday na ngayon, ang bilis talaga ng oras. Vacant time namin ngayon kasi absent yung teacher namin sa Science

"Uy! Rianne, may assignment ka?" Tanong sa akin ni Aries

"Yah, bakit?"

"Wala akong assignment eh, pwedeng pahiram ng notebook mo?" Tanong nya sa akin

"Sur--"

"No, hindi pwede. Matuto kang gumawa ng sarili mong assignment" Seryosong sabi ni Eros kay Aries

Ganyan talaga sya, lumalabas ang pagkastrict nya minsan. Tutal sya naman ang president ng klase kaya may karapatan syang gawin yun

"Eros naman eh! Minsan lang 'to promise"

"No"

"Lagot ako nito kay Ma'am Marga, please Eros! Kahit ilibre pa kita"

Naalala ko tuloy na laging napapag-initan ng ulo ni Ma'am Marga itong si Aries

"Still no" Seryoso parin ag tono ng boses ni Eros

"Hahahaha, yan ang napapala ng pagka-addict mo sa Clash of clans" Bigla namang sumulpot si Jilliana sa likuran ko

"Hindi ka nakakatulong Jilliana" Hindi na lang pinansin ni Jilliana si Aries

"Oo nga pala, alam mo ba kung absent si Tris ngayon Eros?" Tanong ni Jilliana kay Eros

Oo nga pala, absent si Tris ngayon

"Hindi ko alam" simpleng sagot sa amin ni Eros

"Ah ok"

Bigla namang punasok sa room si Ma'am Marga at narealize ko na 2: 00 na pala

"Pass your notebooks now! Those who does not have assignments are absent" napatingin ako kay Aries na nakahalumbaba. Hys

Mabilis lumipas ang oras at tapos na agad yung klase namin. Kamalas-malasan nga lang at biglang umulan, wala pa naman akong dalang payong kaya heto ako ngayon naghihintay na tumila ang ulan

Dito muna ako nagstay sa canteen, ako na lang kasi yung naiwan sa lahat ng mga classmates ko. Matatakutin pa naman ako kaya ayokong tumambay dun sa room ng mag-isa

"Rianne? Bakit nandito ka pa?" Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nung marinig ko ang boses nya

"Nagpapatila lang ako ng ulan, wala kasi akong dalang payong"

"Ah ganun ba? Kung gusto mo sabay na tayo, ihahatid kita sa inyo" sabi nya sa akin pagkatapos ay kinuha yung payong nya sa bag

"Ah wag na, kaya ko naman umu--" bigla nyang tinakluban ang bibig ko gamit ang dalawa nyang daliri

"No, I insist. Sabay na tayo"


Once Upon A DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon