Makalipas ng dalawang taon...
"THANK you, sir."
Masaya na si Dionne sa kanyang trabaho. Sa isang real estate company na siya ngayon nagtatrabaho. Isinantabi na lamang niya ang mga nakaraang nangyari sa buhay niya dalawang taon na ang nakalipas. It's been a long time since she shared her journey of life in the island of Guimaras. Para ba namang isang panaginip lang ang nangyari sa kanya noon. Pero kahit ganoon, hindi niya pinagsisisihan ang mga nangyari sa kanya roon. Guimaras is such a beautiful place—a so-called paradise. Huminga siya ng malalim at d-in-ial niya ang numero sa bahay nila.
"Hello, 'Ma?" Nakangiting turan niya sa kabilang linya.
"Dionne, anak. 'O, hindi ka ba busy ngayon diyan?" Huminga siya ng malalim.
"Hindi na po, 'Ma. Out ko na po ngayon at gusto kong ipasyal si Shannon sa Luneta ngayon." She was talking about her child. Iyong bunga ng pagmamahalan nila ni Sean. Noong nalaman niya kasi na buntis siya balak niya sanang ipalaglag iyon ngunit naisip niyang tanggapin na lamang iyon dahil biyaya iyon sa kaniya. Hanggang ngayon, wala pa rin siyang boyfriend. May nanliligaw nga naman ngunit hindi niya iyon mga tipo. She still love him. She still loves her ex.
"Sige, 'Ma. Magta-time out lang po ako, at dadaanan ko r'yan si Shannon." Aniya't binaba na ang tawag. Napangiti na lamang siya. Dalawang taon niya na rin pala binubuhay ang anak niya. Babae iyong anak niya at kamukhang-kamukha talaga ng ama nito.
Nagpaalam na siya sa mga officemates niya at lumabas na ng building. Marami na siyang narating. Umasenso na siya at nakabili na siya ng mga sariling gamit. Ngayon ay malapit nang mabuo at bahay na pinapatayo niya. Nang lumabas siya sa mistulang building, tinitigan niya ito. Kahit kailan hindi pa niya talaga nakita o nakasalubong man lang ang may-ari ng real estate company na iyon. Sadyang napakamisteryoso ang taong nasa likod nito.
She drove off to her house. Hindi naman kasi masiyadong malayo sa kompanyang pinagtatrabahuhan niya, eh. Napangiti na lamang siya sa hindi malamang dahilan. Baliw na ba siya? No! She was so contented with her life now. Naka-move on na siya, at lalong ini-enjoy niya ang pagiging single mom niya. She was now twenty eight years old. Alam niyang marami pa siyang mararating sa buhay niya.
Bumusina siya nang makarating na siya sa bahay nila. Agad naman siyang pinagbuksan ng mama niya. Nakita niya namang karga-karga ng kanyang ina ang kanyang anak—si Shannon Monteroso. Kinuha na niya kaagad ang anak niya at nagpaalam muli sa ina.
"'Ma, kumusta n'yo na lang po ako kay Papa, ah? Alis muna kami ni Shannon." Aniya't pumasok na muli ng sasakyan.
NAKARATING na sila sa Luneta at halatang malikot talaga si Shannon. Nahirapan siyang magbantay dito dahil malikot at makulit. Pinilit pa siya ng kanyang ina na mag-hire ng yaya ngunit ayaw niya sapagkat naroon naman iyong mama niya na laging nagbabantay kay Shannon.
Agad niyang tinitigan ang kanyang anak. Kopyang kopya talaga nito ang mukha ni Jaye. Napangiti siya at hinalikan niya sa noo ang kanyang anak. Pinaupo niya muna iyon sa tabi niya at may hinanap sa kanyang bag. Hinanap niya ang kanyang cellphone nang bigla na lamang tumakbo palayo ang anak niya.
"Shannon!" Agad niyang inayos ang bag at tumayo na ngunit 'di na niya naaninag ang anak. Labis na kaba ang naramdaman niya na baka ma-kidnap ito ng hindi kilalang tao.
NAGPAPAHANGIN ngayon si Jaye sa tapat ng dancing fountain. Nakaupo ito sa bench habang nakikinig ng musika. He wears an executive suit. Tiningnan niya ang wrist watch at alas kuwatro na ng hapon. Sa pagkakaalala niya, mayroon pa pala siyang client meeting kaya agad na niyang inayos ang sarili at tumayo na.
