Kanina pa nag-umpisa ang klase namin at kanina pa ako balisa dahil sa panaginip na yun
"Ok ka lang Rianne?" Tanong sa akin ni Aries. Seatmate ko
"Ah oo, ok lang ako" sabi ko sa kanya then I faked a smile
Hindi, hindi ako okay. Napakabilis ng tibok ng puso ko at pwede ko na itong ihalintulad sa isang cheetah na tumatakbo
Nanghihina rin ako, feeling ko tuloy may sakit ako
Masakit, masakit isiping panaginip lang pala yun. Mahal ko sya pero kaibigan lang ako para sa kanya
Biglang may tumama sa aking crumpled paper kaya napatingin ako sa direksyon ng pinanggalingan nun.
Nakita ko si Eros, papalapit sa akin
"Sorry, mukhang napahina ang pagbato ko" sabi nya sa akin pagkatapos ay dinampot nya yung crumpled paper at ibinigay ito sa babaeng nasa likod ko, Si Tris, Girlfriend nya
Binuklat ni Tris yung crumpled paper, pagkatapos nyang basahin 'to ay napangiti sya
Bigla akong nakaramdam ng lungkot at parang may sumikip sa dibdib ko
Ang sakit pala makita sa harap mo ang taong mahal mo kasama ang taong maha nya.
Dumating na ang lunch break namin pero ito parin ako, malungkot at walang ganang kumain
"Uy! Yung ulam mo may langaw na" sabi sa akin ni Aries kaya natauhan ako bigla
"May iniisip ka ba?" Tanong naman sa akin ni Jilliana
"Ah wala, wala lang talaga akong gana" Sabi ko kay Jilliana. Tumingin ako sa right side ko at nakita ko silang dalawa
Si Eros at Tris, ang sweet nilang dalawa at nagsusubuan pa talaga
Wala akong karapatang magselos, alam ko yun pero anong magagawa ko? Tinamaan talaga ako kay Eros eh
"Ah punta lang ako sa CR Guys" sabi ko sa kanila pagkatapos ay tumakbo na ako papunta sa CR
Pagpasok ko sa CR, tumingin muna ako sa paligid kung may ibang tao ba dito sa CR
Nung nakasigurado na akong mag-isa ako dito ay sumigaw ako
"Hindi, hindi ka pwedeng ma-Inlove kay Eros, Rianne. Masasaktan ka lang! May mahal syang iba tandaan mo yan!"
BINABASA MO ANG
Once Upon A Dream
Teen FictionAlam nyo ba yung feeling na, nagising ka na lang isang araw Mahal mo na pala sya? Yan, Iyan ang nangyari kay Rianne Nafall sya sa taong hindi naman sya mahal Tunghayan nyo ang storyang nag-umpisa sa isang panaginip