Ika'y isang tala,
Oo, mahirap abutin sinta.
Ika'y isang bulaklak,
Ganda mo'y namumulaklak.Paghanga sayo ay tila isang ilog,
Walang katapusan,
Ikaw at ikaw lang ang hahangaan magpakailanman.
Ako man ay parang hangin sa iyong paningin;
Di titigil sa pagpapa pansin.11:10, oras na sana'y tumigil,
11:11, sana'y ika'y maging akin.
11:12, orasan ang hirap mong pigilin,
11:13, hiling ko sana ay tuparin.Paghanga ko sayo sinta,
Isang ilog na walang katapusan.
Puso mong naging bakal na,
Palalambutin hanggang maging unan.Nandito lang ako,
Naghihintay na mapansin mo.
Nandito lang ako,
Naghihintay sa matamis mong "oo".