Oo, ako'y tanga,
Nung una akala ko gusto lang kita,
Nung una akala ko paghanga lang ang nadarama;
Nang makita kita na may kasamang iba puso'y nabiyak ng kusa.mahal na pala kita,
Yan na pala ang nadarama ko sayo sinta,
Tayo'y magkaibigan mula bata;
ngunit bakit ganito ang nadarama ko nang tayo'y tumanda.Ngiti mo'y puno ng sigla,
Ngiti mong nakakahawa,
Ngiti mong nagbibigay saya
Mahal nga talaga kita.pagsasama nati'y puno ng saya;
Ngunit ito'y nagbago simula ng may ipinakilala ka,
Babaeng ubod ng ganda,
Natanong sa sarili, "ako ba'y nakakasawa?".Sa bawat lakad natin ay kasama sya,
Dati rati'y tayo lang dalawa,
Nagbago ang lahat ng s'ya ay ating nakasama;
Wala na ba talaga?.Ngunit lahat ng ito'y aking binalewala;
Dahil ang mahalaga ay tayo'y magkasama,
isang araw ay ika'y may sinabi,
"Magtatapat kaya sya?" Tanong sa sarili.Pumunta ako sa tambayan,
Inalaala lahat ng tawanan;
Ngiti ay gumuhit sa labi,
Ngunit ito'y napalitan ng ika'y dumating ng may kasama.Ngiti ay napawi,
Luha ay pinipigilan
Pinilit na ngumiti ng ika'y nasa harap na,
Kasama mo sya, ang babaeng pinakilala mo na ubod ng ganda."Sinagot na nya ko at kami na." Turan mo sakin ng ngiting ngiti,
ngumiti ako;
Di pinapakita ang sakit na nadarama,
"Congrats!" Sagot ko ng may ngiti.sya pala ang hinahangaan mo sinta,
Ang babaeng dati mo pang nililigawan
Ang tanga ko nga talag
Ba't di ko yun napansin sa unang pagkikita.ayoko na,
Ngunit masaya ako para sa kanya
Masakit man sa damdamin
Tatanggapin nalang tulad kong nagmahal lang.