Sinuot niya ang rayban shades niya habang naglalakad nang bigla siyang may nabangga. Isang bata, nadapa ito at nasugatan ang tuhod nito. Bigla itong umiyak kaya tinanggal ni Jaye ang kanyang shades at lumuhod.
"Baby? Are you okay?" Malambing na turan nito sa bata. Hindi na nakasagot ang bata sa halip ay lalong umiyak ito. Napa-tss na lamang si Jaye at agad nang kinarga ang bata.
"Nawawala ka ba?" Mahinahong tanong nito sa bata at hinawi niya ang buhok nitong nakatakip sa mga mata ng bata. Napatigil naman siya. Parang carbon copy niya itong batang kargang-karga niya. Tinanong niya naman ito muli.
"What's your name, baby?" Pinunasan muna ng bata iyong luha bago magsalita.
"My name is Shannon." Tumango na lamang si Jaye.
"Nawawala ka ba? Gusto mo, hanapin natin iyong mommy mo?" Tumango na lamang ang bata. Hinanap naman ni Jaye ang ina ng batang ito ngunit napagod na siya sa kakahanap sa ina nito. Napahinto siya at bigla niyang naisip na mayroon pa nga pala isyang meeting ngayon. Tumikhim siya.
"Iiwan na lang kita sa guard, baby. I have something to work on to." Bigla namang humikbi ang bata at niyakap siya ng mahigpit. Dang. Aniya sa isip. Hinagod niya na lamang ang likod ng bata nang bigla niyang nahagip ang isang babae. Umiiyak ito na lumapit sa guard at tingin niya, iyon nga ang ina nitong batang karga-karga niya. Medyo may kalayuan pero mukhang kilala niya ang babae. Hindi lang siya sigurado. Biglang napatingin ang babae sa direksyon nila. Tumakbo ito papunta sa kinaroroonan nilang dalawa.
"Shannon!" Tawag nito sa bata ngunit napatigil ito.
"Jaye?"
"Dionne?"
May kung ano siyang naramdman dahil bigla na lamang bumilis ang pintig ng puso niya. Napalunok siya at agad niyang binigay si Shannon kay Dionne. Niyakap agad nito ang anak. Tumikhim siya.
"Anak mo, Dionne?" Nag-aalangang tanong niya rito. Tumingin naman sa kanya si Dionne.
"Anak natin, Sean." Napatigil siya nang maalala iyong kakaunting ala-ala sa isla ng Guimaras. Sean, he was called in that name by her. Dahan-dahan siyang lumapit sa gawi ni Dionne. Hinaplos niya ang pisngi ni Shannon at tumango-tango.
"I-I partly remember." Aniya at bigla na lamang tumulo ang luha niya nang 'di namamalayan. "I'm sorry, Dionne. I still love you."
Hinawakan niya ang kamay ni Dionne ng napakahigpit.
"I still love you, too, S-Sean." Napangiti na lamang si Jaye. "Jaye, rather." Dagdag nito. Napalingon naman si Shannon sa kanya at niyakap siya. Kaya pala parang may lukso ng dugo siyang naramdaman nang makita ang bata. Iyon pala ay anak niya iyon.
"So can we start on something new, Dionne?" Tumango naman si Dionne sa kanya. Ngumiti siya rito at hinaplos ang pisngi ng babae. "From now on, you're still my ex girlfriend."
Bigla namang umiba ang timpla ng mukha ni Dionne. Nangunot bigla ang noo nito na tila nagtataka. Gumuhit naman ang pilyong ngiti sa labi ni Jaye.
"Because you're going to be my wife now, Dionesia Monteroso." Aniya't inilapit ang mukha niya kay Dionne. Ngunit huminto muna siya saglit. Tinakpan niya ang mata ni Shannon at doon hinalikan niya si Dionne sa labi ng napakatamis sa harap publiko. Isang halik na puno ng pagmamahal, at hinding-hindi na mapapawi pa ang pagmamahal niyang iyon kay Dionesia.
Wakas...
BINABASA MO ANG
Lost In Paradise (HSS: Dionesia)
Ficción GeneralLost In Paradise by nightly001 Minsang minalas si Dionesia o Dionne Monteroso dahil napag-iwanan siya ng mga kasama sa isla ng Guimaras. The place must be paradise then why is she so unlucky? Sumama lang siya sa kanilang get together party ng colleg...