Chapter Ten

3.2K 52 5
                                    

NAG-AAYOS ng sarili ngayon si Dionne. Pupunta siya ngayon sa provincial hospital para dalawin ang binata. Ilang araw pa lang ang lumipas kaya gusto niya na pagkamalay na pagkamalay no'n, ay siya agad ang makita nito. Naglagay siya ng kaunting pulbo sa sarili at nagpabango. Gamit pa niya ang pabango ni Panyeng na blackwater ambitious. Nag-aamoy lalaki siya tuloy pero hindi na bale iyon sa kanya. Agad na niyang sinuklay ang buhok at inayos ang damit niyang floral dress na mayroong manipis na belt sa baywang niya.

Huminga siya ng malalim. Sana ako agad ang makita mo 'pag nagkamalay ka, Sean. Aniya't lumabas na ng silid. Nagtungo siya sa living room at hinanap si Steve ngunit hindi niya ito nakita. Nakita niya na lamang iyon sa garahe at nagpapa-soundtrip. Nilapitan niya iyon at nagpahatid sa binata. Pinagbuksan siya nito para papasok sa loob ng sasakyan ngunit nahagip ng paningin niya si Mrs. Balbuena. Nakatayo ito sa labas ng pinto ng mansyon habang nakatitig sa kanya ng makahulugan. Hindi na lamang niya pinagtuunang pansin iyon sa halip ay pumasok na siya ng kotse at agad nang pinaandar ni Steve iyong sasakyan.

Habang nasa biyahe sila, ay nanatiling tahimik ang dalawa. Animo'y bumalik sila sa pagiging estranghero sa isa't isa. Inawat naman bigla ni Steve ang tahimik na bumabalot sa kanilang dalawa.

"Mahal mo nga naman talaga si Sean. Tingnan mo, nag-effort ka pang magpaganda para sa kanya. Napakasuwerte naman no'n." He smirked while holding the steering wheel of the car. Bahagyang napangiti na lamang si Dionne sa sinabi ng binata. Nang malapit na sila sa destinasyon ay agad nang ipinarada ni Steve ang sasakyan. Bumaba na rin si Dionne.

"Salamat, Steve." Aniya sa binata na siyang nakasandal sa sasakyan nito. Ngumiti naman si Steve at tumango na lamang bilang pagsagot sa kanya.

"Pasok ka na, baka sakaling magkamalay na si Sean." Anito at tumango na lamang si Dionne bilang pagsang-ayon. She composed herself as she walked inside the hospital. Alam niya naman ang ward na kung saan naka-confine si Sean, eh. She was confident while walking off to his ward. Nang matunton niya iyon, ay sinilip niya muna ang binata. Gano'n pa rin, wala pa rin itong malay. Nakita niya rin sina Manang Cora at Panyeng na halatang nagpuyat pa para sa binata. Pinihit na niya ang seradura at pumasok na sa loob.

Dahan-dahan siyang lumapit sa dalawa. Kinalabit niya si Panyeng kaya nagising ito. Kinusot-kusot pa nito ang mga mata.

"Dionne, ang aga mo naman," anito na halatang bagong gising lang. Napangiti si Dionne at tinapik niya ito sa balikat.

"Umuwi na muna kayo ni Manang Cora, ako na ang bahala kay Sean dito."

"Sigurado ka?" Nag-aalangang tanong nito. "Si Nanang na lang," anito sabay baling sa matandang natutulog. "Puyat na puyat na kasi siya sa kakabantay kay Kuya."

Tumango na lamang si Dionne at ginising nila si Manang Cora. Nagising naman agad iyong matanda at nagpaalam muna saglit si Panyeng sa kanya dahil ihahatid nito si Manang Cora. Tumango na lamang si Dionne at naiwan na siya sa loob ng ward. Napatitig siya muli sa binata. Hinawakan niya ang kamay nito at hinimas. Napabuga siya ng hangin kasabay ng pagtulo ng mumunting luha sa mga mata.

"Nandito na ako, Sean. Sana kung magkakamalay ka, ako agad iyong masilayan mo. Sana gumising ka na, Sean. Miss na kita. Iyong pagiging arogante mo sa 'kin, iyong mga bagay na ginagawa mo mapakilig lang ako. Sana magkakamalay ka na." At hinalikan niya ang kamay nito. Ipinilig niya ang ulo sa espasyo ng kama nito at doon dinama na parang gising lang si Sean.

Napangiti na lamang siya habang may iniisip. Mahal na niya ito, puwede na niyang palayain si Jaye sa puso niya dahil pinalitan na iyon ng isang Sean Delarmente na nakilala niya sa isla ng Guimaras. Inangat niya muli ang ulo at tinitigan pa rin ang walang malay na binata. Hinaplos niya ang pisngi nito hanggang sa huminto ang daliri niya sa mapupulang labi nito.

Lost In Paradise (HSS: Dionesia)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon