NAPAHAWAK na lamang ng ulo nang magising si Dionne sa pagkakatulog. Ano'ng oras na nga ba? Shit! Napamura siya sa isip at saka bumangon sa kama. Nakita niya kasing wala na sa tabi niya ang binata kaya agad na niyang isinuot muli ang mga saplot at inayos ang kanyang sarili. Pagkatayo niya ay biglang naramdaman niya ang pangangalay ng mga binti niya. Masakit din ang hita niya. Totoo pala ang nangyaring iyon? They made love. May nangyari sa kanila ni Sean. Gumuhit naman ang ngiti sa kanyang mga labi at napatingin sa kama na kung saan nangyari ang kanilang pagmamahalang dalawa.
I bleed there. Damn that snake. Natawa na lamang siya sa turan ng isip niya. Pinihit niya ang seradura at agad namang bumungad sa kanya ang binata. Nakangiti ito at may dalang pagkain.
"Masakit pa ba?" Iyon agad ang bungad na tanong nito sa kanya. Ngumiti naman siya.
"Medyo. Pero Sean, kailangan ko pang magtrabaho kaya, aalis muna ako." Akmang lalabas na siya nang pinigilan siya ng binata.
"Ipinagpaalam na kita roon." Bigla naman niyang tiningnan ng napakaseryoso si Sean at nangunot na lamang ang noo niya. Kanino siya nagpaalam? Kay Amanda kaya? Napangiti naman ang binata at kinurot nito ang ilong niya.
"Kay Mayor kita pinaalam, sinabi ko roon na hindi maganda ang pakiramdam mo. Kaya huwag ka nang magselos, okay?" Ngumiti ito. Tumango naman si Dionne at niyakap na lamang ang binata. She felt her safe haven on him. She felt contented, and loved. Humiwalay na siya sa yakap at tiningnan ang pagkaing dala ng binata. May sopas, tinapay at may juice pa ito. Napangiti siya. Inilapag naman ng binata ang dalang pagkain sa maliit na mesa. Umayos na siya ng upo at nagsimulang kumain ngunit pansin niya lang na nakatitig lang sa kanya ang binata.
"Ayaw mong kumain?" Nagtatakang tanong niya rito. Umiling ang binata 'tsaka ngumiti sa kanya.
"Makita ko lang na kumakain ka, ayos na sa 'kin iyon."
Bigla namang uminit ang pisngi niya sa tinuran ng binata. Kilig ang tanging mailalarawan niya sa senaryong iyon. Pinagpatuloy niya na lamang ang pagkain dahil gutom na talaga siya. Maayos na silang dalawa ni Sean. Kinalimutan niya na rin ang nakaraan nito ngunit mayroon pa ring oras na parang tingin niya ay may hindi pa siya nalalaman tungkol dito. Huminto siya sa pagkain at tinitigan ang binatang nakatingin din sa kanya.
"Sean?"
"Hmm?"
Inihanda niya ang sarili niya para tanungin ito.
"Umm, Sean ba talaga ang pangalan mo?" Nangunot naman ang noo ng binata 'tsaka tumango.
"Oo,"
"Eh, nasa'n ang mga pamilya mo? Nais lang sana kita kilalanin... dahil alam mo na..." she smiled. Ngumiti rin ang binata sa kanya at hinawakan ang kamay niya.
"Dionne, don't mind my life in the past. All we need is to focus on what we are right now, okay? Huwag mo nang isipin pa ang mga bagay na bumabagabag sa iyo dahil hindi makakatulong iyon." Huminto siya muli sa pagsubo ng sopas. Huminga siya ng malalim at napaisip muli.
"Per—" hindi natapos ang sasabihin niya nang biglang may kumatok sa pinto. Tumayo ang binata para pagbuksan iyon. Pinagpatuloy ni Dionne ang pagkain ng sopas at napahinto siya sa nakita. Si Amanda. Ngumiti ito na sa kanya na may halong pang-aasar. Binaling naman nito ang tingin kay Sean na nagulat din sa presensya nito.
"Oh, how sweet you are." Sarkastikong sabi nito. Binaling naman ni Sean ang tingin sa dalaga. Napatayo si Dionne at tumabi sa binata.
Tumawa naman si Amanda at pumalakpak 'tsaka umiling-iling.
BINABASA MO ANG
Lost In Paradise (HSS: Dionesia)
General FictionLost In Paradise by nightly001 Minsang minalas si Dionesia o Dionne Monteroso dahil napag-iwanan siya ng mga kasama sa isla ng Guimaras. The place must be paradise then why is she so unlucky? Sumama lang siya sa kanilang get together party ng colleg...