Alipin

17 1 0
                                    


Bawat pagtampi ng mga daliri,
Mga mata na nakatutok  sa bagay na ito palagi;
Labing nakangiti,
Di inaantala ang mga tao sa paligid.

Kinukulong ang sarili,
Sa isang bagay na nabibili,
Bakit?
Pag ito'y kaharap ni hindi pumipikit.

"Adik" isang salita;
Marami ang ipinapahiwatig.
Tayo;
Na di na matatawag na tao.

Materyal na mistulang naging droga;
Materyal na naging dahilan ng pagka bilanggo.
Materyal na di inaakalang makakapag pabago.

Materyal na nadiskubre;
Nakalikha ng matinding delubyo.
Materyal na nadiskubre;
Akala'y dulot ay magandang pagbabago.

Cellphones, tablets at computers mga bagay na hindi na dapat diniskubre pa,
Ito may nagbibigay saya;
Kabataan naman ay nawawala.
Mga millenials na kinain na ng teknolohiya.

Mga sama ng loob ay sa social medias inilalabas;
Mga kaibigan at magulang ay nababaliwala.
Asan na ang magandang pagbabago?
Asan na ang mga larong pinoy na nilalaro?.

Inalila, tayo'y inalila na ng teknolohiya.
Social medias na tinalakay ng ekonomiya.
Mga dating gawain ay unti-unting nawawala,
Mga magulang natin ay nagagalit na.

Magising ka,
Imulat ang mga mata.
Alisin ang posas na naka kandado
Wag magpa alila sa pagbabago.

Bawat pagtampi ng mga daliri,
Mga mata na nakatutok sa bagay na ito palagi.
Labing nakangiti,
Magulang na nanggagalaiti.



Works Of PassionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon