Magmula ng ika'y aking masilayan
Ako'y agad na nabaliw sa iyong ganda
Sa iyong kumikinang kinang na mata
at sa iyong magandang mukha.
Lahat ay natutulala
Sa namumukod tangi mong kagandahan
Kaya wag ng magtaka
Sa taglay mong ganda.
Ika'y parang bituin
Na ang hirap abutin
Na kahit anong gawin
Ay mahirap maangkin.
Nawa'y iyong lagging tatandaan
Na hinahangaan kitang lubusan
Di lang dahil sa iyong kagandahan
Ngunit dahil din sa iyong mabuting kalooban