MASAMANG PANGITAIN

182 1 0
                                    

CHAPTER ONE

MABILIS ang takbo ni Annabelle. Takot na takot siya kaya panay ang lingon niya sa likuran. Ibig niyang masiguro kung nasundan siya ng mga humahabol sa kanya.

      Pero sa minsan niya pang  paglingon sa likuran ay bigla siyang nadapa sa lupa.

      "Ayy!"

       Tatayo na sana si Annabelle nang may biglang humawak sa binti niya.

       "Huh!"

        Napatihaya siya sa lupa nang hilahin nito ang binti niya. Kaya nakita niyang isa ito sa mga taong nakasuot ng itim na abitong may hood na humahabol sa kanya.

        "Bitiwan mo ako!"

         "Hindi ka makakatakas sa amin, Belinda."

      "Bitiwan mo sabi ako!" Nahintakutang sabi ni Annabelle nang makitang paparating na sa kinaroroonan nila ang iba pang taong nakasuot ng itim na abitong may hood.

         Mabilis na lumapit ang mga ito at binitbit si annabelle.

         "Huwag!" Biglang napabangon sa higaan si Annabelle.

         Lumingon siya sa paligid. Narito  siya sa kanyang silid.

      Bakit lagi niyang napapanaginipan ang mga taong iyon? Sino ba ang mga ito? Ano ang kaugnayan nito sa kanya? Saka bakit Belinda ang itinawag sa kanya nung isa sa mga taong iyon?

        Napakislot si Annabelle nang marinig niyang sumisigaw si Charmaine mula sa kabilang silid. Dali-dali siyang bumangon upamh pumtahan ito. 

          Nakaupo si Charmaine sa kama nito at umiiyak.

       Mabilis na sumampa sa kama si Annabelle at niyakap ang tatlong taong gulang na anak. Mas mahigpit ang naging byakap sa kanya ni Chaimaine.

         "Mommy!"

         "Ano ang nangyari, Charmaine?"

       "M-may monsters, Mommy. Maraming-maraming monsters. Nakita ko sila kanina dito sa room ko at dinala nila ako sa madilin na lugar..."

          "Andito na ang Mommy, Charmaine. Wala na ang mga monsters," alo na sa anak.

          Natatakot po ako,  Mommy. Baka kunin nila ako ulit..."

        "Ssh," saway ni Annabelle sa anak. "It was  just a bad dream, baby. Hindi sila totoo kaya hindi ka nila makukuha."

          Sinubukang ihiga ulit ni Annabelle ang anak pero ayaw nitong bumitiw sa leeg niya.

          "Charmaine-"

          "No, Mommy. Don't leave me here."

        "I won't leave you, baby. Just lie down. Babantayan ka ni Mommy dito sa room  mo. Pero kailangan mong magdasal kay Papa Jesus para hindi ka na magkaroon ng bad dreams, okay?"

          "Opo, Mommy," sagot ni Charmaine.

          Saka lang bumitiw si Charmaine sa kanya at nahiga ulit.

MASAMANG PANGITAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon